Her Tears Thirty Four ♔

12.3K 202 4
                                    

<Spencer Lee Evans' POV>


Pigil hininga kong buhat buhat si Mae sa bisig ko, pakiramdam ko mamatay ako ng wala sa oras. Nanginginig ang buong katawan ko, namamawis ang sulok ng mata ko, nanlalamig ang mga kamay ko. 


Kasalukuyan naming tinatahak ang pintuan ng ospital. Pagkatapos ng nangyaring pagdudugo ni mae kanina ay nahimatay siya kaya ay binuhat ko kaagad siya at idinala sa ospital. Nakasunod lahat ng mga kaklase at ang guro namin. Maski si Taylor, Harris at Lloyd ay masugid na nakasunod lang saamin. Hindi ko alam kung paano ko nakayang imaneho ang sasakyan ko kanina to think na ang magina ko ay nasa piligro.


Si Honey ay nakasunod din saamin, kanina pa siya humihingi ng patawad pero hindi ko iyon matatanggap, sarado ang utak ko ngayon, ang kalagayan lang ng magina ko ang naiisip ko ngayon.


"Doc! Tulong! Nurse Tulong!"- sigaw ni Taylor pagkapasok na pagkapasok namin sa Emergency Area.


Wala akong lakas magsalita, para akong pipi. Ang sakit sa puso, ang sakit sakit.


Nagkagulo ang lahat, may inilapit sila saaking strecher, dahan dahan kong inilagay si mae doon. Napapikit ako ng makita ko ang dugong patuloy na umaagos sa binti niya.


"Please, the baby, save the baby. Save my baby and my wife. Please!"- pagmamakaawa ko sa mga nurse na-umaasikaso sa asawa ko.


"The doctors will do their best sir. Please calm down"- pagsagot ng isa saakin at ipinasok na siya.


Calm down? How can I calm down?


Napasuntok nalamang ako sa pader na nasa gilid ko, feeling ko unti unti akong namamatay kapag iniisip ko ang kalagayan nilang dalawa.


"Spencer"- tawag saakin ni taylor at yinakap ako.


Bakla man tignan pero wala akong pake, ibinuhos ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.


"Taylor, yung mag-ina ko. yung mag ina ko..."-


"Shh, magiging maayos lahat ng to spencer"- pagaalo niya sakin.


Hindi na ako muling nagsalita at nagpatuloy nalamang sa pagiyak.


"Dude, papunta na daw sila tita"- sabi ni Lloyd.


"Ako nalang muna kakausap sakanila"- pagsagot ni Taylor


"No. Ako na"- pagpigil ko sakaniya. Tumango nalamang siya saakin. Kita ko rin sa mata niya na nasasaktan siya.


mga 30 minutes na ang lumipas ng dumating ang magulang ko at magulang ni Mae. Agad nila akong nilapitan.


Ang akala ko na ang matatanggap ko ay suntok, mga salitang dapat naman talagang marinig ko ay wala.


Her TEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon