Criiiinnnnnnnnnnnnggggggg!!!!
Nabigla ako sa lakas ng tunog ng alarm clock.
"Nako naman! Ba't ba 7:00 pa ang nakalagay dito sa alarm ko, eh diba nga tapos na akung mag high school?"
Kinuha ko ang alarm clock na nasa ibabaw ng end table at pinatigil ang pag-iingay. Bumalik ako sa pagkatulog pero hindi ko na magawang ipikit ang aking mga mata. Bumangon nalang ako at tumingin sa salamin. Oo nga pala, hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa inyo no?
Ako pala si Shimey (read as Shy Me), ka ga-graduate ko lang last week. Bigla ko tuloy na miss ang best friend kong si El Jean.
Matagal narin kaming mag best friend since grade one pa, kaya lang naging classmate ko siya high school na.
Pinuntahan ko yung desk katapat ng bed at kinuha ko yung Year Book. Iniisa-isa kong tinignan ang mga classmates ko... hindi ko na ata to sila makikita ulit. Mamimiss ko ang memories na binigay ng mga ito sa akin.
Biglang may lumabas na luha sa mata ko, pinunasan ko ito at ibinalik ko na ulit ang year book sa naka pile na mga libro sa cabinet.
Napatingin ako sa phone ko, "Hmmm... walang messages?" inilagay ko nalang ito sa desk. Nagpunta ako sa balcony ng kwarto ko para magpahangin, ang ganda talaga ng simoy ng hangin dito sa aming lugar.
"Bukas mamimiss na kita" napalingon ako "Dad!" tumakbo ako sa kanya at ni hug, "Dad naman eh, wag mong sabihin yan, hindi pa naman ako aalis ngayon." Natawa si dad sa sinabi ko.
"Alam mo princess, kahit na ayaw ako sa sinabi ng Mom mo, tama rin naman ang disesyon niya na ipasok ka sa CFU eh."
Oo nga naman sa CFU...
Flashback
"Congratulations Anak!" sinabi ni Mom habang yinayakap ako "Thank You Mom!" ang sabi ko kay mom "And because you've been so good in your studies, pina enrol kita sa CFU."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni mom. "What?!" ang sigaw ko "Tama ba ang narinig ko Mom, sa CFU ako mag cocollege?" tumango si mommy "Tama, at ngayong monday kana pupunta sa school, may dorm sila dun, doon ka magsistay."
"No Mom, No. Ayoko sa CFU, papano na lang ang mga friends ko?" ang pag di-disagree ko sa kanya. "Whether you like it or not, sa CFU ka mag-aaral."
Lumabas ako sa dining room at galit na galit na napunta sa kwarto ko.
End of Flashback
"Tama ba naman yun dad, anong tama sa ginawa ni Mom? Para narin nya akong unti-unting tinutorture nyan sa ginawa nya eh." ang sabi ko kay dad, tumawala lang siya sa sinabi ko.
"Eh, ano ba kasi ang ikinagagalit mo sa university nayon, at bakit kumukulu ang dugo mo sa tuwing madidinig mo ang CFU?"
"Eh kasi nga dad.." napatigil naman ako, bakit ko kaya hate na hate ang university nayun?
Flashback
"Hi Loves, kumusta kana?" tanong ko sa aking boyfriend na si Mars habang kausap sa cellphone. "Ahhh, ehh Okay naman ako Loves!"
"Teka, bat ba maingay diyan?" tanong ko kay Mars. Bigla akong nakarinig ang tinig ng isang babae. Natulala ako bago pa ako maka sabi ng I love you.
"Darling, ibabamo muna yan..." Sabi nung babae tapos maya-maya na hang up na yung phone.
The next day, nagpunta ako sa CFU at hinanap ko si Mars dahil gusto kong ma clear out ang mga tanong na nasa isip ko; Kung bakit may babae siyang kasama, kung bakit maingay sa CFU at kung mahal pa ba nya ako.
Nakapasok ako sa gate dahil hindi ako nakita ng guard, nag punta ako sa classroom nila at nabigla ako sa nakita ko...
Si Mars.
Si Mars na ang pinaka trusted kong boyfriend, may kahalikang iba. Tumakbo ako papalapit sa kanya, saka ko siya sinampal.
"S-Shimey" nagulat siya nung nakita nya ako. Tumakbo ako papalayo, habang umiiyak, napatigil ako sa pag tatakbo doon sa lobby nila. May mga babae naka kita sa akin, at sinabing "Who is she?" "bakit nasa school natin ang isang high schooler na tulad niya?"
