Her Tears Thirty One ♔

13.8K 226 7
                                    

Author's Note: Thank you po sa paghihintay alam ko yung iba galit, inis, at inip na sa paghihintay pero huhu busy kasi ako. So now, ito nalang muna :) Sana hanggang sa matapos tong story nandito at nakasubaybay parin kayo kahit na sobrang tagal talaga parang one year bago mag update haha. Sorry talaga guys, sana maintindihan niyo ako :) Oo na ako na ang paasa sa update may galit pa nga kasi daw maguupdate na nga lang ako author's note lang naman, sorry na T.T eto na nga oh update na talaga :) Okay so here it goes!!!


Votes and comments are very much appreciated and awaited :*


- -

<Aki's POV>

Bumaba na ako sa sasakyan ni Lloyd. Nagpumilit pa siyang samahan ako papasok ngunit tumanggi ako agad. Wala namang mangyayari saakin eh, my husband is the one inside the house. I know he'll not do anything bad for me. Saka paano kami makakapag usap kung nandyan si Lloyd. Alam ko namang nagaalala lang saakin si Lloyd at sa bata pero alam ko namang nagbago na si Spencer.


Ang spencer ko...

Pagkaalis ng sasakyan ni LLoyd ay huminga ako ng malalim. Lumakad ako agad habang buhat ang shoulder bag at ang maleta ko. Ang sabi panga saakin ni LLoyd ay kahit siya manlang daw ang magpasok ng gamit ko pero tumanggi ulit ako. Kaya ko naman eh saka onti lang naman. Onting damit ko lang ang laman, wala pa para kay baby.

Dahan dahan kong binuksan ang gate gamit ang spare key ko. Binuksan ko narin ng tuluyan ang main door.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng loob ng bahay. Wala. Walang nagbago, kung sa tutuusin napakalinis. Walang kalat na makikita sa kahit anong sulok ng bahay.


Nasaan kaba spencer?


Iniwan ko ang mga gamit ko sa sala, at dahan dahang umakyat sa hagdan. Hinawakan ko pa ang aking tiyan dahil nabibigatan ako.

Baby naman ba't ang bigat mo?

Nang makarating ako sa taas ay dumaan muna ako sa kwarto ko noon. Inopen ko ito at nakita kong wala parin itong pinagbago. Anong bang ginagawa ni spencer at parang walang tumitira dito sa bahay na ito?

Naiirita ako. Bakit?! Hindi ba siya natutulog dito? Pinagloloko ba ako ni Lloyd?! Parang hindi naman niya ako namiss! Hay! bakit ba tong hormones ko masyadong ano.

Pinuntahan ko ang kwarto niya. Napapikit ako sa mga memories na nangyari dito. Yung araw na pumasok ako dito, na sinaktan niya ako, Yung araw kung kailan kami nagsagutan. At yung araw kung saan namin ginawa ang isa sa mga oras na hindi ko makalimuta. Napahawak ako sa sinapupunan ko. Matatanggap niya kaya kami? Ang bata?

Inalis ko ang mga tanong sa utak ko. Ang importante ngayon. Ay ang magkaharap kami. Miss na miss ko na talaga siya.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Napatakip ako agad ng ilong

'ang baho naman!'

amoy alak, nasusuka ako sa amoy, pero pinilit kong wag mailabas kung ano man ang mailabas, mas binuksan ko pa ang pintuan. Tumambd saakin ang mga bote ng alak sa lapag, at ang mga plastic ng pinagkainan ng chichiria, instant noodles.

'ano bang pumasok sa utak ni spencer at etong kwarto niya ang ginawa niyang kusina?!'

Pumasok na ako ng tuluyan at sinimulang ayusin ang mga nagkalat sa kwarto niya. Inigilid ko ang mga bote at tinapon ko ang mga plastic at mga kalat sa basurahan. Nakarinig ako ng ingay sa loob ng banyo. naliligo siguro siya.

Her TEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon