SPECIAL CHAPTER

3.1K 202 70
                                    

Jessa POV

"Ikaw lahat ang may pakana? Damn you!" Sigaw nito but my bodyguard stopped him from getting near me.

"Hindi lang ito ang gagawin ko sayo, Chester. Kulang pa. Hindi ako satisfied na makukulong ka lang. Hinayaan kita.. hinayaan ko na kayo na kunin lahat ng meron ako sa Luis Empire pero pinagsisisihan ko na hindi ako lumaban.  Si Daivynn..." I closed my fist in rage.

"Kung sana hindi mo siya dinamay sa kahayupan mo.. wala ka sana ngayon dito. "Tukoy ko sa kulungan. Sinadya kong bisitahin siya ngayon dito.

"Hanggang ngayon mahal mo pa rin ang babaeng 'yon? Ginamit ka lang niya dahil alam niyang isa kang Luis." He's lying at akala niya madadaan niya ako sa ganyan.

I chuckled sarcastically. "Tingin mo maniniwala ako? Alam ko na lahat ng totoo, Chester. " I smirk at him. "Ngayon ako naman. Kukunin ko naman ang lahat ng meron ka. Ang meron kayo ng Ama mo."

Dahil matagal na kaming tinalikuran ni Dad. Ngayon wala na akong pakielam kahit tatay ko pa siya. Kahit kadugo ko pa siya.

People should not use the word 'Daddy mo pa rin siya' to me when in fact hindi siya naging mabuting ama saakin. Hindi siya kailanman tumayong tatay ko.

Tumayo ako ng puno ng tapang at determinasyon. "Ngayon ipaparanas ko sainyo ang pinaranas niyo saamin ni Mommy."

Pero ang gago ay ngumisi lang kaya natawa ako na ikinakunot ng noo niya. "Hindi ka bagay dito. May dapat kang kalalagyan. Hintayin mo dahil hindi ka makakawala sa ganting ibibigay ko sayo." I smirk at him bago siya tuluyang iniwan. Narinig ko na pinagmumura niya ako pero wala akong pakelam.

Nakita ko si Kadynce sa labas at hinihintay ang paglabas ko. Lumapit ako sakanya habang nakatayo siya malapit sa kotse niya.

"Ikaw na ang bahala sakanya." Tumango naman siya. "Ipapadala ko ang bayad."

Tumango ulit siya saka pumasok sa loob ng kotse niya. Napalunok ako dahil ramdam ko ang galit nito saakin. Sa nagawa ko sa pinsan niya. Sa loob ng ilang taon na nakasama ko si Zep kitang-kita ko kung gaano siya protektado nila Kadynce. Halos prinsesa kung ituring nila si Zep. Kasi si Zep mahina siya, hindi siya katulad nila Kadynce. Ibang-iba siya sa lahat ng magpipinsan.

Tapos...hinayaan ko lang siyang mawala saakin. Kahit na siya ang pinili ko, ginusto niya paring iwan ko.

Napatingin ako sa langit dahil parang naluluha na naman ako. Tangina wala ng katapusan 'tong sakit na nararanasan ko.

Palagi nalang akong iniiwan ng walang explanation. Walang matinong pag-uusap. Lagi nalang ganito tapos babalik ulit sila sa buhay ko na parang walang nangyare, na parang ayos na ulit kapag humingi sila ng sorry, okay na ulit kapag nagpaliwanag sila ng rason nila.

Magsusukatan ulit kung sino ang mas nasaktan at mas valid ang rason. Iseset aside ulit ang feelings ko kasi mababaw lang naman ang sakit na naranasan ko. I chuckled bitterly.

Tangina wag nalang magmahal.

Sumakay na ako sa kotse ko at tinawagan si Bal.

"Papunta na ako." I said.

"Sige. Ready na ang lahat. Ikaw nalang ang hinihintay." Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Pinatay ko na ang tawag at mabilis na nagdrive papunta kay Bal.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa hide out kung saan sila Bal. Pumasok ako agad at may iilan na tauhan si Bal.

Pumasok ako sa isang pinto at bumungad agad saakin si Daniel na nakahiga sa table. Nakatali ang magkabilang kamay at paa niya. Hubo't hubad. May nakaset na ring camera.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon