CHAPTER 49: Silent cries

10.1K 294 24
                                    


" Sobrang saya ko na napalaki kita ng maayos, anak. Kahit na..." Napatigil ito saglit. " Hindi ko naibigay sayo ang masayang pamilya. Hindi..hindi ganitong mundo ang gusto kong ibigay sayo. " Mom caresses my hair. Nakatiyaha ako at nakatalikod sakanya.

I was suppressing myself to shed tears. Hindi ko alam na gising pa siya. Nandito ako sa couch nakahiga dahil ayokong magising pa siya dahil akala ko kanina pa siya tulog.

" Alam ko...alam kong ang bigat ng mga pinapasan mo. Alam kong pagod ka na sa mga nangyayari ngayon sa pamilya natin. "

Ikaw at si Daddy Lo lang ang maituturing kong totoong pamilya.

I hear my Mom sobs and it was the most heart wrenching sound.

" Sleep well, anak. " She said after a minutes and kiss my head. Narinig ko ang yapak niya paakyat sa hagdan. Ilang saglit pa ay nilingon ko ito at nakitang wala na siya kaya napaupo ako at doon hinayan ang sarili kong umiyak.

Galing akong hospital kanina. Akala ko mawawala na ng tuluyan saamin si Daddy Lo. I was scared. Buti nalang ay naagapan siya ng mga doctor. Mas bumaba pa ang chance na magising pa siya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Pinunasan ko ang mga luha ko nang makitang may message ang magaling kong kapatid. Buhay pa pala 'to.



Chester:

You'll see kung paano isa-isang mawawala sayo ang lahat.

I scoff.

Hindi ko na sana papansinin but he send another message.


I'll start with your girlfriend.


Napatayo ako nang mabasa ko ang message niya. I dialed Daivyn's number pero nakadalawang missed calls na ako kaya mas lalo akong kinabahan.

"Fuck!" I hissed and bit my finger.

Nakahinga ako ng maluwag nang sinagot niya na ito. " Sorry kakatapos ko lang maligo."

Napapikit ako at napaupo. " Thanks God. Akala ko may nangyari sayo. Nag-alala ako." I said.

" Sorry I made you worried. " Sagot nito.

" It's okay. Kumain kana?"

" Yeah. You?" Narinig ko ang kaluskos nito.

" Hindi pa. Kamusta araw mo? You're busy kanina e. " I said. Hindi ko siya nakita sa school dahil may meeting daw ito sa company niya.

" I'm good naman." She said.

Napanguso ako." Yon lang? Wala man lang details dyan?"

She sighed. " Sorry baby. I'm just tired. Where are you ba ha? At hindi ka umuwi dito?" Napangiti ako sa tanong niya.

" Nasa condo ako. Pinuntahan ko si Mommy. "

" Oh okay. How's tita pala?"

" Okay lang naman si Mommy natin." I heard her chuckles on the other line.

" By the way, malapit na pala ang graduation niyo. Nag practice ka ba kanina?" Tanong niya.

" Yeah. Si Prof Tiffany and Prof Azalea nga bantay namin kanina. Buti nalang pinagbreak time kami. Sila Aldwyn tuwang-tuwa naman kasi crush nila yong dalawang kaibigan mo." Kwento ko kaya natawa ito.

" Tapos pinuntahan ko si Daddy Lo kanina. I thought—"

" Oh sorry, love. I just need to answer an important call. Call you after this. I love you." She utter.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon