CHAPTER15
Palubog na ang araw pero napaka dami pa din naliligo sa dagat. Dapat wala na dahil may cut off ang pag ligo dun dahil walang ilaw at mashadong delikado.
"Lucy hindi ba sabi ko sayo na paahunin mo na ang tao sa tubig." Wika ko sa secretary ko.
"Opo nga ma'am. Pero ayaw po kasi makinig nang mga lalakeng yun ang kukulit po nila." Sagot nito. Okay fine mukang wala kaming magagawa.
Bibihira naman ang aksedente pero syempre todo ingat pa din.
"Nga po pala ma'am Elizabeth napuno na po ang Villa ngayong hapon. May tatlong nag check-in." Ngumiti naman ako sa kanya.
"That's good. Asikasuhin nyo silang mabuti ha may bisita ako mamayang mga alas syete at ayaw ko na may mag rereklamo at tatawagin nyo ako." Utos ko dito.
Ilang beses na kasing may nag reklamo dahilsa mga staff ko.
"Okay po ma'am." Matapos nito umalis ay inayos ko muna ang mga papeles ko na ipapadala ko sa manila. May mga kaylangan akong asikasuhin para sa bibilhin kong beach resort sa Batangas. My attorney can handle this.
Ilang oras ang naka lipas at dumating na din ang hinihintay kong bisita.
"Ano mag buburo kana naman dito. Ayaw mo muna mag enjoy kaya ka tumatanda eh." Sabi nito akala mo naman sya.
"May mga inasikaso pa akong papeles ipapadala ko sayo kapag umuwi ka sa manila." Sagot ko dito.
"Kapal mo naman. Ikaw pumunta dun nag mumuka kanang papel dahil dyan sa ginagawa mo. Abay bisitahin mo naman si tito at nag tatampo na yun sayo." Bigla ko naalala isang taon na pala nang huli akong bumisita kay papa. Baka nga nag tatampo na yun sakin.
"Oum may plano naman ako pero baka next month pa. Medyo tagilid ang schedule ko. Ngayon pang mag papasko. Palaging kaming fully booked."
"Hmm sabi mo eh. Ito yung mga pinabili mong wine. Chaka nga pala sila Mira pala nag sabi sakin na gagamitin daw nila yung Barn mo sa Baguio para sa honeymoon nila nang asawa nya."
Oum nga pala isang buwan na nga lang pala at ikakasal na ang gaga na yun. Akalain mo nakapangasawa pa sya nang Indiano. Well hindi naman malabong mangyari yun.
Sa ibang bansa na sya nag aral nang college, umuwi lang after maka graduate.
"Sige lang. Oum nga pala kamusta ang kapatid mo diba nasugod sya sa hospital nung nakaraan?" Tanong ko dito. May kinukutingting ito sa kanyang bag.
"Maayos naman na sya. Mukang naka kain lang nang panis ang sabi naman ni Daddy okay na daw sya."
"Ahh, ganun ba."
"Oo. Tingnan mo ito bagay ba sakin ito?" Naka tapat sa katawan nito ang isang puting swim suit.
"Okay lang naman. Wag mo sabihin na mag s-swiming ka eh gabi na."
"Para bukas to. Wala naman si Nathan dito kaya free aki ngayon mag suot nito." Bumungisngis pa ito. Loka tong babae na ito.
"Akio napaka tigas talaga nang ulo mo. Para kang bata."
"Hayys Bakit ikaw ba nanay ko? Chaka kala mo ba hindi ko nalaman na ikaw ang nag sumbong kay Nathan dun sa ginawa ko nung nakaraan. Alam mo bang hindi nya ako kinausap."
Natatawa tuloy ako bigla. Mag kakasama kami nila Mira at Akio nun na pumunta sa Paris para mag gala kaso nalasing si Akio nun at kung ano anong kabaliwan ang ginawa. Andun na yung mag sayaw sa gitna nang karamihan nang tao.
Nasabi ko yun kay Nathan, hindi ko naman akalain na mag aaway pala sila.
"Tanda yun para hindi kana mag inom ulit." Sabi ko.