CHAPTER5
Habang nag siswiming ako sa may pool sa likod bahay namin ay pakiramadam ko may nag mamasid sakin. I feel it. I don't who is she or he.
Bigla na lang ako napa tingin sa kabilang bahay. May sala sa likod bahay nun at dun ko nakita si Kuya Gabriel na pinapanuod ako. May hawak itong beer. Mag aalas sais na nang gabi pero sige pa din ako.
Ilang araw na mula nag bagyo at mukang okay na lahat. Si papa na always busy pa din sa farm nya. Ako na Lowkey life lang dito sa bahay with a man na feeling ko ndi ko na maaalis sa utak ko.
Hindi naman ako umagree sa sinabi nya pero palagi ko pa din iniisip yun. Palagi pa din syang may pahaging sakin. At palagi nya akong kinakausap like hindi na yata nabubuo ang araw nya nang hindi ako nakikita.
Nginitian ko lang si kuya Gab pero parang nailang ito sakin. Why kaya.
Umalis ito sa pwesto nya at pumasok sa loob nang bahay. Ako naman ay umahon na din sa pool. Naligo muna ako at nag ayos. Pag pasok ko nang kwarto ko ay kaagad kong nilock ang pinto nang makita ko na naka higa ito sa kama ko at naka unan sa dalawa nitong kamay. Naka kagat ito sa labi nito.
"Ginagawa mo dito?" Tanong ko at nag punta sa may make up table ko. May malaking vanity mirror dun. Nag handa ako mag blower nang buhok ko.
"Wala lang. Namamasyal." Sabi nito. Medyo sanay na ako na palagi ko syang naabutan sa kwarto ko. Minsan nga nakikita ko sya na tinitingnan ang mga picture at laman nang drawers ko. Hindi ko din alam bakit parang sanay na ako at parang kampante lang ako. Hinahayaan ko na lang sya sa mga ginagawa nya.
Sinaksan ko ang blower at nag simula nang magpatuyo nang buhok ko nang may kumuha nun sa kamay ko. Nakita ko sa repleksyon nang salamin na sya na ang nag blower nang buhok ko. Kumuha din ito nang suklay. Para namang tumitibok ang puso ko nang sampung beses kada isang segundo. My heart beats so fast.
Tila tumigil ang mundo ko habang tinitingnan ko sya sa salamin. Seryoso ito sa ginagawa nya na para bang obligado syang gawin yun. Bakit ba ganito sya. Isang linggo pa lang kami na magkakilala at ndi sapat yun para kumilos sya nang ganito.
Hindi din sapat yun para malaman kung ano bang nararamdaman ko tuwing makikita ko sya. Tila hati ang utak ko sa lahat nang nangyayari.
Dalawang buwan lang ako dito at pagkatapos nun babalik na ako sa manila para sa school ko at dun mag tatapos lahat nang yun. Natatakot naman ako dahil baka kapag lumala ang ganitong samahan namin hanap hanapin ko ito dun. Pero hindi din naman ako gumagawa nang paraan para pigilan. Nag eenjoy nga ako kapag nakikita ko sya eh. Kabado lang talaga sa una.
"Gusto mo ba sumama sakin?" Bigla ay tanong nito.
"Saan?"
"Mag gala. Mag punta sa mga favorite spot ko." Sabi nito habang patuloy sa ginagawa.
"Uhm sige. Wala naman si papa eh. Papaalam na din muna ako." Sagot ko at ngumiti naman ito at hindi na muling nag salita.
After matuyo nang buhok ko ay tinawagan ko si papa at nag paalam na gagala ako. Syempre tinanong ako nito kung sino kasama ko sinabi ko na wala. Hindi ko alam kung bakit pumayag sya karaniwan kasi sa parents hindi na papayag kapag gabi na.
Nag suot lang ako nang white floral dress. Naka white shoes din ako at dala ko ang medyo maliit na sling bag ko na lagayan nang phone at extra cash.
Nang makalabas ako nang bahay ay pumunta kaagad ako sa tapat nang bahay ni kuya Gab. Tahimik akong naka labas nang bahay walang naka kita sakin. Siguro nag papahinga na din sila. Nasa labas na ang cotse ni Kuya Gab pero wala ito sa loob. Nag antay lang ako nang ilang minuto bago sya lumabas.
