Lumabas na ako sa bahay nila El Jean at pinuntahan ang aking car na naka park sa harap ng bahay nila.
Papasok na sana ako ng may humawak sa balikat ko... napalingon ako...
"M-Marss?!!"
"Kumusta kana?" ngumiti siya sakin. Aba, kapal din ng taong to, akalain mong nag smile pa sa harapan ko?
"Ano bang gusto mo?" galit kong tanong sa kanya "Gusto ko sanang makipag-usap sayo Shimey." hinawakan niya ang kamay ko "Wala akong dapat mapakinggang explanation galing sa iyo." ang galit kong reply kay Mars.
Nagulat nalang ako ng tumawa siya ng malakas "Explain? wala naman akong gustong e-explain sayo. Ang gusto ko lang sabihin sayo eh, break na tayo." bigla akong nanghina "Break na tayo?" ang tanong ko sa kanya.
"Oo, Break-Relationship Over-Go on our separate ways. Hindi ka naman naging good girlfriend eh." napangiti nanaman siya sa sinabi niya.
Sa sinabi niya kumulo na ang dugo ko at sinampal siya, pumasok na ako sa car ko at dali-daling isinara ang door ng car, may narinig naman akong malakas na "ARAAAYYYYY!!!"
Binuksan ko ang door ng car at nakita kong nahampasan pala ang kamay ni Mars, sa car door ko. "Ay sorry" ang sabi ko nalang sa kanya tapos ay pumasok ulit sa car.
Parang may sinabi si Mars pero hindi ko naintindihan kasi ang gusto ko lang gawin ngayon at tumawa ng tumawa.
"Mabuti naman, at least hindi na ako ang gumawa ng paraan para maghiganti kay Mars, karma na yan!"
Nag start ako ng engine tapos ay nag drive. Pagdating ko sa bahay, nag impake na ako ng mga gamit at natulog. Alam ko namang maraming mangyayari sa akin bukas.
The next day
"Oh anak, before you go..." may ibinigay si Dad sa akin na paper bag, binuksan ko ang paperbag at kinuha ang laman, "pepper spray?" natawa si dad sa reaction ko "It's for your safety din naman."
Inilagay ko ang pepper spray sa bag "anyway, thanks dad for everything! Love you dad!" nag kiss na ako ni dad sa cheeks at pumasok sa car. Nakita ko sa side mirror na nagwave si Dad saakin at nag smile ako.
Two hours passed at nakarating na ako sa Court Featherless University. Ibang klase din pala dito, hindi ko namalayang ang laki naman talaga ng universiting eto, at saka ang gara at ang yaman ng mga students sa CFU.
"Excuse me?" napalingon ako at isang magandang babae ang ngumiti sa harapan ko "Freshman ka?" tanong nya sakin. Tumango lang ako "Ako din kasi eh." sabi niya at ngumiti siya sa akin, grabe ang ganda naman niya, ang puti, ang kulot ng buhok, para siyang anghel.
"By the way, I'm Ninna, Ninna Morales, and you?" nag stretch out siya ng kamay na parang gustong maghand shake.
"Ako pala si Shimey Ellion" nabigla naman ako dahil ni hug niya ako "Yey! may friend na ako dito!" ang natutuwang sagot niya.
"Calling the attention of Freshmen students, please come near the lobby immediately." narinig namin ni Ninna ang announcement at nagmadali na kaming nagpunta sa lobby.
Pagdating namin doon "Grabe naman ang daming first years!" sabi ni Ninna grabi naman tong babaeng to oh, napaka energetic.
Maya maya lang may nag tiliang mga babae sa likod namin. "Nandiyan na sila! Nandiyan na ang B46!" sigaw ng isa "We Love you Best 4!" sabi naman ng 5 babae katabi namin.
"Ano bang meron? at sino ba ang B4 nayan?" tanong ko kay Ninna, napalingon sa akin ang girl na katabi ko "Grabe ka naman girl, hindi mo kilala ang B4?" ang sarcastic na tanong sa akin ng girl, tinignan ko ang name tag niya.
Judith Skmidth "hindi ko sila kilala Judith..." "it's Miss Judith" @_@ ang OA naman ng babaeng to "Hindi ko sila kilala Miss Judith, bakit ko din ba pag aaksayahan ang panahon ko sa kanila ha, eh hindi naman nila ako kilala."
"Tama ka diyan Shy.." ang bulong ni Ninna sa akin, hindi na ako pinansin ng mga OA na babaeng katabi ko dahil nasa harap nila ang B4.
"Grabe ang gwapo pala nila huh?" ang bulong sa akin ulit ni Ninna, mag aagree na sana ako kay Ninna nang nakita ko Mars. Teka si Mars? si Mars? isa sa mga B4 si Mars?
Nag madali akong umalis sa lobby at nagpunta sa CR "Wait, hintayin mo ako Shimey!" ang sigaw ni Ninna habang hinahabol ako.
"San ka pupunta Shimey?" tanong niya sa akin, "Sa CR, obvious ba?" tinuro ko ang girl's restroom "Ay oo nga pala, hahaha akala ko kasi nag back out kana dahil may nakita kang maraming gwaping sa labas." "Hindi gusto ko lang talagang mag CR." sabi ko kay Ninna, "Sige bilisan mo, baka hindi natin marinig ang annoucement. sabi ni Ninna "Oo sandali lang ako."
Pagkalabas ko sa CR, nagmadali na kaming nagpunta ni Ninna sa lobby "Teka, bat wala nang tao?" ang tanong ni Ninna sa akin, "Ewan ko."
Nag umpisa nang nagingay si Ninna "Nako! No! What should we do?! Saan na ang mga tao?! Where did all the people go?! Baka kinuha na sila ng alien! Nako naman sana wala pa!"
"Pwede bang tumahimik ka muna diyan Ninna, hindi ako makapag isip ng dahil sa iyo eh." kaya naman ay hindi na siya nagsalita.
Dahil wala kaming ka ide-idea kung nasan na nagpuntahan ang mga tao sa university nato, nag punta nalang kami sa dorm namin, pag minamalas naman oh, room mate ko din pala tong maingay na babaeng to.
Pagdating na pagdating namin sa dorm namin ni Ninna, may narinig kaming malakas na hiyawan, tugtugan, at sigawan.
"May party ba?" tanong ni Ninna "Baka nga meron." ang sagot ko naman sa kanya, binuksan ko ang pinto ng dorm at yun nga, tama nga ang hula ni Ninna, may party kaagad sa dorm namin.
Na excite naman si Ninna at biglang sumigaw "Shimey, makikiparty lang ako sa kanila ha?" "Sige punta na ako sa room." ang sigaw ko kay Ninna, na parang hindi na niya narinig dahil lakas ng tugtug at sa ingay ng mga tao dito sa dorm.
Nagpunta na ako sa room ko at ni lock ang pinto, dahil sa ingay hindi ako nakatulog ng maigi kaya namay, tinabunan kona nag unan ang aking ulo at nakatulog.
[Ninna's POV]
"Nako! No! what should we do?! Saan na ang mga tao?! Where did all the people go?! Baka kinuha na sila ng alien!! nako naman sana wala pa!"
Nagwawala na ako, nakakatakot naman ang scary pala ng world kung kami lang ni Shimey ang taong natira sa lobby dahil nakuha na ng alien ang mga students ng CFU...
"Pwede bang tumahimik ka muna diyan Ninna, hindi ako makapag isip ng dahil sa iyo eh." nako heto nanaman, uminit na naman ang ulo ni Shimey ko, dahil ba madaldal ako? hindi nalang ako nagsalita.
Nagpasya nalang si Shimey na magpunta kami sa dorm dahil, napagod ata siya, bigla akong natakot ng may sumigaw, pero may music? ano bang nangyayari sa world?
Nako sana naman walang alien sa loob ng dorm, natatakot pa naman ako. Kaya para hindi mapansin ni Shimey na natatakot ako nagtanong ako sa kanya. "May party ba?" nag shrug si Shimey at sinabing "baka nga meron."
Binuksan niya ang door tapos pumasok na kami, na shock ako sa nakita ko, may party nga, bigla akong na excited, gusto konang sumali sa kanila pero bago yun, nagpaalam ako kay Shimey "Shimey, makikiparty lang ako sa kanila ha?"
Ang sabi ko sa kanya "Sige punta na ako sa room" ano daw? mag-ingat DAW ako? teka tama bang narinig ko? nag shrug ulit ako at tapos sumali na sa party.
"Yey! party! party!" ang saya naman bigla kaming sinalubong ng party dito sa school, ganito ba dito sa CFU?
Yey, sana naman palaging ganito. Paikotikot lang ako habang sumasayaw, halos nahilo na ako, nang biglang may green akong nakita sa harap ko. "No..." I whispered.
"AAAAALIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEENnnnnnnnnnnnnnn!!!!!"

BINABASA MO ANG
Someone Like You (Completed)
Fiksi RemajaSimpleng babae lang si Shimey Ellion. Pero nang na-enroll siya sa Court Featherless University, parang naging upside down na ang buhay niya nang nakilala niya ang B4! Ano kaya ang mangyayari kay Shimey? Tatagal kaya siya sa CFU? O baka naman tuluya...