CHAPTER18.
"The first year was so hard. Hindi ko alam kung saan mag sisimula. Gusto ko nang sumuko, but papa always telling me that i need to keep moving forward, dahil ako ang may gusto nito. Nag focus ako sa pag aaral, umaga at gabi akong nag aaral para mailihis ko ang utak ko sa isiping yun. Pero nasubrahan yata ako kasi isang araw nag collapse nalang ako, dahil daw yun sa kakulangan ko sa tulog at subrang pagod. Narealize ko na hindi ko pala matatakasan ang sakit.
I always keep looking back. Kahit masakit yun gusto ko pa din makita at maalala yun dahil dun lang kita nakikita. Para akong nakasakay sa barko na takot humakbang dahil pakiramadam ko malalaglag ako sa tubig.
Gusto kong ibalik ang dati kahit siguro puno yun nang pasakit makakaya kong labanan yun dahil kasama kita. Pero ang tanga ko din sa part na yun dahil ako ang nag paalis sayo, ako ang syang may gusto na mag hiwalay tayo nang landas.
Hindi ko kayang makita ka na masaya pero at the same time nalulungkot kapag kasama ako. Alam ko na sinisisi mo ang sarili mo dahil sa nangyari sakin. Bawat tingin mo sakin alam kung naaawa ka sakin, kaya i set you free."
Naka lubog na ang araw pero may kunting liwanag pa din ang nakikita. Malakas din ang hangin sa dalampasigan. Naka upo na din ito sa buhanginan, may ilang distansya lang ang layo sakin.
Bahagya ko itong nilingon, naka tingin lang ito sa dagat. Naka tanaw lang ito sa malayo. Yung kulay gray nyang buhok nililipad na nang hangin. May kahabaan kasi iyun.
Napansin ko din na mas lalo yatang lumaki ang katawan nya. Natawa na lang ako sa isiping nasaktan ko pala ang malaking mama na ito.
"Did you regret it?" Tanong nito. Ngumiti ako nang mapakla.
"No. Worth it naman diba?"
"Dahil pinilit ko, dahil yun ang sinabi mo." May inis sa boses nito.
Ang tanga ko sa point na ako yung nag sabi na kaylangan namin nang space para ayusin ang sarili namin tapos ako naman pala yung hindi maka gawa.
"I'm glad your okay. Masaya ako na nagawa mo. Hindi mo naman kaylangan gawin yung promise mo. Hindi na din ako umaasa dun." Yung promise nya hangang tatlong taon ko lang pinanghawakan.
Yung tatlong taon kasi umaasa ako na babalik na sya nuon. Baka kako okay na sya at kaya nya nang bumalik, pero walang bumalik kaya binitawan ko na lang.
Hindi ko akalain na aabutin nang sampung taon. Masakit pa din kapag naaalala ko kung paano ako mag hintay nuon at umiyak.
"Bago nawala si papa sinabihan nya ako na kapag nabuo ako hanapin daw kita. Nakakatawa lang kasi kahit sa huling hininga nya gusto nya akong maging masaya......... Kaya siguro lalo ako lumubog kasi nawala si papa. Nuon kasing nag sisimula ako palagi nya ako pinupush gawin lahat."
Ultimo pag kain ko nun sinusubuan ako ni papa dahil nga para na akong nabaliw. Para akong pinatay ulit nang oras na iyun. Wala na talaga akong pweding lapitan.
"I'm sorry kung hindi ko nalaman yun." Wika nito. Bakit sya mag sosorry? Wala naman syang kasalanan.
"Para saan naman? Si papa palagi nya akong sinasabihan na kaylangan kong tatagan ang loob ko kasi kung hindi babagsak ako. Palagi naman nangyayari na bumabagsak ako. Lubog na lubog na ako. Para na akong nauupos na kandila. Gusto ko na lang matulog habang buhay."
"Ngayon mo sabihin sakin kung tama ba ang pinili mong landas? Kung nasasaktan ako nun kaya ko ang sarili ko basta kasama kita..... Pero mas pinili mong paalisin ako."
Patuloy lang ang pag agus nang luha ko. Atleast you made it.
"Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung ano na bang nangyayari sayo. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko gawin ang gusto mo. Mahal na mahal kita kaya lahat nang sasabihin mo gagawin ko."
