Chapter 6: Hello kitty
I was awaken by a loud thud. I checked what it was and saw Aldwyn, my classmate on the floor kaya natawa ako. Narinig din ng mga kasama namin and when they saw Aldwyn rubbing his head ay natawa din sila. Nahulog pala siya mula sa couch. We are in my Condo dahil marami kaming ginawang plates and other projects. Dating Condo ko na ito dahil lumipat na ako kaya dito na namin naisipang gumawa ng projects. Iyong iba kasi saamin nahihirapan kaya napag-usapan namin na magtulongan nalang para walang maiwan. Mabuti nalang ay participative kaya walang problema kaya hindi din ako tinatamad tumulong kasi masipag naman sila at willing to cooperate rin naman.
" Jusko naman Aldwyn, kakatulog ko lang. Lahat na ng katangahan sinalo mo na." Reklamo ni Aicy na ikinatawa naman habang nakahiga parin.
" Sorry naman beh. Nong umulan kasi ng katangahan, nakapayong ako." Aldwyn utter while rubbing his head. Mukhang malakas ang pagbagsak niya.
" Eh bakit tanga ka?" Ganyan talaga si Aicy kaya nasasanay na kami.
"Malakas iyong hangin kaya nilipad 'yong payong."
We all burst out our laughed. Mga siraulo talaga. Sa halip na matulog ulit ay nagluto nalang kami ng noodles pampainit ng tiyan.
" Ang yaman-yaman ni Jess pero noodles lang" reklamo ni Paolo.
" Wow hiyang-hiya naman ako sa nakikitulog at nakikikain lang, may ambag ka?" I ask him kaya napasimangot siya habang ang iba ay natawa nalang.
" Ang sama talaga ng ugali mo" he said back.
" Oo masama talaga ugali ko kaya huwag mo akong iniinis. Paolo ikaw nalang maghugas ng pinagkainan ha" I said to him na mas ikinasimangot niya.
" Aba bakit ako? "
Amy answer her. " Para may ambag ka malamang!"
" Bakit may ambag ka?" Paolo asked her.
" Oo kagandahan." Amy said na ikinairap ko nalang.
" Hoy lahat kayo walang ambag dito sa overnight na 'to. Ang yayamanin niyo sana kung may ambag kayo. " I said pero instead na mainis ay tinawanan lang nila ako.
2:28 na pero heto parin kami at gising na gising. Hindi na kami nakatulog ulit kaya lumabas kaming lahat habang nakapajama wear. Ang iingay pa nila kaya nakakahiya sa mga tao. Pumasok kami isang 24/7 hours open convenient store at bumili ng pagkain at beer.
" Bakit ang daming beer kesa sa pagkain?" Tanong ko sa mga kasama ko.
" Dahil natuyo na ang utak natin sa ginawa natin kanina kaya kailangan natin ng beer. Don't worry ako magbabayad para hindi mo masabing wala akong ambag." Sabi ni Amy at may pairap pa.
" Hindi ko naman talaga babayaran ang mga kinuha niyo in the first place. Hello? Wala kayong pinatagong pera saakin. " Sagot ko.
" Sabi na eh. Kung may award lang ng best in kuripot, si Jess ang summa cum laude " wika ni Paolo.
" At kung may award ang reklamador kahit walang ambag ikaw ang hakot award. " I smirk at him making his face grimace.
Tinawanan lang ng mga kasama namin ang reaction ni Paolo. Pagkatapos naming magbayad ay lumabas na kami. Ilang metro pa ang lalakarin namin bago kami makarating sa building ng Condo ko kaya parang mga namumulubi kaming naglalakad dito sa kalsada.
" Picture tayo!" Sigaw ni Sancha. Picture talaga ambag niya dito sa overnight.
" Magpapakamatay na ako!" Sigaw ni Aldwyn sa may highway. Tiningnan lang naman siya ng walang pakealam.
BINABASA MO ANG
Tasting the sweet Forbidden
Teen FictionIf I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.