Date With The Arrogant: Chapter 21

9.8K 114 14
                                    

“Guys, be ready on Friday. We’ll be gone for three days.”

Napatigil kaming lahat sa pag-kain ng sandamukal na butong pakwan nang magsalita si Hiro. Lahat kami clueless kung ano ung mga pinag-sasasabi nya. Hininaan ko ung volume ng TV para mag-kaintindihan kaming lahat.

“Anong sinasabi mo dyan Hiro? Bangag ka ba?” Nagtatakang tanong ni Martin kay Hiro habang tinitingnan nya ito na para bang may sumaping kaluluwa dito.

Tumingin samin si Hiro, yung tipong tingin na nanghihingi ng favor. Pagkaraan ay nagsalita say, “Guys, please. Sumama kayo. My granny wants me to visit her in our hometown. Hindi naman pwedeng hindi ako pumunta, magtatampo sakin ung lola kong yun.”

“And so? Bakit kelangan kasama pa kami?” Nakakunot na tanong ko sa kanya.

Sumalampak ng upo si Hiro sa couch. Mukang malungkot yung itsura nya. Hindi ko alam kung anong drama nito sa buhay.

“My granny still treats me as if I’m the same little kid she used to take care of. Lagi nya pa ding kinukurot ung pisngi ko pag nakikita ako. Lagi nya pa din akong pinagsasabihan na kumain ng gulay. Lagi nya kong pinanggigigilan ng halik. Torture, guys! Torture!” He sighed. Hindi ko alam kung hahagalpak ba ko ng tawa sa reaksyon na yun ni Hiro na para bang napakalaki ng problema nya. “Kaya guys, samahan nyo ko, please?” Parang bata nyang sabi samin.


“Oo nga naman guys. Samahan na natin ang sweetcake ko.” Si Chix. I rolled my eyes. Minsan gusto kong balatan ng buhay tong bespren ko na to eh. Napakacheesy nila! YAK!

“Saan ba ung hometown nyo?” Tanong ko.

“Davao.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Sa Davao? Eh dulo na ng Pilipinas un ah? Tapos inaaya nya kami na parang mag-mamall lang sa North Edsa. Nakakatol yata tong lalaking to eh.

“Dude. Are you serious?” Manghang tanong ni Martin.

“I’m dead serious Pare.” Seryosong sagot ni Hiro.

“Teka lang Hiro, di ko pa din magets eh. Ano naman magiging role namin if ever na sumama kami sayo?” Nagtatakang tanong ko.

Tiningnan nya kami na para bang sa amin nakasalalay ang buhay nya. “In that way, hindi ako masyadong pagdidiskitahan ng lola ko. Tsaka, boring kasi dun eh. Kaya kailangan ko ng kasama.” He pouted his lips. Daahhh talaga tong si Hiro. Ang cute ng reaksyon nya, parang bata. Kaya naman bagay sila ni Chix eh, parang parehas na hindi gaanong nadevelop ang utak nila. Bwahahah.

“Eh pano pag ayaw namin?” Tanong ni Martin.

Hiro smiled evily. “Hindi pwede. Nakabook na ung flight natin.” Nice. As if may choice kaming humindi diba? Hahaha. Kinuha nya ung bag nya tapos may kinuha sya sa loob nun. “Tadaah! Our tickets!” Nakangiti nyang sabi.

“Adik ka talaga Dude.” Sabi ni Martin na umiiling na tila nag-iisip, pero pagkaraan, lumuwag ung ngiti nya. “Okay, since libre mo naman, tara! Game ako dyan!” He said smiling.

“Me too!” Chix exclaimed as she claps her hands. “Cool! I’m so excited!”

“Okay. I’m in!” I said excitedly. Mukang magiging masaya naman eh. It’s an opportunity for all of us to rest and relax since kakatapos lang ng Festive week.

“Nasaan nga pala si Donna?” Maya-maya’y tanong ni Hiro. I looked at Martin’s reaction. I can’t explain kung ano ang sinasabi ng mga mata nya, but it’s obvious that he’s affected after hearing Donna’s name. Napailing na lang ako. Pag-ibig nga naman, masyadong komplikado.

“Donna’s busy with her I-don’t-know-what-that-is project.” Chix answered. “But I’m sure she’ll go. Diba noh Martin?”

“Tss. Gusto mong makakita ng stars Chix?”

“Hahaha. Joke lang dude!” Tatawa-tawang sabi ni Chix. Mukang nakikipag-biruan lang din naman si Martin eh. Nakuu ganyan naman yung mga yan eh, panay ang asaran. Katulad na lang ngayon, para na naman silang batang nagbabatuhan ng balat ng butong pakwan. Lalo na si Hiro at Martin, grabe ung dalawang un kung mag-harutan. Ako lang yata ang normal sa barkadahang to eh. Wahahaha.

“Anong meron guys?” Natigil lang mag-asaran yung tatlo nang may dumating. Si Bessie.

“Oh dude? Where have you been? Bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Martin habang sakal sakal nya si Hiro. Aww, poor Hiro.

“Traffic eh.” Simpleng sagot nya.

“Hi Bessie.” Nakangiti kong bati sa kanya.

“Hey Ally.” He said messing with my hair.

“Bessie naman eh. Di na nga ako nagsuklay, ginulo mo pa ung buhok ko.”

My relationship with Bessie is still the same as before. Yung ganito, nagkukulitan at nagtatawanan. Hindi na siguro magbabago un. He’s my best friend, and my big brother. Regarding what I heard that night, I decided to just erase it in my memories and pretend like I didn’t hear anything. I know that ignoring would be the best remedy---or should I say--- the only and best solution at this point.

Deadma na lang. Sa totoo lang, ayoko na ding isipin pa talaga ang mga narinig kong un, that time when Bessie mentioned that he likes me. Of course he likes me! I’m his best friend! Iyon ang laging isinasaksak ko sa utak ko. Bessie likes me because I’m his best friend, no more no less. Things will be much better if we’ll just keep it that way.

“What’s with this meeting all about by the way?” Bessie asked as he sits on the couch.

Hiro was the one who invited us here in his condo, and it turned out na kaya naman pala nya kami ininvite eh dahil nga gusto nyang samahan namin sya sa hometown nila. It’s only 10 in the morning. Ang aga noh? We all decided that we’ll just spend the whole day here since it’s Sunday.

“We’re going in Davao on Friday.” Said Chix casually.

“Huh? Why?” Kunot-noong tanong ni Bessie.

“Ask Hiro.” Martin said.

Then Hiro discussed with his plans again, as in, from the start, wala syang pinalampas kahit na maliit na detalye.

Tumango-tango lang si Bessie pagkatapos ay binalingan nya ko. “Ikaw Laine? Sasama ka?” Tanong nya sakin.

I smiled brightly at him. “Of course Bessie!”

“Hmm, edi sige. I’m in!” He said then pinches my cheeks. Kapag talaga kasama ko si Bessie, hindi mawawala ang phrase na messing my hair, at pinching my nose and cheeks. Hahaha. Grabe. I feel like a human stuff toy dito sa gingawa nya sakin.

“By the way, where’s Finn?” Maya-maya’y tanong ni Martin. I looked at Bessie to see his reaction. He and Finn are seemed to be okay now. Nakikita ko namang nag-uusap na sila, usually about guys’ stuffs like sports, music and such. Buti nga okay na sila eh. Mukang kailangan lang talaga nilang mag-sigawan noon para mailabas ung nararamdaman nila.

As if on cue, the door propped open. There stood that man who happens to be the reason why I am not having a good night sleep everyday. That man who can make my world turn upside down in just a jiffy. That bipolar man…

Since that night, when he asked the question that disturbed my whole system, it made me believe that somehow silence really means yes. I didn’t utter a word when he threw that question to me. I was just staring at him as he gazed at the sky filled with those bright stars that seem to shimmer only for the two of us.

Simula nga nang gabing yun, napagdesisyunan kong pagbigyan ang sarili ko at sya sa hinihingi nyang pabor. Malinaw sakin na malabo pa din ang lahat. Magulo ba? Siguro ganyan ko na lang muna ilalarawan ang lahat. Nalilito pa din ako kay Finn. Nalilito pa din ako sa pabago-bago nyang mga sinasabi at sa ikinikilos nya. Pero napag-isip isip ko, okay na din siguro to. Baka kasi pag luminaw pa ang lahat, lalo lang mas maging komplikado. Katulad nga ng sinabi niya nang gabing yun, hindi na ko nagtanong. Hinayaan ko na lang na ganito ung sitwasyon namin, magulo at walang linaw. Ganito nga pala talaga ang pag-ibig, nakakabobo.

Pero sa ngayon, kuntento na ko. Kuntento na kong nakikita sya. Kuntento na kong nakakausap sya kahit lagi nya pa din akong inaasar. Pinipilit kong ibalik ang dating Laine. Yung madaldal at makulit na si Laine. Kapag nakakausap ko sya, pinipilit kong kumilos ng normal at natural kahit pa ang totoo, pakiramdam ko bigla na lang magwawala ang puso ko sa di-maipaliwanag na emosyong nararamdaman ko.

Naisip ko din, saka na lang ako mamomroblema. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa kahit anong mangyari. Iyan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Hindi ako umaasa nang sa gayon, hindi din ako gaanong masaktan kapag hindi nangyari ang bagay na inaasahan ko diba? Ang mahalaga, masaya ko na nandyan sya.

“Psychopath, are you going?”

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang magsalita sya. “Huh?” Nagtataka kong tanong sa kanya dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang sinasabi nya.

“Dummy. I’m asking if you’re in with that monkey’s plan.” Sabi nyang tinuturo si Hiro.

“I hate you Papsi Finn.” Sabi ni Hiro na kunwa’y nagtatampo. Finn just smirked at him.

“To Davao? Yes, I’ll definitely go for it!” I said smiling from ear to ear.

Finn then nodded. “Hmm, okay then.” He turned to look at Hiro. “Count me in dude.”

Gulat akong napatingin sa kanya. Why does he need to know my decision first before he agrees on Hiro’s plan? Tsk tsk. Ewan ko ba dito. Mahirap talaga basahin ang takbo ng utak nitong si Finn.

“Why are you looking at me like that, Psychopath?” He asked as he shrugged his shoulders.

“Tss. Ewan ko sayo bipolar.” I rolled my eyes. He just looked at me fiercely.

“Ally, do you want pizza?” Biglang tanong sakin ni Bessie.

Napangiti ako pagkarinig ko ng tanong ni Bessie. “Yes, Bessie. I want pizza!”

“Okay then, let’s buy.” Yaya nya sakin.

“Okay.” I stood up from my seat para samahan si Bessie bumili. Feeling ko kasi ang kapal na ng dila ko sa butong pakwan na napagtripan naming bilin ni Chix. Hahaha. Naalala ko tuloy nung high school ako, ginagawa naming lunch ang butong pakwan kaya laging makalat sa classroom namin.

“Ivan, Laine. Damay na din kayo ng madaming-madami pang foods.” Request ni Martin habang paalis kami.

“Okay Paps, saglit lang kami.”

---

“So Ally. Ok ka na ba?” Tanong ni Bessie sakin habang hinihintay ung inorder naming pizza. Nasa harap kami ngayon ng take-out counter ng Pizza Hut.

Napakunot ang noo ko sa tanong nya. “Ako Bessie? Okay naman talaga ko ah.”

“Are you sure?” Tanong nya ulit. “Okay ka na talaga?”

Naguguluhan na ko kay Bessie, ano bang ibig nyang sabihin? “You’re confusing me Bessie. What exactly do you mean by that?”

He looked at me seriously. “Last time, during the last night of the Festive Week, I clearly saw pain in your eyes. You were sad.”

