EPILOGUE

5.6K 191 228
                                    

Jessa POV


"Dapat maaga kang matulog dahil bukas ang kasal mo." Sabi ni Gianna habang nasa bar counter kami dito sa bahay ko.

"Ikaw itong nang istorbo ng rest ko. Nag-aya ka pang uminom kupal ka. Balak mo pa akong lasingin." Sagot ko.

"Ay ako ba?" Natatawang sabi niya.

"So what do you want to say? Alam kong may gusto kang sabihin saakin. Huwag mo na akong daanin sa inuman." Sabi ko kaya napailing siya.

"Kilala mo talaga ako." She tapped my shoulder.

"Ano nga? Magbebeauty rest pa ako." Pangungulit ko. "Nakakahiya naman sa mapapangasawa ko kung sabog ako bukas." Dagdag ko na ikinatawa niya.

She look at me with a genuine smile. "Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Masaya ako para sayo. Masaya ako kasi nakatagpo ka ng taong mamahalin ka kahit sa mga oras na sa tingin mo hindi kana kamahal-mahal. Alam mo bang sobrang thankful ako kay Zep. Kasi siya 'yong taong nagligtas sayo. She was there at your lowest. Binuo ka niya. She healed you. Masaya ako basta masaya ka. Hindi man ako palaging nasa tabi mo pero palagi kong pinagdarasal na sana maging maayos na ang lahat para sayo." Sabi niya and tapped my shoulder.

"Ang dramatic mo naman pero thank you, my best friend." I said.

"Si Zep..." Alanganing sabi niya.

"Mahal ko siya, Gianna. Mahal na mahal ko siya. Alam kong sumagi na rin sa isip mo na baka papakasalan ko lang siya dahil siya yong nandyan, na baka utang na loob ko lang, na baka awa lang ang nararamdaman ko sakanya." I reassure her.

"Siya yong kaisa-isang taong tumanggap saakin ng buo. Pinaramdam niya saakin na kamahal-mahal ako. Sobrang unexpected na dumating kami sa point na 'to." I laugh. "Kasi si Daivynn na yong nakikita kong future ko. Siya lahat yong nasa plano ko. Pero iba pala ang plano ni God, no? Akala ko siya na, hindi pa pala. "

Sinalinan niya ng alak ang baso ko. I sip my drink. "Yong saamin ni Zep hindi namin pinilit ang lahat. We just go with the flow. You know what's funny?" Bigla naman siyang nacurious sa kung anong sasabihin ko.

"Ano?"

"We didn't feel any butterflies. Alam mo 'yon, sobrang smooth lang, kalmado lang. Yong pakiramdam na nasa safe place ka. Yong hindi ka nag-ooverthink kasi pinaparamdam niya sayo na wala kang dapat ika-overthink. With her, I feel safe and secured. " I genuine smile crept my lips.

"When maturity hits you talaga marerealize mo na love is beautiful when you're at peace. Kay Zep, hindi ako napapagod makipaghulaan kasi we both communicate to each other kapag may problema. Of course there are times pa rin naman na nagkakatampuhan kami pero we didn't normalize na matulog na hindi kami okay. I know she's the one because with her, I became a better version of myself."

"I'm so proud of you, my bestfriend. Kasi alam kong nakausad kana. Cheers and congrats." She said at sabay kaming uminom.

Hindi narin siya nagtagal dahil baka malasing niya pa daw ako. Hinatid ko siya sa labas.

"Huwag kang malelate sa kasal ko bukas. Importanteng araw yon." Paalala ko.

"Oo na. Kanina ka pa paulit-ulit."sagot niya habang binubuksan ang pinto ng kotse niya. Nilingon niya ako. "By the way, may naiwan pala ako sa counter. Pakicheck nalang. " Sabi niya.

"Kukunin ko. Wait–"

"Para sayo yon. Pinapabigay niya. Ayoko na sanang ibigay pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi mo pero gusto kong malaman mo ang rason niya para hindi na mabigat sa loob mo ang maglakad sa altar bukas." She smiled at me. "Kailangan mo 'yan. Huwag kang mag-aalala, boto ako kay Zep para sayo." Kumindat pa ito bago tuluyang pumasok sa kotse. Bumusina pa ito bago tuluyang umalis.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon