Her Tears Twenty Nine ♔

15.2K 242 11
                                    

                      "it's you. It's always been you..."

- -

<Spencer's POV>

1 month had passed. Hindi ko parin siya nakikita. Ang sabi ko 3 o 4 na araw lang pero hindi niya tinupad. Kasalanan ko rin naman eh. Hindi ko din naman alam kung saan ang condo niya. Ni hindi ko nga alam na may condo pala siya. Miss ko na siya. Sobrang miss na miss ko na ang asawa ko. Lahat ng sinabi ko, yung mahal ko siya, yung hindi ko kaya na hindi siya makasama o makita. Totoo lahat yun.Pero isa lang ang gusto ko ngayon. Isang isa lang ang gusto ko.

I want my wife back.

- -

<Aki's POV>

1 month had passed. Hindi parin ako nagpapakita sakaniya. Andito ako ngayon sa palawan. Hindi ko alam pero dito ako dinala ng paa ko. Masarap ang simoy ng hangin, walang maingay na tunog. Walang usok. Wala akong condo, nagsinungaling ako sakaniya. Sa totoo lang miss ko na siya miss na miss ko na ang asawa ko. Lagi akong nagdadalawang isip kung uuwi naba ako para puntahan siya o hindi pero lagi rin naman akong tumatanggi sa isip na yun. Masakit pa rin eh, pero hindi ko mapipigilan ang sarili ko na hindi siya puntahan. Hindi ko mapipigilan ang sarili kong umuwi at balikan siya. Hindi ko maipagkakaila na mahal ko parin siya dahil mahal na mahal ko talaga siya. Isa o dalawang araw nalang siguro. Uuwi narin ako at babalikan siya. kailangan ko siya eh. kailangang kailangan ko siya.

                                           Lalo na't dala dala ko ang anak namin...

Her TEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon