Chapter 3: The Alien of my Dreams

423 8 0
  • Dedicated kay I-am John
                                        

[Ninna's POV]

"AAAAALIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEENnnnnnnnnnnnnnn!!!!!" ang sigaw ko, bigla akong natumba pero sinalo ako ng alien.

Ni reveal niya ang sarili niya, teka, hindi talaga siya alien? isa siyang mascot? "Hi, okay kalang ba miss?" tanong ng alien or mascot alien sa akin, grabi natulala ako.... ang-- ang cute nya!

"I'm fine" ang sabi ko sa kanya binitawan na niya ako at nag hi siya sa mga girls sa likod ko na nagtitilian, teka kilala siya ng mga girls nato? "By the way, i'm Christian." oh no, the cute alien wants to be friends with me "I-i'm Ninna." nagsmile siya sakin at naglakad papalapit sa friends niya, sinundan ko lang siya ng tingin, nako the way he looks at me, nakakatunaw!

Napalingon ako sa likod at ang mga girls na tiling-tili kanina hindi kona maimagine ang mga face. "May nakita akong Angel." ang sabi pa ng isa, tiningnan ko ulit yung cute na alien at nag wink siya sa akin, oh well nag shrug ako at nagpunta nalang sa room. 

Kinatok ko ang door ng room para mag make sure na gising pa si Shimey, pero walang sumagot, kaya naman ay triny kong buksan ang pinto pero... pero "OH NO!!! naka Lock?!" Kinatok ko ang pinto ng malakas, pero parang hindi ata ako naririnig ni Shimey, nako naman papano na ako, 2 am na, may classe pa mamaya, gusto kona matulog. Inaantok na talaga ako, lahat ng susi kinuha ni Shimey.

Hours passed at nakatulog ako sa tabi ng pinto ng naramdaman kong parang may humawak sa cheeks ko, I opened my eyes at nakita ko ang alien of my dreams. Si Christian naka smile sakin-wait napadilat ako. Ang cute na alien nasa harap ko! "Hi Ninna, parang ni lock ata ng roomate mo ang room ninyo, wanna come inside?" tinuro niya ang room nya na katapat lang para ng room namin gamit ang kanyang thumb finger.

"Yeah, sure.. Thanks!" binuksan niya ang room at na shock ako, grabe di halatang lalake ang nagsistay sa room nato, ang linis, at ang laki, napaka classic ng dating. "Feel at home" ang sabi niya sa akin "May extra bed ako, dalawa ang room dito kaya pwede kang matulog." nag smile na naman siya, nako naman oh,  nakakatunaw ang smile niya.

Nag nod lang ako at pumasok sa room na tinutukoy niya, tapos nag punta sa bed at humiga, without any hesitations, nakatulog na ako.

[Shimey's POV]
        
Gumising na ako at tinignan ko ang phone ko, 8 am na pala, tinignan ko ang bed ni Ninna. "Hmmm, parang ang aga niya naman gumising." Nag punta nalang ako sa mini kitchen at nag luto ng omelet, pagkatapos na pagkatapos kong kumain, lumabas na ako sa room at nakita ko si Ninna na naka smile sa harap ko.

"Good Morning Shimey!" ang sabi niya, napansin kong parang hindi pa siya nag bibihis. "Teka mamayang 10 am na pala ang class mo, bat hindi kapa nagbihis?" tanong ko sa kanya "Eh kasi, hindi mo binigay sa akin ang spare key kaya hindi ako nakapasok" ang sabi niya sa akin, nanlaki ang mga mata ko, teka kung hindi ko binigay sa kanya ang spare key, eh saan siya natulog kagabi?

"Hindi ka nakapasok? eh san ka natulog kagabi?" for a moment nag hesitate siyang sabihin sa akin, na imagine ko tuloy na dito siya humiga sa tabi ni pintuan, at nilalabayan lang ng mga taong nagsistay sa dorm.

