Her Tears Fourteen ♔

13.5K 206 8
                                    

 

                                                   Hindi naman ibig sabihin kapag tumigil kana, wala kanang pakielam. Meron parin naman, pero kailangan lang ng oras para pag-isipan kung worth it pa ba o hindi na.

<Aki's POV>

Matapos ng sagutan namin ni Spencer ay dumiretso ako sa kwarto ko. Pumasok ako at ni lock ang pintuan. Eto na naman ako iiyak magkukulong. As usual ano pa bang bago? Dumiretso ako sa kama ko at humilata, kinuha ko ang unan ko at dun ako umiyak ng umiyak. Lagi naman eh, lagi nalang unan ang kasangga ko tuwing gaanito, tuwing iiyak ako, siya ang sumasalo lahat. Siguro kung nagsasalita lang tong unan, nasigawan na ako nito. Siguro rin kung tao tong kama ko at unan ko baka nasabihan na ako ng TANGA, BOBO, MARTYR at iba pa. Hayy. Oo inaamin ko nakakapagod. At oo PAGOD NA PAGOD na ako pero diba kelan ba napagod ang totoong nagmamahal? Kaya sa ayaw kong sumuko, bibigyan ko lang muna siya ng oras, panahon, para naman marealize niya yung worth ko. Mahal ko siya, mahal na mahal na kung maaari, siya lang ang lalaking makakasama ko habang buhay.  Kailangan ko lang din ng oras at panahon para pagpahingahin ang puso kong sobra ng nasasaktan, ayaw kong tuluyan na itong tumigil sa pagmamahal at mapagod sa sunod sunod na sakit. Ayokong pag-gising ko wala na akong nararamdaman sakanya, hindi yun pwede. Dahil nangako ako sakanya, na siya lang  ang mamahalin ko kahit na anong mangyari. All i need is space, time.

No matter what happens, Spencer will always be the one I will love for the rest of my life. 

- -

<Spencer's POV>

Para akong nabato sa kinatatayuan ko, FUCK THIS FEELING! Bakit ba para akong naguiguilty? NO! Hindi to pwede, tama lang sakaniya yun! Ugh! What the hell is wrong with you Spencer? Dapat nga maging masaya ka at didistansiya na siya sayo, may time kana para kay Honey. Pero, ugh! Bakit ba kasi ako natatamaan sa sinabi niya, so what kung sinasaktan ko siya? Dapat lang yun sakaniya, magdusa siya! Ang kapal ng mukha niyang itali ako sakanya, huh! Bitch  talaga siya nagawa niya pang makipag date kay Lloyd , eh may asawa na siya! UGH!!! Nakakabwiset talaga siya. Nagawa niya pang saktan ang mahal ko , napaka warfreak! Hindi daw siya yung sumabunot eh kalat na kalat na nga na siya yun magsisinungaling pa !

"Pero aminin mo alam mong  hindi siya yun!"- sigaw ng konsensya ko.

Letche! Oo alam kong mabait si Mae, pero aish! Umiiyak ng sobra si Honey sakin kanina. the heck!!! Bakit ba Spencer? Ano bang pake mo sa Mae na yan? WALA! Wala akong pake sa babaeng yan! Fuck her ! Mawala na sana siya sa buhay ko ! fuck!

What the hell is wrong with me ?! tsk antok lang to

- -

<Aki's POV>

Kinabukasannauna na akong pumasok, sobrang aga kong pumasok, para lang hindi siya makita. Hindi ko kayang makaharap siya, at diba nga? Hindi kami magpapansinan. May kanya kanya kaming mundo, buhay. Hayy

Pagkapasok ko 3 palang ang nasa loob, wala pang masyadong tao. Umupo ako sa pinaka likod. Ayaw ko ng malapit sakniya. Baka kainin ko lang ang mga sinumbat ko kagabi sakaniya. Mga 1 hr, bago kami naging kumpleto dito sa loob. Nandito narin siya, as usual katabi niya si Honey, sino paba diba? Alangan naman ako? AYAW NIYA YUN!

Si Lloyd eto, imbes na sa harap, katabi ko siya ngayon. Ewan koba dito ni di nga ako pinansin ng pumasok siya, basta nalang siyang lumapit dito sa likod at pinalipat yung lalaking nakaupo sa tabi ko at siya ang pumalit.  Si Taylor Rose naman at si Harris andun, magkatabi sila sa harap namin. Hindi nga rin nila ako pinansin. The heck! Anong meron? May nagawa ba ako?

Her TEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon