CHAPTER6
Habang naka upo ako sa isang stole sa harap nang bartender ay panay ang hanap ko kay Kuya Gab. Nag paalam ito na may kakausapin lang sa taas pero mag k-kalahating oras na wala pa din sya.
Kanina pa din may lumalapit sakin na iba't ibang lalake pero lahat sila ay hindi ko pinapansin kaya naalis na lang bigla.
"Mukang loyal ka ma'am ah." Wika nang bartender sakin.
"Huh?"
"Kanina kapa naka upo dyan at pansin ko na may mga itsura naman yung mga lumapit sayo pero hindi mo sila binibigyan nang attention." Napa tawa na lang ako. Halata ba?
"Nako wala akong boyfriend no. Hindi ko lang trip makipag kaybigan ngayon. Baka kasi pagalitan ako nang kuya ko." Sabi ko.
"Ahh ganun po ba. Kuya nyo po pala si Sir Raven." Sino daw?
"Sinong Raven?"
"Si Police General Raven Gabriel Gonzales. Sya yung kasama mo kanina. Police General sya dito sa Baguio diba?" Hmm ibig sabihin sikat pala sya dito ha.
"Ah hindi ko sya kuya. Kasama ko lang sya." Sabi ko. Mataas pala ranggo nya dito.
"Ahh oki akala ko kapatid mo sya. Pero ang alam ko na suspend sya nang tatlong buwan. Meron kasing kaso na pumalpak dahil sa kanya." Tumango na lang ako.
Maybe sometime pupunta ako sa bar na ito para makipag chikahan dito sa bartender na ito.
"Ah ganun ba. Kaybigan sya nang papa ko at sumama ako sa kanya para mag gala gala dito sa Baguio."
"Ahh dayo ka pala."
"No. I mean hindi naman. Taga rito ako pero sa manila kasi ako nag aaral so hindi ako mashadong pamilyar sa lugar dito sa Baguio."
"Ahh ganun ba."
"Yeah. My father have a farm here."
"Wag mo sabihin na si Mang Ray ang papa mo. Palagi yung kasama ni Sir Rayven dito."
"Ray Garcia?"
"Oum yung may ari nang Farm dun sa taas." May tinuro pero ndi ko na pinansin yun. Mataas na kasi yung lugar kung nasaan ang farm at bahay namin. Kumpara dito na nasa bayan at medyo mababa na.
"Yeah. Papa ko nga yun. So napunta pala sya dito?"
"Oum at palagi syang nalalasing tapos iuuwi sya ni Sir Raven." Okay that makes sense. Tumango tango na lang ako.
Close pala talaga sila ni papa. Pero bakit hindi ko sya kilala. At bakit parang hindi sya naikwento sakin ni papa. Nung last Vacation hindi ako umuwi dahil may summer class ako. Pero umuuwi naman ako at nag tatagal ako nang isang linggo dito pero wala talaga akong naalala na sinabi sakin ni papa about him.
Siguro busy sya o kakakilala pa lang nila last year. Yeah siguro nga ganun.
Ilang minuto pa at palasing na ako nang palasing. Nararamdaman ko na ang ikot nang paningin ko. Naka ilang shot na kasi ako siguro nga seven hard shot.
"Hey. Lasing kana?" Si kuya Gab na dumating na. Saan ba to nag punta?
"Uyy kuya. Saan ka galing? Ang tagal mo subra."
"Kaybigan ko yung may ari. Nag request ako kung pede ba sila ang mag supply nang alak sa debu mo. Bilin din yun sakin ni papa mo." Sabi nito. Okay kaya naman pala sya nawala.
"Ahh ganun ba."
"Oum ano uwi na tayo?"
"Hindi ka mag iinom?" Tanong ko.