"Kina Christian" ang sabi niya sa akin na naka bow "ano? ano kamo? sinong Christian?" itinuro niya ang door na katapat sa room namin "Diyan ang room niya, pinatulog niya ako sa room niya kasi nakita niya akong natutulog dito sa hallway."

Nako naman tama nga ang hinala ko, sa hallway nga siya natulog pero teka, "Kasama mo siyang natulog kagabi? iisa lang ang inyong kama?" "Yes" ang mahinang reply niya sa akin, uuntugin kona sana ang ulo ng babaeng to nang sinabi niyang "I mean no, may spare room kasi siya, kaya doon ako natulog."

I feel relieved sa sinabi niya, akala kopanaman at may nangyari ng kababalaghan sa babaeng to, "Oh heto." inabot ko sa kanya ang spare key ng room at pumasok na siya sa loob.

Lumabas na ako sa dorm at nag punta sa first class ko nakakapagod din pala ang course na accounting, puro nalang numbers ang nakikita ko hay. Natapos din hay, ano ba tong university nato, sikat nga, mahal nga, kaso wala naman akong naintindihan sa mga sinasabi ng mga professors ko, naglakad lakad ako at napaupo sa bleachers sa labas ng university.

Napaisip ako, bakit ko nga ba sinagot si Mars? ano ba ang ginawa niya para masagot ko siya?

Flashback

Nasa kwarto ako nagsusulat ng notes, nang may tumawag sa phone ko.

Every minute, every second, every hour of the day.
Iyiyi
Every hour of the day
Iyiyi
Everytime that I'm away
Iyiyi
Missing you, missing you 

"Hello? Mars may kailangan ka?" tanong ko kay Mars "Andito ako." sabi niya, tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at nagpunta sa bintana nakita ko siyang nag wave sa akin at nagmadali akong bumaba sa bahay lumabas ako at nagpunta kay Mars "Sumama ka sakin Shimey, may pupuntahan tayo."

Lumapit kami sa car ni Mars, binuksan niya ang pinto at pumasok na ako sa loob. Nag stop kami sa Park at nag lakad lakad, alam kong bago palang kami naging kaibigan ni Mars, pero sa sandaling iyon, kilalang kilala ko na agad siya.

Nagtaka ako kung bakit kami tumigil sa paglalakad, hinawakan niya ang kamay ko at. "Shimey, sa simula palang, gusto na kita at alam mo yan." So ano bang gusto ng taong to ngayon? "Shimey. pwede ba kitang maging girlfriend?"

Nabigla ako sa sinabi niya, parang ang bilis naman ata. "Please Shimey, kapag pumayag ka, ibibigay ko ang lahat lahat sayo. I promise you hindi kita sasaktan." napatingin ako sa paligid, and ang daming taong nakatingin sa amin, may mga teenagers ding kinikilig habang tinitignan kami... moments of silence... (Crickets Chirping)

Hindi na naka tiis ata ang mga audience at sinigawan ako "Sagutin mo na yan"  "Ate, bigyan mo ng chance" "Say yes!" ang sabi nila, at yun nga nag nod ako "Yes, pumapayag na akong maging girlfriend mo Mars."

End of Flashback

So yun nga, hindi talaga by heart ang pag accept ko sa kanya. Dahil din yun sa mga pakialamerong mga tao sa park nayun nung araw. I breathe deeply, at last free na ako sa pagiging fake na girlfriend ni Mars. 

Every minute, every second, every hour of the day
Iyiyi
Every hour of the day
Iyiyi
Everytime that I'm away
Iyiyi
Missing you, missing you

Tinignan ko ang phone kung sino ang tumatawag, si Ninna lang pala. "Hello? Ninna?" "Ahhhhhhhhhhhhhhh Shiiiiiiiimeyyyyyyyyyyy Heeeelllppppp!!!!!" 

Oh no. Anong nangyare kay Ninna?

Someone Like You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon