Chapter10

1 0 0
                                    

CHAPTER10.

      After nang napakagandang okasyon na iyun sa aking kaarawan hindi ko na magawang alisin ang ngiti saking labi. Kahit balik school na ako masaya pa din ako.

Siguro yun na ang pinaka masayang bakasyon na naranasan ko. kahit na bumalik ako sa manila patuloy ang komunikasyon namin.

After nang Birthday ko wala kaming ibang ginawa kundi sulitin ang oras na natitira. Ako babalik na sa school at sya naman ay tapos na din ang suspension.

Palagi kaming mag kausap sa cellphone. Kapag lunch ko ay nag tetext ako sa kanya. Hindi pa kami official pero pinaparamdam nya sakin na parang kami na talaga.

Bukod dun naging mas super comfy ako sa kanya. Hindi nga lang kapag andyan sya. Ewan ko ba pero medyo nailang ako sa kanya nung mag simula syang mangligaw. Syempre nung nakaraan grabi ako mag tantrums nung nag a-ask ako nang level saming dalawa.

Tapos nung tinupad ni God ang aking nais bigla naman akong inataki ang hiya. Like for sure nahiya na siguro si God sakin. Pero thanks to God. Lakas ko sa kanya.

While I'm eating my dinner nag scroll lang ako sa Instagram. Usual bored ako ngayon. Kausap ko si Kuya Gab kanina pero sabi nya may pupuntahan daw sila nang Team nya. Kaya ngayon tamang scroll lang ako.

Tapos na ako sa mga assignment ko. Grabi talaga ang Sr high school first month pa lang dami na agad gawain. Pero hanga na din ako sa aking manliligaw. Kapag sinabi ko sa kanya na may gagawin ako bibigyan nya ako nang space para magawa yun.

Sabi nya unahin ko na daw lahat nang kaylangan ko bago sya. Kinilig ako dun so much. Naka taas ang paa ko sa upuan at parang baliw na paikot ikot ang mata sa kesame.

Hayy anong oras paba sya mag tetext ulit?

Naiinip na ako subra. Namimiss ko na din agad sya. Isang buwan mahigit nang huli kaming mag kita. Gusto ko na ulit maamoy ang amoy nya.

Liligpitin ko na sana ang kinainan ko nang may mag doorbell.

"Sino kaya yun. Wala naman akong inaasahang bisita ah? Ay- baka si Mira meron nga pala kaming balak gawin ngayon." Pinatay ko muna ang naka on kung Tv bago pumunta sa pinto. "Mira buti pumunta ka mababaliw na ako sa inip---." Natulala ako nang makita kung sino ang nasa harap ko. Tila bumagal ang mundo ko sa mga oras na ito.

Isang buwan lang ang naka lipas pero ang haba na agad nang buhok nya. Natatakpan na nuon ang mga mata nya.

"A-ahh b-bakit ka nandito?" Tanong ko. Syempre mag tataka talaga ako kanina nag paalam sya sakin na aalis sila nang team nya.

"Namiss kasi kita. Bakit ayaw mo ba? Aalis na ba ako?" Sunod sunod na sabi nito.

"H-hindi!" Para akong maiiyak sa tuwa. Pero may halong pagka hiya. "Hindi lang ako makapaniwala. Nananaginip ba ako?"

"I missed you Eli." Sagot nito at niyakap ako. Gumanti ako nang yakap sabay hampas sa likod nya. Amoy alak kasi sya at mukang may tama na.

"Akala ko ba may pupuntahan kayo nang Team mo? Sinungaling ka. Pasok." Kunyari lang na naiinis ako pero natutuwa ako at nakita ko ulit sya.

Mukang pagod sya. Magulo ang buhok nito at medyo magulo din ang suot. Naka white polo sya tapos naka slacks. Yung necktie nya wala na sa ayos.

"Oum nga po may pinuntahan kami. Dito sa manila tapos nag painom yung General dito sa manila kaya ayun dito ako pumunta." Sagot nito. Kaya pala amoy alak sya.

"Ahh. Sige pasok ka. Kumain kana ba?"

"Hindi pa po."

"Sige upo ka lang dyan pag hahain kita-." Aalis na sana ako nang hilahin ako nito paupo sa kadungan nya.

Neighbor Window Where stories live. Discover now