Chapter 13: Friend/Enemy

284 10 1
                                    


[Shimey's POV]

Nasa kwarto lang ako, nagmumukmuk.  Biglang pumasok sa isip ko si Junesis. Napatingin ako sa kamay ko...

Flashback

"Alam kong di maganda ang turing ko sayo noon, pati na sa sa ibang mga babae, kaya nag sosorry na ako ngayon"

Tinitigan ko lang siya. Naramdaman ko ang guilt sa puso niya nun. Tapos hindi ko na namalayan na nahawakan ko na pala ang mukha niya. Naramdaman ko ang feeling na parang may dumaang kuryente sa kamay ko. Napa titig siya sa akin at dali-dali akong tumalikod.

"Sorry narin Junesis."

End of Flashback


"Shimey naman! Napa sorry lang susuko kana kaagad?!" Tama! Dapat ako naman ang magsusunget ngayon! Humanda ka Junesis Clint. Ipapahiya kita sa buong campus.


[Junesis POV]

"Jun mamaya na yung game natin sa Gym, wag mong kalimutan!" 

Oo nga pala, may game kami mamaya. Mukhang mahihirapan kami nito. Ang mga students sa Engineering Department ang kalaban namin, baka di kayanin naming mga Law. Nag start na ang game, nakita ko lahat ng players sa ED. Nagulat nalang ako nang nakita ko si Mars. Tandang tanda ko pa ang sinabi niya kanina...

Flashback

"Game natin mamaya Mars" "Pano ko naman yan malilimutan Jun?" 

Napansin kong parang di maganda ang tinigin niya sa akin. "So ano, sasali ka?" tanong ko sa kanya.  "Hindi" 

End of Flashback

Yun lang yung taning narinig ko at hindi na ako nakapagtanong uli dahil nagmamadali siyang umalis.


[Mars' POV]

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Bakit ba ako nagagalit kay Jun? Hindi na ata ako makakapaglaro ng matino nito. Ewan, pero simula nung nakita ko silang dalawa ni Shimey kahapon sa labas ng dorm ko, parang galit na ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko si Jun. Kaibigan ko naman si Jun pero nang dahil kay Shimey parang mawawala ang bait ko kung makikita kong magkasama silang dalawa.


[Junesis' POV]

Sa loob ng game, kaaway ko si Mars, pero sa labas kaibigan ko siya, kaya hindi ko siya kayang masaktan. Pero bat ganito, everytime na nasa akin na ang bola, lagi siyang nandiyan para bangain ako at kunin ito sa akin. Basketball lang to Mars, wag mong seryosohin, saka, hindi ko alam kung anong kasalanan ko sayo.

***

Sa huli, draw yung game naming, hindi ko narin nakita si Mars pagkatapos nun. Nagpunta ako sa locker at nakita ko si Shimey. Pupuntahan ko na sana siya pero nakita kong kausap siya ni Mars.

"Ano bang kailangan mo ha?" tanong ni Shimey habang hinawakan ni Mars ang kanyang braso. "Di ba gusto mo ako Shimey? Di ba?" nabigla ako sa sinabi ni Mars. "Ano bang sinasabi mo Mars?" "Sagutin mo muna ako!" narinig kong sinigawan ni Mars si Shimey at nagulat din siya. 

"O-Oo gusto kita, pero nuon yun, hindi na ngayon!" "Shimey, matatangap mo pa ba ako kung sakaling babalik ako sayo?" Maiyak-iyak niyang tanong kay Shimey. "Nasasayo nayan Mars." Tapos ay lumabas na si Shimey sa locker room.


[Shimey's POV]

"Shimey paki kuha naman yung mga files ko, nasa boy's locker room" 

"Sige po Prof. Canedo"


(Boy's Locker Room)

Nasan na ba yung pinakukuha ni Prof. Canedo, bat parang wala naman ata dito? Nakitako si Mars. "Eto ba ang hinahanap mo?" Hawak hawak niya ang gma files ni Prof Canedo. "Ano bang kailangan mo ha?" Ang tanong ko sa kanya. "Di ba gusto mo ko Shimey?, Di ba?" ano bang pinagsasabi ng taong to? "Ano bang sinasabi mo Mars?" "Sagutin mo muna ako!" 

Anak ng kabayo, akalain mong siya pa ang may ganang sumigaw? "O-Oo, suto kita pero noon yun, hindi na ngayon!" "Shimey, matatangap mo pa ba ako kung sakaling babalik ako sayo?" SIge umiyak ka Mars, yan ang bagay sayo. Sa wakas at bumalik na sayo ang sakit na binigay mo sa akin nung lokohin mo ako. "Nasasayo nayan Mars." Kinuha ko sa kamay niya ang mga files at dali-dali nang lumabas sa locker room.


(Professor Canedo's Office)

"Prof, hero na po yung mga files na pinapakuha niyo sa akin." "Ah! paki lagay sa table ko." Pagkatapos kong inilagay yung mga files ni Sir sa mesa. "Shimey, umupo ka muna diyan." Umupo ako sa upuan na malapit sa table niya. "Bakit po ba Prof Canedo, may kailangan po ba kayo?" "Napansin kong parang balisa at wala sa sarili ang anak ko this past few days..." 

Nag pause siya sandal habang nakatitig sa Mesa. "At ayokong makita siyang nagkakaganyan." "Ano po ba ang gusto niyong gawin ko Prof. Canedo?" "Alagaan mo ang anak ko." Ang seryosong sagot ni Prof sa akin. "Po?!" napatanong ako sa kanya. "Alagaan mo si Mars."

Parang gumuho ang mundo ko. Akalain mong sa lahat ng tao sa mundo si Mars pa na ang pinaka ayaw kong Makita ang siyang linalapit ng tukso sa akin? Pwede bang si Junesis muna?

Haha Echos!

Lumabas ako sa office ni Prof Canedo, nanlalambot at parang walang gana para sa susunod na araw. "HI!" ano ba tong taong to, biglang sumusulpot. Nagulat tuloy ako ng bongang bonga! "Bakit ka ba biglang sumusulpot diyan ha?" "Wala, napansin ko lang kasi na parang malungkot ka, may problema ka ba?" "Wala Junesis, iwan mo nalang ako" 

Tapos bigla niyang hinila ang kamay ko at tumakbo kami. "Teka. Teka nga! saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya "Basta, sumunod ka nalang." sabi nito.

Na excite tuloy ako. 

Saan kaya kami pupunta? sa mall? sa cinema? sa circus? sa bahay niya? 

Napalunok ako. Wag naman sanang sa...


Maya-maya nakarating na kami sa-sa "BAHAY NILA!"


Someone Like You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon