[Mars POV]Naging Casanova King ako for 6 years, pa iba-iba lang ang girlfriend ko dahil sa takot na masaktan ng husto. May mga instances narin na muntikan na akong mawala sa mundo at makalimutan.
Karma ko na ata to, sa dami-dami ng babaeng nasaktan ko. Pero sa lahat ng babaeng na meet at naging girlfriend ko, si Shimey na ata ang di ko malilimutan. Para sa akin, si Shimey lang talaga ang kakaiba sa kanilang lahat. Ang iba kasing mga babae sila pa ang nanliligaw sa akin. Ayoko na ng ganito, yung paiba-iba ang babae. Paiba-iba ng dinidate at paiba-iba ng mga pusong sinasaktan.
Tama, now's the time na ako naman ang amsaktan, dapat pala ihanda ko na ang sarili ko sa tukso. Kahil paulit-ulit niya akong saktan hindi ko na siya ipagpapalit. Yan ang dapat kong gawin.
[Judith's POV]
I love him, since grade school pa. Pareho kasi kami ng school nun. Hindi rin naman ako kagandahan nun, wala ring mga kaibigan. Ako kasi yung tipong tinatawag nila na "Nerd", kung baga hindi marunong mag-ayos sa sarili, lagi lang nagsusuot ng glasses, at nasa libro lang palagi ang mukha.
Siya na ata ang naging first friend ko. Nasa gym ako nun dahil sa PE class namin nung grade 3 pa ako. Tinutukso kasi ako nun dahil napaka lampa ko daw. Tinutulak-tulak lang nila, tapos umiyak nalang ako at nag-iisa.
Maya-maya hindi ko namalayang nasa likod ko lang pala siya. Hinayaan ko lang siya, nung lumakas na ang loob niya para kausapin ako. Binigyan lang niya ako ng Handkerchief. "Here oh." he faced me and smiled
"I'm Antonio, Enchante!" (Enchante = Nice to meet you in French) he stretched his arms na parang gustong mag handshake. Tinignan ko lang siya habang umiiyak, "Amy" i said to him "Amy is my name".
From then on, lagi na kaming magkasama, siya na ang tinuring ko na best friend in my whole life of existence. Pag may umaaway sa akin siya ang nag tatangol. Time flies so fast, last year na namin sa grade school at gragraduate na. Sinabi ko lang sa kanya na pupunta na ako sa states at hindi ko sinabi kung saan.
"So your leaving me" ouch, ang malungkot lang niyang tanong sa akin, I just nod. It's funny, ni hindi ko nasabi ang words na goodbye, siguro masakit din kasi na masabi yan sa napaka close mo na kaibigan.
Ang weird ko no? Kasi kapag kasama ko ang mga BGirls, napaka arte at sosyal ko, pero kung nag-iisa ako, ako parin ang nerd na girl na nagkagusto sa best friend ko. Hindi ko sinabi sa kanya kung saan ako pupunta dahil binabalak kong magpa retoke, ayoko kasi na maging panget forever, yung feeling na hindi ka tangap ng world dahil sa hindi ka maganda.
Four years after, bumalik ako sa philippines para hanapin ang best friend ko. Kaso hindi ko na siya nakita pa. Hangang ngayon, mahal na mahal ko parin siya kahit na hindi ko na siya nakikita at nakakausap. Ang sakit naman isipin na hindi ko na siya makikita ulit, na hindi ko na makakausap at mahuhug ang best friend ko. Kahit na, maganda na ako, marami nang nagkakagusto, bakit ganun, hindi parin ako masaya?
Kahit marami nang nanliligaw sa akin, ang best friend ko parin na si Jun Franko ang hinahanap-hanap ko.
[Antonio's POV]
Natapos na ang basketball training namin, at nagpaalam na kami ni Mars kay coach. "Oh ton, di ka ba sasama sa amin ni Jun? Pupunta kami mamaya sa bar, may ipapa meet sana ako sayo." sabi ni Mars "Hindi, Time out muna ako, magpapahinga lang ako ngayon sa bahay." sabi ko sa kanya "Sige iiwan na lang kita, parang may dadaanan pa itong si Junesis, nagmamadali eh."
Nasa hallway lang ako magisang naglalakad, nang may nakita akong babaeng umiiyak, gusto ko sanan siyang puntahan pero natigilan ako nung narinig ko ang sinabi niya "Jun Franko mahal, na mahal parin kita!" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko...
"A-Amy?!"

BINABASA MO ANG
Someone Like You (Completed)
Novela JuvenilSimpleng babae lang si Shimey Ellion. Pero nang na-enroll siya sa Court Featherless University, parang naging upside down na ang buhay niya nang nakilala niya ang B4! Ano kaya ang mangyayari kay Shimey? Tatagal kaya siya sa CFU? O baka naman tuluya...