[Judith's POV]"Jun Franko, mahal na mahal kita!" ang sinigaw ko lang babang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko. Maya maya may narinig akong mahinang boses na tumawag sa akin na Amy, tama, may tumawag sa akin sa pangalan ko!
Napalingon ako kung saan ko narinig ang boses pero nakita ko si Antonio na papalapit sa akin. Dali-dali akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko. "Ikaw pala Antonio, lets go to the bar na, baka naghihintay na sa atin sila Lovie at Ellie." hindi ako tumingin sa kanya.
Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang wrist ko, napatitig ako kay Antonio "Bakit mo ko iniwan?!" nagulat ako sa tanong niya "I-I don't know what your talking about, bitawan mo ko Antonio nasasaktan ako!" This time, ni hug nalang niya ako "Amy ako to, si Jun" hindi ako makapaniwala sa narinig ko, parang tumigil ang mundo sa pag-ikot. "I'm Sorry Amy." Tears came out from my eyes "Mahal kita Jun, mahal na mahal." I feel the comfort in his arms, tapos he gazed into my eyes, he wiped my tears and kissed me.
[Junesis' POV]
Kausap ni Mars si Antonio sa phone, parang may sinabi atang good news si Antonio kay Mars kaya ganun ka laki ang ngiti ng lalaking ito. "Sige kita tayo dito sa dorm ko, isama mo na rin siya, sige antayin ka namin ni Junesis. Sige bye Bro" sabi ni Antonio "Oh ano daw sabi ni Ton, Mars?" "Nakita na daw niya si Amy, matagal rin niya hinanap si Amy, and now, he found her!" I only smiled. Tama, si Amy, ang best friend ni Ton nung mga bata pa sila. Kahit na iniwan siya nito, siya at siya parin.
Sana naging katulad nalang ni Ton si papa, na si mama lang ang minamahal at hindi kami ipagpapalit sa kung sino sinong babae. Kung nangyari lang yun, hindi siguro ako magkakaganito.
Dumating narin sila Ton, kasama si Judith. Wait! si Judith? Si Amy ay si Judith? Napatigil si Mars na parang di rin makapaniwala sa nakita niya. Itinuro niya bigla si Judith.
"IKAW?! IKAW SI AMY?!"
Mars -----> O_O
Antonio ---> :D
Judith ---> ^_^
"Siya nga si Amy bro! ang past best friend ko, ang present girlfriend ko at ang future wife ko" Nakita ko si Judith na namumula. I've noticed a lot from Judith, hindi na siya katulad ng dati na maarte at parang slang kung magsalita. Kung ganun ito ba talaga ang totoong si Judith o ang nagkukunwari lang na si Amy?
"Kwento ka naman bro, pano mo nalaman na siya nga si Amy?" tanong ni Mars "Hindi naman talaga ako si Antonio Zanyar na nakilala niyo ng matagal eh, ang totoo kong pangalan ay Jun Franko" tapos, ikwenento na ni Ton ang nangyare sa kanila ni Judith. Okay, aaminin ko, naging doubtful ako ngayon at dahil sa ginawa ko, napa sorry ako agad kay Judith. Nag sorry ako sa kanya pero hanggang sa utak ko lang yun, dahil hindi ako sanay mag sorry.
Yun Yun!
Pagkatapos sabihin ni Ton ang nangyare sa kanila ni Judith, sakto namang oras na para sa paboritong palabas ni Mars sa Disney.
Ang Phineas and Ferb!
A/N: Sa mga hindi nakakaalam kung anong Phineas and Ferb, may picture po from the top.
"Guys manonood muna ako ah?" pumunta si Mars malapit sa TV at nanuod ng Phineas and Ferb. Ako naman kinuha ang PSP at naglaro. Napatingin ako kina Ton, ang saya naman ng dalawang ito, di bagay sa mood ko. Lumingon naman ako kay Mars na tawang tawa sa pinapanuod niya. Ako lang ata ang di masaya sa kakalaro sayo PSP. Urggh, pati PSP kinakausap ko na.
Hindi rin manan talaga ako ganito noon, nagbago lang ako dahil sa iniwan na kami ni papa. Siguro nga dapat hindi na talaga ako mag susunget simula ngayon. Para hindi na ako habang buhay magiging ganito. Lumabas ako sa dorm nila Mars. Magpapahangin lang sana nang may naka banga akong babae. Masamang masama ang pagkakatingin niya sa akin.
"Ikaw na naman?! Ikaw kahit kelan ang malas malas ko talaga kapag nandiyan ka!" Tinignan niya ang mga nahulog niyang papel sa daan at kinuha. Tinignan ko lang siya, wala akong magawa, nakakainis. Diba gusto ko na magbago? Bakit di ko magawa kahit na matulungan lang tong babaeng to? May nakita akong papel malapit sa paanan ko, kinuha ko ito at binasa. Hmmm... Resume niya pala ito, Shimey pala ang pangalan niya.
Nakita niya akong binabasa ang resume niya at dali-dali niya itong kinuha. "Hoy! Mr Sunget! Para sabihin ko sayo, ikaw na ata ang pinaka kinamumuhian ko sa lahat ng lalake dito sa CFU. Alam mo bang sinadya kong matumba ka at mabasa ng tubig doon sa canteen?"
Napatitig ako sa kanya...
So siya pala ang dahilan nun. "At ako rin ang dahilan kung bakit pulang pula yang dila mo pakatapos mong kumain ng Pizza..."
Napa yuko ako, "S-Sorry"
Natigilan siya at napatitig ng husto sa akin "Alam kong di maganda ang turing ko sayo noon, pati na sa ibang mga babae, kaya nagsosorry na ako ngayon"
Hindi na kami nagsalita.
Nabigla ako dahil hinawakan niya ang mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Halatang nabigla din siya sa nagawa niya at tumalikod sa akin
"Sorry narin Junesis" kahit mahina ang tinig niya, rinig na rinig ko parin.
Tapos nun ay tumakbo na siya papalayo.

BINABASA MO ANG
Someone Like You (Completed)
Fiksi RemajaSimpleng babae lang si Shimey Ellion. Pero nang na-enroll siya sa Court Featherless University, parang naging upside down na ang buhay niya nang nakilala niya ang B4! Ano kaya ang mangyayari kay Shimey? Tatagal kaya siya sa CFU? O baka naman tuluya...