Chapter17

3 0 0
                                    

CHAPTER17.

Nagising ako dahil sa ingay at kalabugan sa labas nang pinto. Ano bang nangyayari, parang sisirain na nila ang pinto ah.

"Sir! Teka lang po! Pwedi nyo naman po maka usap si Ma'am nang maayos." Boses yun ng mga staff ko.

Binuksan ko kaagad ang pinto para makita kung sino yun. "Ma'am Eli, si sir Nathan po kasi eh kanina pa po sya dito hinahanap kayo."

"What is wrong with you Nathan?" Tanong ko dito. Halos maiyak na ito habang nang buksan ko ang pinto.

"Eli, Help me please. Si Akio." Namumutla ang muka nito at takot na takot.

"Anong nangyari kay Akio?" Tila inakyat nang takot ang katawan ko.

Isang linggo na mula nung huling mag punta si Akio dito. Ano na naman bang ginawa nya.

"Papunta kami dito pero naaksedente yung cotse namin. Kritikal sya at ang baby namin." Wika nito. Parang pinik ang ulo ko.

No! Not this time please.

"Nasaan sya?" Nangangatal ang mga kamay ko.

"Sa bayan may maliit na hospital dun. Kaylangan ko syang madala agad sa manila. Kaylangan ko ang tulong mo."

"Okay calm down tatawagan ko agad yung piloto nang chopper." Tatakbo na ako pabalik sa kwarto at tinawagan ang piloto nang aking private chopper.

Habang kinakausap ito at nag palit na din ako nang damit. Inayos ko lang ang sarili ko at lumabas din kaagad.

"Papunta na sila tara na bumalik sa hospital." Sabi ko kay Nathan. Lakad takbo na ang ginawa namin ni Nathan. Dinaan ko muna si Lucy sa Counter area at nagulantang pa ako kasi andun sila Ate Daine kausap si Lucy. All of them are here. Pero parang wala akong panahon makipag usap sa kanila. "Lucy ikaw na muna ang bahala dito, may emergency lang ako. And please kapag may gulo tumawag ka kaagad nang police." Bilin ko dito. Hihingal hingal pa ako.

"Saan po kayo pupunta?"

"Sa Hospital. Sige na ikaw na ang bahala aalis na kami." Mabilis akong umalis sa lugar na yun. Ramdam ko ang tingin nila sakin.

All i want to see is Akio. Gusto ko malaman kung anong lagay nya. Gusto ko sya makita.

Nanginginig ang mga kamay ko. Kalahating oras ang tinagal bago kami makarating sa bayan. Maliit lang talaga ang hospital dito.



"Susunod ako kapag naayos ko ang mga kaylangan, okay? Ingatan mo si Akio Nathan." Bilin ko kay Nathan naka sakay na ang stretcher sa chopper. Awang awa ako kay Akio dahil naka benda na ang ulo nito at may naka kabit ding dextrose dito.

Not again please. Hindi ko na kakayanin pa kung pati si Akio mawawala pa sakin. Isa na lang sya sa meron ako. Kahit ngayon lang please pag bigyan mo naman ako.

Kaawaan mo naman ako. Nag suffer din naman ako. Ginusto ko lang naman sya maging malayo. Masama bang yun. Makasarili ba ang tawag dun para gantihan ako nang langit nang ganito.

Umiiyak ako habang nag lalakad sa ulanan. Andito na naman ako, nasasaktan at unti unti na namang nadudurog.

Naalala ko na kapag pakiramadam ko gusto ko na kumawala sa lahat nag lalakad lang ako pero biglang bubuhos ang malakas na ulan na tila nakikisabahay sakin kasakitan.

Bakit?

Gusto ko na sumaya! Nahanap ko na yung sarili ko! Pero hindi pa din ako masaya! Why?

Dumating ako sa villa na parang basang sisiw. May iilang tao dun pero hindi ko na sila pinansin nag lakad lang ako papunta sa may office pero nagulat ako nang may mga bisita pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Neighbor Window Where stories live. Discover now