Date With The Arrogant: Chapter One

57.4K 405 56
                                    

“OMY! Nakita mo ba un Laine? My God. I’m gonna faint! He’s so strikingly handsome, so interplanetary hot at napakacool nya!”

Haay. Sinasaniban na naman ng napakalanding espiritu ang aking malanding bestfriend na si Chix. I just rolled my eyes. Sanay na ko na ganyan sya palagi. Everytime na makakakita ng lalaking gwapo, lumalaglag ang panty, nagkakaroon ng kislap ang mga mata at tumutulo ang laway.

“Chix ano ka ba naman, pang-ilang lalaki na ba yang dinedescribe mo ah. Ganun ba kagwapo ang mga lalaki dito at minu-minuto na lang na puro ganyan ang sinasabi mo.” I said as I sip my iced tea. Break kasi namin at nandito kami ngayon sa cafeteria.

“KJ ka talaga kahit kailan noh? But seriously Laine, sobrang gwapo talaga nya. Kamuka nya si Hyun Bin!”

OMYGOD! Si Hyun Bin? As in si Kim Joo Won ng Secret Garden? At si Cyrus ng My Name Is Kim Sam Soon? Did I hear it right? Kamuka daw ni Hyun Bin? Hyun Bin? Hyun Bin?

“HYUN BIN? Ang mahal kong si Hyun Bin?! Waaaaahhh. Asan sya Chix? Sabihin mooooooo! Sabihin mooooo!” Sabi ko habang niyuyugyog ko ang balikat nya. Kailangan ko talagang makita ang Filipino version ni Hyun Bin!

“Te-teka naman Laine. Nasasaktan ako.” Reklamo ni Chix.

“Ah sorry. Nadala lang ako ng hormones ko.” Sabi ko sakanya tsaka ko sya binitawan.

“Sipain kita dyan eh. Ang sama mong bestfriend. Grabe, ang lakas talaga ng tama mo sa Koreanong un. Kahit Filipino version, susunggaban mo talaga noh?”

“Naman bes, alam ko namang kahit kailan di mapapasakin si Hyun Bin. Kasi naman, magkalayo kami tapos kasing ganda ba naman ni Song Hye Kyo ung naging ex nya diba? Ano na lang panama ko dun kung magkita kami diba? Tsaka sobrang sikat pa sya, madami akong kaagaw pag nagkataon.” I sighed. (A/N: Song Hye Kyo – the girl in Endless Love and Full House.)

“Tama na nga yang drama mo, napakabaduy mo. Buti na lang di ako nagmana sayo” Sabay irap nya.

“STFU! Hahaha. Tama na nga yang paligoy ligoy mo. Asan ba kasi si Filipino Hyun Bin?”

“Wala na sya eh. Umalis na sya dito kasama ung mga hot friends nya. Actually, habang nagdadrama ka jan, palabas na sila ng cafeteria.”

“WHAT? Bat di mo sinabi agad! Ahhhhhhh! Kainis ka naman Chix eh. Hmppp! Haaayyyyy. Sa laki ng school natin, makikita ko pa ba sya? Ayyyy nakakaasar ka talaga!”

Haaayy. Sayang talaga! Nakakainis talaga tong bestfriend ko kahit kelan. T.T

“Eh pano naman kasi nagmomonologue ka pa kanina. Feeling mo naman kasi artista ka.”

Ang sama talaga nya. Ba’t ko ba sya nagging bestfriend?

“Chix naman eh!”

“O sige na nga, habulin natin sila. Baka maabutan pa natin kasi medyo kaalis pa lang naman nila eh.”

“YAY sige sige. Tara na! Bilisan mo Chix baka di natin sila makita! Bilisss! Go Go!” I said as I packed my things. Hinila ko na din si Chix para maabutan ko si Hyun Bin look-alike.

Tumakbo na kami ni Chix hoping na makita namin sya. I really wanna see him. Really. Sana lang totoo tong sinasabi ng bestfriend ko na kamuka nga sya ng ultimate crush ko.

“Teka, ano bang suot nya Chix? Para mas madali natin syang makita. Nakasparkling tracksuit ba sya? Ano?”

“Sira ka talaga. Sparkling tracksuit ka dyan? Hahahah. Basta nakablue shirt sya.”

Blue? Hindi kaya destiny na ito? Favorite color ko ang blue. )

Inabot na kaming 30 minutes pero wala pa din kaming nakikita kahit anino ng isang gwapong nakablue shirt. Pawis na din kami ni Chix kakatakbo at dahil na din sa sobrang sikat ng araw. Oh no. Hindi ako pwedeng sumuko! Kailangan ko syang makita!”

“Laine. Pagod na ko.” Sabi ni Chix habang nakahawak sa chest nya at humihingal. “Mamaya na lang natin sya hanapin. Pagod na ko. Di ko na kaya. Ang init init pa oh. Tsaka malapit na din ung klase ko.”

Oo nga pala. May kanya kanya pa pala kaming klase. Di naman ako pwedeng umabsent dun dahil first day pa lang naman ng klase. Siguro naman kung talagang tinadhana kaming magkita ni Mr.Blue-slash-Filipino Hyun Bin, makikita at makikita ko sya, diba?

“Haayy o sige na nga. Basta pag nkita mo ulit sya Chix, text mo ko ha? Wag mo na syang pawawalain sa paningin mo ha?”

“Haaayy naku Laine. You’re hopeless. Oh sige na, malapit na ung next subject ko. Bye na” She gave me a peck on my cheek.

“Okay. Bye.”

Pumunta na ko sa klase ko kahit medyo mabigat pa ang dibdib ko dahil nga hindi ko sya nakita. Kailangan ko pang maglakad ng medyo mahaba haba dahil napalayo ako dahil sa kakahanap namin kay Mr.Blue-slash-Filipino Hyun Bin. Ano kayang panagalan nya? Masyado naman kasing mahaba kung Mr.Blue-slash-Filipino Hyun Bin ang itatawag ko sa kanya. O sige na nga Mr.Right na lang para mas maikli.

After a decade, narating ko din ang room ko. Mangilan-ngilan pa lang ang tao sa room. Medyo maaga pa din pala. Umupo ako sa dulo ng room. Since first day lang naman, wala pa kong kakilala. Loner muna ko ngayon. Nakinig na lang ako ng music habang naghihintay ng teacher.

Medyo madami na ding pumapasok sa room. Tahimik nga eh. Sabagay, first day pa lang naman. Wala pang masyadong magkakakilala. Di nagtagal, dumating na din yung professor namin. Uh oh. Bading. Mukang terror na bading ang Prof namin.

Nagdisscuss lang sya ng mga rules and regulations.

“And lastly, pinaka ayoko ang nalelate sa klase ko. Kung di kayo susunod sa rules ko, the door would be widely open. Understand? And before we start our class, introduce yourselves first.”

Ayy nakoooo. Eto na naman ung boring na introduce yourselves.

“I’m Allaine Santos, 18 years old. Blah blah blah.” After I introduced myself, bumalik na ko sa upuan ko. Ako ung last na nagintroduce since ako ung nasa pinakadulo ng room. Paupo pa lang ako sa upuan ko nang biglang may nagbukas ng pinto. Ang lakas ng pagkakabukas nya kaya nagulat din yung Prof namin. Grabe, ang yabang naman nun.

My jaw dropped when I saw the man entering the room. OH. MY. GOD.

Strikingly handsome.

Interplanetary hot.

Blue shirt.

Hyun Bin.

My Prof was also stunned when he saw him. As in. His mouth’s open. And finally, he spoke. “You’re 30 minutes late. I won’t allow that in my class. Pero dahil first day naman, I’ll give you a chance. Be sure not to be late next time, okay?”

Kunwari pa tong Prof namin, siguro kung hindi ganyan kagwapo yung nalate. Baka malamang eh hindi na papasukin sa classroom. Tss. Ang ingay pati ng mga classmates kong babae, mga kinikilig din.

“Yes, Sir.”

Gosh! Pati yung boses nya, nakakakilig. His voice is really manly. And hot. Oh no. Nahahawa na ko kay Chix ng kalanturan.

“Okay. Introduce yourself first.” Si Prof na parang medyo kinikilig kilig pa. Bruhang to, aagawan pa yata ako.

Ano kayang pangalan nya? My goodness. Nalove at first sight ata ako. I stare dreamily at him. Kung ganito ba naman kagwapo ang tititigan ko, kahit mabulag ako sa pagtitig sa kanya, ayos lang sakin.

“I’m---“

“Kilala na kita. Ikaw ang Mr. Right ko.”

Natahimik bigla ang klase.

Huh? Nakatingin sila sakin. Bakit kaya?

“Mr. Right?” Tanong ng isa kong classmate na babae.

OH NO! Patay! Did I just say that out loud? Waaahhhhh. Nakakahiya. Stupid me! Die Allaine. Die.

He looks at me with a big smirk on his face.

While I wanna die in humiliation right now.

Date With The ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon