[Junesis' POV]"Jenesis Clint!!!" ang narinig kong sigaw ng mga BGirls (Beauxbaton Girls) sa harap ko, pero hindi ko sila pinansin, dahil naiinis ako sa clumsing babae na nasa harapan ko.
At aba naman, hindi man lang kumibo, "kung ayaw mong mapahiya, umali-alis ka sa dinadaanan ko" ang galit kong pakiusap sa clumsing babae.
Lumapit ang BGirls sa harap ko at tinanong ako "Okay ka lang ba, Junesis namin?" ang tanong ni Judith, hindi ako nagsalita, dahil naka titig lang ako sa babaeng clumsy na nasa harap ko.
"I-I'm Sorry" ang sabi niya lang sa akin. "Ang sabi ko, Umalis ka na sa harap ko!" ang pasigaw kong sabi sa kanya. "Ano pang hinihintay mo girl? Get Lost!" sabi ni Judith.
Nakita kong tumalikod siya sa harap ko at tumakbo papalayo, hay ang mga babae talagang tulad niya, stupid pa, clumsy pa. "Let's go Jenesis, baka hinahanap ka na ng B4." ang sabi naman ni Judith, isa pa tong mga babaeng ito, nakakainis "bitiwan nyo nga ako!" at lumakad na papunta sa dorm nila Christian.
[Christian's POV]
"Let's see", ano kaya ang susuutin ko mamaya, pupunta nanaman kasi kami ni Antonio sa bar mamaya, I can't wait to meet new girls!
Nasa kwarto ako at tinitingnan ko ang mga damit ko sa dresser, tapos narinig kong phone ko na nag ring, it's Junesis "Hey bro!" ang greet ko sa kanya "Buksan mo nga tong pinto!" ang narinig kong sinabi niya sa phone at nag hang up. Nagpunta na ako sa front door at pinagbuksan ng pinto ang may mainit nanaman na ulo na si Junesis.
"Oh, parang may nangyare atang di maganda sayo ngayon ah?" ang tanong ko kay Junesis, hindi siya nagsalita at nagpunta lang sa mini kitchen. "Pupunta ba dito sila Ton?" ang tanong lang ni Junesis sa akin, "Oo, tumawag sila kanina, malapit nadaw." mayamaya may kumatok na sa pinto, pinuntahan ko at binuksan.
"Bro!" ang bati sa akin ni Mars, nag high 5 naman kami ni Antonio "Si Junesis nasan?" ang tanong sa akin ni Mars "Nasa living room naglalaro ata ng PSP." pinapasok ko na sila at pinuntahan si Junesis. Ginulo ni Mars ang buhok ni Junesis, at tinutulak-tulak naman ni Antonio.
"Wag nga kayong malikot!" ang naiinis na pakiusap ni Junesis sa dalawa, I smiled and said "Easy lang bro, namiss kalang namin ng sobra, hindi ka kasi nakiparty sa amin nung opening celebration dito sa dorm ko eh." nag lalaro parin si Junesis ng PSP "So ano ba talagang nangyare sayo kanina at parang di maipinta yang mukha mo?"
"Oo nga bro, share kanaman diyan." ang pabirong sabi ni Mars, "Wala! may kinaiinisan lang akong babae na nabanga kanina, dagdagan mopa ng mga BGirls mo!" natawa ako sa sinabi ni Junesis.
"Why can't you just handle girls properly, katulad namin ni Christian?" ang tanong ni Antonio kay Junesis "Kung hindi ka lang magsusunget, mas lalo pa silang lalapit sayo" dagdag ni Mars.
"Ayoko ngang pagaksayahan ang oras ko sa kanila Ton, bahala sila sa buhay nila." nagtawanan nalang kami sa sinabi ni Junesis.
[Shimey's POV]
"Grrr!" nakakainis kang Junesis Clint ka! Ang sunget sunget talaga! matamaan ka sana ng bato sa ulo mo! nagpagulong gulong lang ako sa kama pero hindi ko kinayang matulog! Tandang tanda ko pa ang mga kakahiyang ginawa niya sa harap ko.
Flashback
"Kung ayaw mong mapahiya, umali-alis ka sa dinadaanan ko." si Junesis Clint nga ang nasa harap ko, at gaya ng sabi nila gwapo pero masunget nga.
Ano bang nangyare sa akin bat hindi ako makakibo? "I-I'm Sorry?" huh? anong I'm sorry, hindi naman ako ang nauna ah, itong Junesis nato ang hindi tumitingin sa dinadaanan!
Ano ba tong sinasabi ko?! "Ang sabi ko, Umalis ka na sa harap ko!" na shock ako, dahil this time, nilakasan na niya ang boses niya, nakita kong pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante.
"Ano pang hinihintay mo girl? Get Lost!" at dagdag pa nitong nakakainis na Judith nato! nakakahiya ang ginawa nila sa akin! pwede naman nilang sabihin ng maayos ah? At bakit ba ako ang nag sosorry? eh hindi naman talaga ako ang nauna? Tumalikod nalang ako at tumakbo papalayo.
End of Flashback
Tinapon ko ang unan sa sahig, "Ahhhhhh! nakakainis" ma remember ko lang ang nangyare kanina kumukulo na ang dugo ko! sige, ako naman ang gaganti!
"Ito pala ang gusto mo Junesis ha? Pwes I'll play your game!"
A/N: Sorry kung may maraming mali sa words :) hope na enjoy nyo ang first five chapters ng someone like you! ^_^ abangan niyo pa ang susunod namga chapters! don't forget to vote and comment!

BINABASA MO ANG
Someone Like You (Completed)
Roman pour AdolescentsSimpleng babae lang si Shimey Ellion. Pero nang na-enroll siya sa Court Featherless University, parang naging upside down na ang buhay niya nang nakilala niya ang B4! Ano kaya ang mangyayari kay Shimey? Tatagal kaya siya sa CFU? O baka naman tuluya...