CHAPTER 42: Sweetest Poison

15K 544 120
                                    

A/n: 01.01.23. Wala po ako masyadong binago since tinatamad na ako mag-add ng ibang scenes and baka masira pa ang flow ng story. Thank you everyone for patiently waiting💗





Chapter 42: Sweetest Poison

" How was it?" Tanong niya.

Pigil ko ang sarili na huwag masuka sa harap niya dahil sa sobrang alat ng adobong manok na niluto niya. Bukod pa doon ay parang maasim rin at hindi ko alam ang pinanggagawa niya dito sa adobo niya.

" Okay lang." Nakangiting sabi ko pero seryoso niya lang akong tiningnan kaya napabuntong hininga ako bago nilapag ang kutsara ko. " Masarap naman siya baby."

Inirapan niya ako. " You're not a good liar. "

" Baby—"

Tumayo siya at sinimulang ligpitin ang mga niluto niya kaya pinigilan ko pero buo na ang loob niya. Hays.

" Sayang naman baby. Kakainin ko nalang. Masarap—" she cut me off.

" Stop lying just to make me feel better. Ayokong magkasakit ka pa dahil sa luto ko." Seryosong sabi niya at halatang disappointed ito sa naging result nang luto niya kaya hinapit ko siya sa bewang and stares at her.

" Don't be sad na po. It's okay, I still love you parin naman. Let's cook together nalang, how about that?" Pag-aalo ko dito para hindi na siya malungkot.

Niyakap niya naman ako at siniksik ang mukha sa crook ng neck ko.

" I'm sorry.." halata parin ang lungkot sa boses nito.

I caress her back. " It's okay don't say sorry na. I love you."

Mas niyakap niya nalang ako kaya hinayaan ko na para gumaan ang pakiramdam niya sa nangyari. Alam kong nag-effort itong ipagluto ako, she tried her very best and I truly appreciated her efforts.

KASAMA ko sila Aldwyn na naghihintay sa kiosk dito sa loob ng campus. May mga pagkakataon talaga na kailangan parin naming pumunta sa school kahit may internship na kami.

" Ang tagal naman ng mga 'yon. Sabi on the way. On the way ang putik." Reklamo ni Paolo kaya natawa kami.
Hindi na ako naniniwala sa on the way na 'yan. Ang tagal ba naman kasi ng iba. Akala mo VIP kung magpalate.

" Psst girlfriend mo." Tawag pansin saakin ni Sheena at tinuro ang direksyon ni Daivynn. Napangiti naman ako agad nang makita ko siya kasama sila Prof Thea sa bandang hallway, naglalakad. Shocks ang ganda naman masyado.

" How to make your Professor fall for you. Any tips Jess babe?" May pang-aasar na sabi ni Aldwyn, wiggling his eyebrows up and down. Mukhang talaga siyang aso. " Tingin mo palang, alam kong jinijudge mo na ako." He glare at me.

" Hah buti alam mo dahil nakakapagod makipagplastikan." I reply playfully. Tinawanan naman siya ni Paolo na nakaakbay dito.

Nilingon ko ulit ang direction ni Daivynn at napahalumbaba pa ako habang nakatitig sakanya. Kung iisipin, nagandahan lang talaga ako sakanya sa unang beses na nakita ko siya. I never saw any potential na magiging girlfriend ko siya o mamahalin ko siya nang ganito.

Imagine nakabanggaan ko lang siya sa hallway, binigyan ng panyo o kahit nakikita ko lang siya tapos konti lang ang alam ko sakanya pero hindi ko alam na magiging girlfriend ko talaga siya.

I bit my lower lip when our eyes locked. I wink at her playfully pero hindi nagbago ang seryoso niyang mukha.

She's my professor and she's a sweet forbidden.

I dared to defy my heart desire but I never succeed until I ended up tasting the sweet forbidden.

Tasting the sweet forbidden is the sweetest poison I'm willing to soak up despite knowing the restrictions from the very beginning.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon