CHAPTER11.
Nag paalam na ako kay Mister Morgan. Inihatid nya ako sa tapat nang building. Mabuti na lang at may nag magandang loob. Siguro andun pa din ako hangang ngayon kung wala si Mister Morgan.
"Sino yun?" Napa pitlang ako sa gulat nang may mag salita sa gilid ko.
"Anak ka nang--." Pero mas nagulat ako kung sino yun. " Kuya Gab!" Kaagad naman akong yumakap sa kanya. Namiss ko sya.
"Bakit ang tagal mo. Susunduin na sana kita pero nakita ko na bumaba ka sa cotse na yun. Sino yun?" May pagka inis sa boses nito.
"Si Mister Morgan. Nag magandang loob sya na isabay ako kasi wala nang taxi dumadaan. Nahirapan ako sumakay kaya ayun sumabay na din ako."
"Hmm lalake sya?"
"Ahh oo bakit?"
"Wala naman." Uyy may naiinis.
"Kelan kapa dumating?"
"Kagabi pa. Tara na." Hindi man nya sabihin alam kung naiinis. Pero ang cute ha.
Sumakay kami sa Elevator at hindi nya binibitawan ang mga kamay ko. Nasa may bandang likod ako at sya nasa harap. Naka suot ito nang itim na long sleeve. Medyo nanliit ako kasi malaki ang katawan nya. Isa pa dahil sa uniform na suot ko kaya lalo akong nanliit.
"Tingnan mo yung lalake. Napaka pogi nya. At napaka gentleman na kapatid." Bulong ba yun. Sana sinabi nya na lang. Napairap na lang ako.
"Oum nga eh. Hingin ko kaya ang number nya. Pero nakaka hiya. Dito din kaya sya naka tira."
Nag sisimula na akong mapikon nang bumukas ang elevator. Hinila na ako ni Kuya Gab palabas pero huminto ako sandali at nilingon ang mga babae.
"Hindi nya ako kapatid. Girlfriend nya ako." Sabi ko bago tumalikod at umalis.
Nakaka inis ha. Nag muka talaga akong bata. Naka rinig lang ako nang kunting tawa mula kay Kuya Gab pero hindi ko na yun pinansin. Binuksan ko kaagad ang pinto at padabog na pumasok.
Basta ko na lang binigsak ang bag ko sa sahig at pumunta sa loob nang kwarto para mag palit nang damit. Nag suot lang ako nang pants at over t-shirt.
Bakit ba kasi agaw attention sya sa iba. Bakit akala nila mag kuya kami. Hayy nakakainis talaga. Hindi ko naman mapigilan mainis. Kung pwedi lang patandain ko ang itsura ko at hindi mag mukang bata.
"Eli." Tawag yun mula sa labas nang pinto. Sinasabayan nya nang katok.
"What!?"
"C'mon baby labas kana dito."
Naiinis man ako ay lumabas ako nang kwarto. Sinalubong ako nang nangaasar na ngiti ni Kuya Gab. Kaasar talaga ha.
"Ano?" Tanong ko sa pag mumuka nya.
"Wag kana mag selos." Sabi nito. Nanlaki naman ang nata ko. What! Ako nag seselos. Luhh.
Nag seselos nga kaya ako. Ganito pala pakiramadam nuon. Para akong naiinis na nayayamot na gusto ko hilahin ang dila sa kung sino man ang nag sabi na mag kuya lang kami.
"H-hindi ako nag seselos." Giit ko. Nag tungo ako sa kusina para tumingin nang maluluto pero sinundan nya ako.
"Eh bakit parang naiinis ka nung sinabi ni na magkapatid tayo?" Deny pa Eli.
Kinuha ko ang karneng baka sa ref yun na lang siguro ang lulutuin ko.
"No. I'm not. I'm just disgusting what they said." Dun na naman sya humalakhak.
Wait lang. Hindi ko pa natanong kung kamusta sya ah. Ano kayang nangyari sa kanya. Mukang medyo okay na sya o kaya tinatago nya ang nararamdaman nya.
"You don't have to jealous Eli. Your the one that i love." Sabi nya.