CHAPTER20.
Lumanghap ako nang malamig na hangin sabay buga din nun. Umiinom ako nang kape sa may balkonahe nang bahay ko. Ilang araw na din nang mapag desisyunan kong umuwi dito para mag pahinga muna sa panay trabaho. Kahit na ako ang may ari nun, nasanay ako na gumagawa ako.
Dun kasi nakakalimutan ko ang mga isipin ko. Naiipahinga ko yung utak ko sa pag iisip, yun nga lang pagod naman ang katawan.
After kong gumaling sa trangkaso ko umalis na ako. Ang alam ko nung isang araw pa sila umalis sa Palawan.
Hindi ko mapigilang mahiya sa kanya. Talagang seneryoso nya ang pag aalaga sakin. Lahat nang pweding gawin ginawan nya na.
Hindi nga ako nakapag pasalamat. Gabi kasi ako umalis sa Palawan, hindi kami nag kita, hindi tuloy ako nakapag pasalamat.
Alas nuebe na nang gabi at gising pa din ako. Wala naman akong magawa dito, pahinga lang talaga mag hapon. Kanina nag punta ano sa Farm para bisitahin ang nga tauhan dun.
Tulad nang palaging nangyayari, maayos naman ang lahat sa lugar na ito. Maayos padin ang mga pamunuhay sa lugar na ito. Sa totoo lang kaya ko din nagawang ipag patuloy ang Farm kahit wala na si papa, dahil sa mga tao na umaasa sa kanya at sa farm. Kapag ititigil ko ang farm ay baka mawalan sila nang trabaho.
At dito sa bahay may kinuha akong caretaker para dito. Gusto ko kasi kapag uuwi ako dito ay laging malinis. Ayaw kong i-let go ang bahay kasi andito ang alaala ni papa.
Hindi na masaya ang bahay na ito tulad nang dati, pero kahit ganun ginusto kong pumunta lagi dito. Gusto ko na binibisita ito. Kapag nagka anak ko dito kame titira, dito ako maninirahan hangang pag tanda ko.
Nilagok ko ang huling laman nang baso at aalis na sana nang may makita akong nag liwanag sa kabilang bintana. Sandali lang yung nag liwanag. Parang isang apoy, parang may nag sindi nang yosi dun.
Ang alam ko may nag caretaker din sa bahay na yun. Mula nang umalis sya dyan ay nakilala namin ang nag aalaga sa bahay. Pero bakit sya papasok sa kwartong yun para mag yosi.
Napaka dilim dun at wala akong maaninag. Para kasing naka ramdam ako nang kaba nang muling nakita ko ang apoy sa dulo nang isang stick. Tama ako may tao dun at nag yoyosi sya.
Kaagad naman akong pumasok at inilock ang pinto nang Balkonahe ko. Lumabas ako nang kwarto upang dalhin sa kusina ang ginamit kong baso.
Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko dun ang isa sa mga katulong. Mukang nag hahanda iti nang lulutuin para bukas.
"Ate Yolly may tao po ba sa kabilang bahay?" Tanong ko dito.
"Ahh opo ma'am. Sabi sakin ni Pedro dumating na daw po yung may ari nang bahay." Sagot nito. Tumango lang ako at itinagong kaba sa puso ko.
Nag paalam na ako at muling umakyat pero napatalon ako sa gulat nang pag pasok ko ay may humawak sa bibig ko. Madilim ang buong kwarto at hindi ko din sya makita.
Gusto ko sana sumigaw pero dahil nga hawak nya ang bibig ko ay hindi ko magawa. Naamoy ko ang hinga nito, amoy yosi at alak sa hininga nito. Hindi kaya-.
"Hello baby." Bulong nito. Halata ang pamamalat sa boses nito. Tinangal nito ang kamay sa bibig ko at para lang akong tinakasan nang sariling kaluluwa dahil naka tulala lang ako sa dilim.
Nang mag bukas ang ilaw ay saka lang ako huminga nang sunod sunod. Tiningnan ko lang ito nang masama. Naka sandal ito sa may pinto at naka ngisi.
Halatang lasing ito dahil mapupungay ang mga mata niti at napaka gulo nang buhok.
