[Ninna's POV]
Kumakain lang ako ng nakita kong nakatitig si Christian sa akin. Palapit ang mukha niya sa akin. "A-anong gagawin mo" lumapit lang siya ng lumapit sa akin.
Napalunok ako bigla, no, wag muna... Virgin pa ako! Ahhhhhhh!!!!!
He smiled at me and said "May ketchup sa mukha mo" at tapos ay guminhawa ako, akala ko pa naman kung ano na kinuha ko ang tissue at pinunasan ang labi ko.
Lumapit na naman siya sa mukha ko "Pero aminin mo, may hinihintay ka no?" nako naman Christian, tumatayo balhibo ko sayo! "Ha? Wala no?" "Sige na bilisan mo na yan at aalis na tayo papunta sa rendezvous." Ako naman, sa takot na maiwan sa tour, dali-dali kong tinapos ang aking kinakain at naghanda na para sa tour namin mamaya. Kinuha ko ang camera ko sa dresser at lumabas na kami as hotel ni Christian.
Nagpunta kami sa likod ng hotel dahil doon daw kami mag kikita-kita ng iba pa naming mga kasama at ni Professor. Few minutes later, dumating na ang bus.
First Stop, Petronas Twin Towers!
Hindi ko alam ganito pala kaganda ang Malaysia! Super duper like! Tinawag ako ni Joy, ang classmate ko sa Tourism Asia na subject. "Uy Ninna, picture naman tayo oh?" "Sige ba." Lumingon ako kay pervert. "Hoy!" tumingin lang siya sa akin. "Photographer ka diba?" he just nod "Eto, pakipicture naman." Kinuha niya ang camera at pinipicture picture na kami ni Joy.
Nagtaka kami kung bakit siya tumigil. "Hoy pervert! Bat ka tumigil eh hindi pa naman kita pinatitigil ah?" ang sigaw ko kay Christian. Tumingin lang siya kay Joy at nag smile, "Joy kami naman!" ngumiti si Joy, tumakbo papalapit kay Christian at kinuha niya ang camera. "Sige, kayo naman." hay nako, etong lalaking ito talaga, kahit kelan ang epal epal!
Tumayo siya sa tabi ko at nag smile para sa camera. Wala na tuloy akong gana. Hinawakan ni Christian ang ulo ko at iniharap sa camera. "Wag ka kaseng palingon-lingon diyan habang nag tetake ng picture si Joy, sige ka lalo tayong tatagal dito." Sa bagay, tama din naman ang sinabi niya. Mahina kong sinuntok ang ulo ko, hindi karin nag-iisip Ninna, eh no?
Second Stop na, sa Kuala Lumpur Tower naman kami nagpunta.
Pa tingin-tingin lang kami sa paligid nang bigla akong tinawag ni Sir. "Miss Morales, samahan mo naman ang buddy mo" narinig ko lang na nagtitilian ang iba kong mga classmates. "Kung hindi lang kita buddy, matagal na talaga kitang iniwan" ang sinabi ko lang sa sarili ko.
Third Stop, Yey! Lunch break na! Kainan na naman!
Kumain kami sa isang restaurant malapit sa KL Tower, ayaw namin sa Menara, ang mahal mahal kasi ng mga food nila. Doon narin kami nagpahinga sandali. Marami-rami narin kaming napuntahan sa Kuala Lumpur, nakakapagod din naman.
Tapos na ang 3rd day namin sa malaysia! Tapos nun umuwi na kami sa hotel. Pagdating na pagdating namin sa hotel, dali-dali kong tinawagan si Shimey. "Hello Shimey!" "Oh, napatawag ka?" "Namimiss na kasi kita Shimey" "Ako rin, namimiss narin kita Ninna."
"Oh kumusta na pala yung plans mo para sa hatest person mo sa CFU?" ang open topic ko kay Shimey "Okay naman so far, leading ata tong kaibigan mo noh." tumawa lang ako, pero deep inside ayaw ko talaga ng violence. "Oh, yung tour mo kumusta?" ang tanong ni Shimey "Okay naman, kaso kasama pala si Christian"
"Ano? Yung ka dorm natin? kasama mo sa Malaysia?" "Oo, e ang badnews pa dito ay, kasama ko pa siya sa iisang kwarto." hindi ko na alam kung anong pumasok sa ulo ko sa mga oras nayon alam ko naman na mag rereact si Shimey kapag may nasabi akong ganun.
"Talaga? nasan siya? nasan ang mokong nayan, gusto kong makausap yang lalaking yan, ibigay mo sa kanya ang phone at ng makausap ko yang lalaking yan!"
Ang naging reprimand lang sa akin ni Shimey. Ibibigay ko na sana kay Christian ang phone pero teka.
Nasaan na si Christian?!

BINABASA MO ANG
Someone Like You (Completed)
Teen FictionSimpleng babae lang si Shimey Ellion. Pero nang na-enroll siya sa Court Featherless University, parang naging upside down na ang buhay niya nang nakilala niya ang B4! Ano kaya ang mangyayari kay Shimey? Tatagal kaya siya sa CFU? O baka naman tuluya...