Chapter14

3 0 0
                                    

CHAPTER14

Panay ang tingin ko sa pinto nang isang Restaurant kapag may papasok. Ilang oras na akong nang hihintay dito pero wala pa din sya.

Kinakabahan din ako. Tama ba ito. Tama bang makipag kita ako sa kanya. Pero gusto ko lang syang maka usap. Naka tulala lang ako sa lamesa nang may umupo sa harap ko na naka itim na hoodie. Bigla akong binalot nang takot na mapag tanto na sya na nga ito.

Hindi ko alam kung ano ang muka nya. Pero sa postura nito alam kung sya na ito.

Nung isang araw naka tangap ako nang tawag mula sa kanya at pinag babantaan nya na naman ako pero sabi ko gusto ko sya maka usap.

Pero hindi ako tanga para makipag kita sa kanya sa tagong lugar, baka bigla nya na lang ako patayin.

"Akio right?" Tanong ko.

"Long time no see little brat." Nanindig ang balahibo ko nang mag salita ito. Medyo may kalakihan ang boses nito.

"Hindi kita naalala Akio."

"Anong pumasok sa utak mo at nakipag kita ka sakin. Are you out of your mind?" Hindi nya tinatangal ang hood nya kaya hindi ko makita ang muka nya pero alam kong naka ngisi sya dahil sa pag kakasalita nya.

"Hindi pa naman ako nababaliw baka ikaw oo, matagal na."

"Oo matagal na nga akong baliw. Dahil yun kay Raven, Binabaliw nya ako." Tila naman naalibadbaran ako sa sinabi nya.

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko at isang malakas na tawa nito ang nagpa kabog sa dibdib ko.

Ramdam ko ang pagka delikado nya. Nararamdaman ko ang isang takot na hindi ordinaryo. Siguro dahil alam ko na masama sya.

"What a stupid kid. Let me tell you what i want.... I want my Raven back. Gusto ko na bumalik sya sakin."

"Kung ganon ang selfish mo pala." Inalis ko ang takot sa katawan ko at nandigan para saking nais gawin.

"Oo selfish ako. Ganon ko sya kamahal! Ikaw ba?! Gaano mo sya kamahal?! Hindi mo mapapantayan ang pag mamahal ko para sa kanya! Kaya ko gawin lahat para sa kanya!" Sigaw nito. Naging magalaw ito kaya naman natangal ang hood nito. Dun ko lang nakita ang muka nya.

Bakas sa muka nito ang subrang galit. Yung mga mata nya na bilugan at labi nyang halos mawalan na nang kulay sa putla. Yung buhok nya na parang gupit nang lalake. Mukang napaka mesereble nya talaga. Bigla akong nakaramdam nang awa para sa kanya.

"Wag mong kekwestyonin ang pag mamahal ko para kay Raven dahil kaya ko pumatay para sa kanya." Galit na sabi nito.

Napa yuko na lang ako. Oum nga hindi ko kayang gawin yun para kay Kuya Gab. Wala akong kayang gawin para sa kanya.

Napa luha na lang ako sa mga napag tanto ko. Siguro nga walang kwenta ang pag mamahal ko para sa kanya.

"Tama ka..... Wala akong kayang gawin. Pero hindi ko magagawang pumatay para sa kanya. Hindi ako selfish Akio. Kaya kung mag tiis kaya kong maging masaya para sa kanya at kung saan sya sasaya."

"Ano?" Takang tanong nito.

"Hindi kana nya mahal Akio, tangapin mo na yun. Palayain mo sya Akio yun ang totoong pag mamahal. Oo mahal mo sya pero sana tanungin mo ang sarili mo kung worth it ba lahat nang ginagawa mo."

"Wala kang alam! Papatayin talaga kita!" Sigaw nito.

"Sige. Patayin mo ako, pero sa tingin mo ba kapag napatay mo ako at nawala ako sa landas mo babalik sya sayo? Hindi, hindi Akio. Hindi ka nya babalikan. Kasusuklaman ka nya at baka mapatay ka nya." Sabi ko dito.

Neighbor Window Where stories live. Discover now