CHAPTER 46: First meet gone wrong

15.1K 489 184
                                    

Chapter 46: First meet gone wrong










" So half sister mo lang siya?" I asked Daivynn and she nodded her head. " Bakit magkamukha parin kayo?"

She give me a ' are you stupid' look kaya napa peace sign ako. " Of course pareho kami ng Mommy. We both got our Mom's features."

" Alam ba niya na magkaiba ang tatay niyo?" Curious na tanong ko habang magkayakap kami at ramdam ang init ng katawan ng isa't-sa lalo na pareho kaming walang saplot.

" I don't know..." Mahinang sagot niya.

We got to spend the rest of the night talking about our family. Nasabi ko rin sakanya na ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya ko at ang dahilan kung bakit hindi Luis ang dinadala kong surname.

Pag-uwi namin ay sa Penthouse niya ulit ako natutulog. Pumupunta lang ako sa condo ko kapag may kinukuha akong gamit.

So far so good naman ang naging daloy ng buhay naming magkasama, ang buhay ko. Mas naging masaya at payapa.

"Jessa Asher!" Napabalikwas ako sa higaan nang marinig ang malakas na boses nito kasabay ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya kung saan din ako natutulog.  Pero may pagkakataon talaga na hindi payapa, katulad nalang ngayon.

" Hala b–akit?" Takang tanong ko at kusot kusot ang mga mata. " Bakit po ba? Inaantok pa ako e.." nakangusong reklamo ko.

Napuyat ako kagabi. Pinuyat ako ni Daivynn.

" Wala ka bang balak pumasok sa trabaho mo? My god! It's already 12 noon!" Napakislot ako sa sigaw nito. Jusko, galit na galit na naman siya. Eh ano kung 12 na?

" Inaantok pa nga–PUTANGINA!" Lumaki ang mata ko nang marealize kung anong oras na. Shuta may internship pa pala ako. Akala ko graduate na ako. Panaginip lang pala 'yon.

Mabilis na bumangon ako at nagmamadaling pumunta ng banyo para maligo. Lintek! Rinig ko parin ang boses ni Daivynn na sinisermonan ako pero hinayaan ko nalang.

Kumain lang kami at siya na rin mismo ang naghatid saakin kung saan ako nagtatrabaho.  Konti nalang at matatapos ko na ang internship ko o baka buhay ko ang unang matatapos.

Kung saan malapit na, saka mas mahirap.

Hindi ko nga maintindihan bakit pa ako nag-aaral ng mabuti e mayaman naman ako. Kahit wala akong natapos, mabubuhay parin ako. Siguro dignity ko na 'yon sa sarili ko at ikakapasalamat ko nalang na may privilege akong pumasok sa school kesa sa ibang tao na hindi na nakakapag-aral dahil sa hirap ng buhay. Tsaka gusto ko ring may mapatunayan ako sa sarili ko dahil nakakahiya naman sa girlfriend ko.

" Pero bakit biglaan naman, Daddy Lo?" Tanong ko kay Lolo nang sabihin nitong kailangan ko nang gamitin ang Luis. Ang usapan ay pagkagraduate ko nalang.

Hindi kaya mahirapan ako sa school records ko? Well, Daddy Lo can pull some strings naman.

" Kailangan mo na ang Luis, apo. Mas makakabuti iyon sayo. " Mukhang final na ito sa desisyon niya kaya tumango nalang ako na ikinatuwa niya. " Siya nga pala, mag babakasyon ako sa Singapore at bibisitahin ko narin ang isang matalik na kaibigan ko doon. Gusto mo bang sumama, apo?"

" Ah hindi na po. May internship pa ako. Mabuti naman at naisip niyong magbakasyon. Ang tanda niyo na pero  pinapatay niyo ang sarili niyo sa trabaho. " I sip my wine.

" Tumatanda na ako kaya tandaan mo ang mga binilin ko sayo. Siya nga pala kelan mo ipapakilala ang nobya mo saakin?" Tanong nito habang nakangiti.

" Siguro pag-uwi niyo galing Abroad. Busy pa siya ngayon. " Tumango tango naman ito. " Daddy Lo, dinner date tayo kasama si Mommy. Namimiss ko na kayo."

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon