CAPITULO 41 - His Person
BUMAGSAK ANG PINTO PASARA. Bumitiw si El sa pagkakahawak sa aking leeg. Ang maamo niyang ekspresyon ay nabahiran ng pag-aalala. "Did that hurt, Kena?"
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Nanginginig na tumayo ako habang hinihimas ang aking leeg na sinakal niya. Naroon pa ang kirot nang pagdiin ng mga kuko niya sa balat ko kanina.
"Kena?!" sigaw ni Kit mula sa labas na nagpalingon sa akin doon. Naalerto marahil dahil sa biglang paglagabog ng pinto.
Pagbalik ng paningin ko kay El ay nakaupo pa rin siya sa kanyang kama. Ang maamong mukha ay payapa. "Choose, Kena. Would you like to stay here with me... o lalabasin mo ang kabit mo?"
Tumulo ang mga luha ko. Kahit mukha pa ni El ang nakikita ko at boses ni El ang naririnig ko, hindi ko na kukunsintihin pa ang aking sarili na magkasya sa hindi naman totoo.
"Kena, bakit hindi mabuksan ang pinto?!" sigaw nang sigaw si Kit mula sa labas, pinipilit niyang buksan ang pinto pero nakakandado rito sa loob.
"Anong nangyayari?!" Boses iyon ni Mrs. Gemma Salgado mula sa labas ng pinto. Nakita ko na ilang ulit nagtangka na may pumihit ng seradura mula sa labas. "Bakit nakasarado ang pinto?!" Kasunod niyon ay mga katok.
"Hindi ko po alam. Bigla na lang bumagsak pasara ang pinto kanina. Nasa loob pa ang GF ko."
"Mita!" Sumigaw si Mrs. Salgado. "Ang duplicate key! Dalhin mo rito, dalian mo! Baka kung ano na ang nangyayari kay Gabriel!"
Bago ko puntahan ang pinto ay aking itinapat sa harapan ni El ang aking middle finger. Inosente lang naman siya sa aking nakatingin.
Naglakad ako papunta sa pinto nang bigla na lang bumigat ang katawan ko. Ang bagal ng aking paghakbang. Di bale, malapit lang naman ang pinto. Anim na hakbang lang.
Malapit lang. Kaya ko iyon. Saglit lang iyon. Tapos, pipihitin ko na ang seradura para maalis ang pagkaka-lock. Ganoon lang. Madali lang.
Kada hakbang ko papunta sa pinto ay lumilingon ako kay El. Ayoko na malingat ng matagal. Kahit nakaupo lang kasi siya, kahit inosente pa ang bukas ng payapa niyang mukha, malinaw na ngayon na hindi dapat sa kanya magtiwala.
Ito na... Malapit na ako sa pinto... Apat na hakbang na lang pala...
Lumingon ako. Ganoon pa rin si El. Walang pinagbago ang inosenteng maamong mukha.
Okay, malapit na talaga... Tatlong hakbang...
Lumingon ulit ako. Nakaupo pa rin si El sa kama.
Dalawang hakbang na lang...
Apat na hakbang...
BINABASA MO ANG
Beware of the Class President
TerrorFLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente na sanhi ng pagka-coma nito. Nang gumaling at magbalik-eskwela ay tila ba ibang tao na. Pero para ka...
