[Shimey's POV]
Maliligo n asana ako nang may kumatok sa pinto. "Teka muna!" ang sigaw ko dito, Natutulog na kasi si Ninna kaya napilitan ako na magbukas. Pagbukas ko sa pinto, Nakita ko si Mars.
"Mars? Anong kailangan mo?"
PATAY! Nakalimutan ko palang nakatowel lang pala ako kaya patay na patay ang pagtingin niya sa akin! Biglang sumulpot si Christian "Hi Shimey! Nasaan pala si Ninna?" mabuti nalang hindi malis si Christian. "Natutulog na Christian, teka bat napadalaw kayo?""May sasabihin kasi kaming importante eh, super private..." Haaaaa? anong private?
Nag wink sa akin si Christian, at namula ang mukha ko kaagad. Kaya sinuntok ni Mars si Christian sa braso. "OUCH!" "Wag ganyan bro!" galit na sabi ni Mars "errr, magbibihis muna ako ha?" ang naiilang kong excuse sa kanila, nag nod lang si Mars at nag grin si Christian.
Dali-dali akong nagbihis tapos ay umupo sa tapat nila. "So ano bang private ang sinasabi niyo?" "Wala Shimey, gusto ko lang naming e-envite para sa 2 weeks vication ng B4, sama kayo ni Ninna, sasama din si Judith" sabi ni Christian. "Talaga?! Sasama si Judith?" "Yep, Kasama kayong mga GIRL-friends namin" Ano daw? girlfriends? tama ba ang narinig ko?""Ah sige, maghahanda na kami. Bukas diba?" "Oo Shimey, ah, wag mong kalimutan bikini mo ha?" ang pa whisper na sabi sa akin ni Christian.
"Gago ka bro!" binatukan ni Mars si Christian. "OUCH bro! second time nato" sabay haplos ni Christian sa ulo niya. "Halika na nga, aalis na tayo!" "sige, mag-ngat kayo!" sabi ko. Nung lumabas na sila, natulog narin ako.
[Mars POV]
Pumasok na ako sa room ko at humiga na sa bed. hindi talaga mawala sa isipan ko si Shimey.
Flashback
"Sige na bro knock the door na!" ang pagmamadaling utos sa akin ni Christian "Ikaw di karin maka hintay no?" "Excited lang kasi akong makita si Ninna" sabi pa nito.
Kinatok ko ang pinto sa kwarto nila Shimey "Teka muna!" Ang narinig namin ni Christian.
Pagbukas ng pinto Grabe! hindi ko akalaing super sexy pala si Shimey! I-I'm Speechless...
End of Flashback
Shimey, bakit ba ganito na kalala ang feelings ko for you? Ha? sabihin mo nga? Ano bang gagawin ko para bumalik ka sa akin ha? THINK HARD MARS! Aha! tama! bukas, sisimulan ko na ang "LOVE THE CASANOVA LOVER BACK" Operation AHHAHAHAH!
[Junesis' POV]
Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa bed. Pumunta ako sa mini-ref at uminom ng tubig. Outing nga pala namin bukas, sana naman sumama si Shimey. Gusto ko kasing humingi ng sorry sorry dahil sa nagawa ni Diane sa kanya. Umupo ako sa sofa at tinurn on ang TV. Naisip ko si Diane. Bakit ba kasi bumalik - balik pa siya dito ngayong iba na ang tinitibok ng puso ko?
Naaalala ko pa kung paano ako kabilis na in love kay Diane. Siguro nga dahil siya ang naging first girlfriend ko. Masaya naman kami sa simula, pero ang bilis pala niyang magsawa. Ganun kabilis na dumating sa buhay ko, ganun rin kabilis nawala.
Grabe ka Diane.
Ano ba ako sa inaakala mo? Laruan na pwedeng pagsawaan at dun lang babalikan kung kailangan? Nagkakamali ka Diane. Akala ko hindi na siguro mawawala yung sakit na binigay mo sa akin. Pero nung dumating si Shimey, parang bumalik ako sa pagiging mabait na Junesis. Malaki ang pinagbago ko simula nung nakilala ko si Shimey, pati nga sila Ton, Mars, at Chris napapansin ito. Kakaiba siya, di katulad ng ibang mga babae. Di siya maarte, at lalong-lalo na, madali siyang makaunawa ng tao.
Di katulad ni Diane, siguro nga nagustuhan ko si Diane dahil maganda siya, maputi at marunong manamit. Pero si Shimey, nagustohan ko siya dahil sa kanya ko nakita na pwede pa pala akong magmahal ulit ng totoo. I will make you my girlfriend Shimey! Bukas, sisimulan ko na ang plano kong mahalin ka ng pagmamahal na di kayang ibigay ng iba.
Bukas...

BINABASA MO ANG
Someone Like You (Completed)
Teen FictionSimpleng babae lang si Shimey Ellion. Pero nang na-enroll siya sa Court Featherless University, parang naging upside down na ang buhay niya nang nakilala niya ang B4! Ano kaya ang mangyayari kay Shimey? Tatagal kaya siya sa CFU? O baka naman tuluya...