"Ang dapat sa kanya pinapalabas sa magandang school natin" sabi pa nito pagkatapos nun ay kinaladkad nila ako papalabas sa CFU.
End of Flashback
"Eh kasi dad... Ano ehh" hindi na niya ako pinatuloy sa sinabi ko. "Wag mo nalang ituloy, alam ko naman na hindi mo pa kayang sagutin yan sa ngayon." ang tawang sagot ni Dad sa akin. Napakamasayahin naman talaga ng Dad kong eto.
"O sige na, kumain kana sa baba. Siya nga pala, wala pala Mom mo ngayon kaya pwede kang lumabas ng bahay anytime you want." natuwa ako sa sinabi ni Dad "talaga Dad? Thank you Dad!"
Nag madali akong maligo tapos kumain. Bago ako lumabas ng bahay, tinawag ako ni Dad "Shimey teka!" napalingon ako kay Dad. "O baka magtatagal ka, ipapaubaya ko nalang sayo ang car ko."
Binigay niya sakin ang susi, "Thanks dad!" tapos ay sumakay na ako sa car. Nagpasya akong magpunta kila El Jean, masayng masaya talaga ako dahil, bibisitahin ko ang best friend ko!
Pagdating ko sa kanila, bigla naman akong sinalubong ni El Jean at binigyan ako ng hug. "Kumusta kana Shimey? Namiss talaga kita!" sabi ni El Jean sakin.
Maluluha akong sumagot sa kanya "Na miss din naman kita eh, alam mo namang hindi kita matitiis."
Mayamaya, kaming dalawa nag iiyakan na "Ano batong drama natin Shimey?" ang bola sa akin ni El Jean. "Ikaw naman kasi eh..." sabi ko sa kanya tapos ay pinapasok ako ni El Jean sa bahay nila.
"Akala ko ba ayaw mo sa CFU?" tanong sakin ni El Jean habang nagtitimpla ng juice sa kitchen nila.
"Oo nga ayoko nga dun kasi..." "Kasi nandoon si Mars ganun ba?" sabi ni El Jean habang inabot ang juice sa akin.
"Oo-ay hindi. Pero oo isa yun sa mga reasons ko dahil ayaw ko sa CFU." "Eh bakit ka sa CFU mag cocollege?" "Kasi dun ako pina enrol ni Mom, hindi nadaw pwede mabawi dahil malapit nadaw pasukan." ang nalulungkot kong sagot kay El Jean.
"Hayaan mo na, hindi ka pa nasanay sa Mom mo? Alam ko naman na lahat ng ginagawa niya ay para sa ikabubuti mo eh." "Oo nga, pero hindi ko alam kung kakayanin ko pa."
"Okay lang yan Shimey, diba dream mo din namang makapag aral sa CFU pagdating natin ng college?" "Tama. Pero kasi nag-iba ako ng pananaw dun sa pinakamagara, sikat at mamahaling university nayun nung nalaman kong hindi pala maganda ang mga ugali ng mga taong nag-aaral sa university nayun."
"Gusto ko sana maging classmate ka kung sa university ko lang ikaw nag enrol, kaso, doon ka na sa mamahaling university nayun, eh wala naman kaming kalakihang pera para matustusan ang tuition sa CFU."
"Yun nga din ang reason kung bakit ako nag give up sa dream ko na yun, para makasama kang mag college. Pero eto, natuluy parin." "I'm very sorry Shimey, wala akong magawa."
Hinawakan ko yung kamay ni El Jean "No, don't be sorry, wala ka naman kasalanan eh." tinignan ko yung wrist watch ko at nakita kong dapat na pala akong umiwi.
"Nako El Jean, kailangan ko na palang bumalik sa bahay para magimpake."
"Naman Shimey, parang iiyak nanaman ako. Mukhang ito na ang huli nating pagkikita." "Wag kang ganyan El Jean, promise babalik ako. Goodbye El Jean." "Bye Shimey!"Lumabas na ako sa bahay nila at pinuntahan ang aking car na naka park sa harap ng bahay nila. Papasok na sana ako nag may humawak sa balikat ko... napalingon ako.
"M-Marss?!!"

BINABASA MO ANG
Someone Like You (Completed)
Teen FictionSimpleng babae lang si Shimey Ellion. Pero nang na-enroll siya sa Court Featherless University, parang naging upside down na ang buhay niya nang nakilala niya ang B4! Ano kaya ang mangyayari kay Shimey? Tatagal kaya siya sa CFU? O baka naman tuluya...