Nagulat ako sa sinabi nya. Alam kaya nyang narinig ko ang lahat? Tiningnan ko sya. “Anong sad sinasabi mo dyan Bessie?” Tumawa ako ng mahina. “Wala un noh. Gusto ko lang talagang umuwi nung mga oras na un.”

“Kilala na kita Ally. Alam ko kapag masaya ka at alam ko din kapag malungkot ka.” Seryoso ang mga mata nyang nakatitig pa din sa akin.

Natuwa naman ako sa mga sinabi nya. Kilala nya na talaga ko. Nginitian ko sya pagkatapos ay kinurot ko ang mga pisngi nya at pinanggigilan ko iyon. “Ikaw talaga Bessie. Ang cute cute mo!”

Tumawa sya ng mahina tapos ay seryoso na naman syang tumingin sa akin. “Ally, basta kapag may problema ka, remember that I’m always here for you. If you want to share your thoughts either the happy or sad ones, I am always ready to listen. If you feel like crying, my shoulders are always ready for you to lean on. Okay?”

I smiled at him again. “Thank you Bessie. Thank you so much.”

Bessie just smiled back at me. When we got our order, we decided to buy more foods in the supermarket. I’m pretty sure, puro chichirya na naman ang bibilin namin. ‘Yun ang isa sa mga nalaman ko sa ChocoPaps, napakahilig nila sa junk food.

“Ally, wait for me here. I’m just going to get some drinks.” Maya-maya’y sabi ni Bessie.

Tinanguan ko lang sya. Naglakad lakad at tumingin tingin pa ko ng mga junk foods na nakadisplay doon hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang Piattos Roast Beef na favorite ko.

“Akala ko ba saglit lang kayo?”

“Ayy shet ng kabayo.” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat at nabitawan ko ang Piattos na inaabot ko. Tumingin ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita syang nakasandal sa may istante habang nakahalukipkip ang mga kamay.

“Finn? Nakakagulat ka naman.” Sabi ko habang sapo-sapo ko pa din ang dibdib ko. “Bakit nandito ka?”

“Bakit? Binili mo na ba tong supermarket? Bawal na ba kong bumili ngayon dito?” Maangas nyang sagot.

I rolled my eyes. Ano pa nga bang aasahan mong matinong sagot mula sa bipolar na to? Tss. “Sabi ko na nga ba, dapat hindi na lang ako nagtanong.”

“Tss. Dummy talaga. So bakit nga ang tagal nyo?” Tila naiinip nyang tanong sakin.

Tiningnan ko ang wristwatch ko. “Mag-tetwelve pa lang naman ah?”

“Umalis kayo ng 10:30. Dapat by 11, bumalik na kayo.” He said with a hint of authority in his voice.

Kumunot ang noo kong tumingin sa kanya. Minsan talaga, parang bata tong si Finn. Ibang klase talaga gumana utak nitong lalaking to.

“So sinundan mo kami?” Tanong ko sa kanya.

“Bakit ko naman kayo susundan? Asa ka naman Psychopath.” He grumbled.

“Eh bakit ka nga nandito?”

“Eh kasi---“ Sasagot na sana sya nang biglang dumating si Bessie.

“Oh Laine. Let’s---“ Natigil din sa pagsasalita si Bessie nang makita nya si Finn. “Dude? What are you doing here?” Takang tanong ni Bessie sa kanya.

“Ahh. Hmm…” Finn said na tila nag-iisip ng isasagot nya. “I came here to buy this…” Sabi nya sabay taas ng kamay nya pagkakuha nung dinampot nya sa may istante.

“So… you came all the way here just to… buy that?” Bessie asked raising a brow. Kahit ako napataas din ang kilay ko nang makita ang hawak nya.

“Yes.” Mabilis na sagot ni Finn habang nakatingin sa amin ni Bessie.

“Gusto mo ng ganyan?” Nakataas pa din ang kilay kong nagtataka sa kanya.

Finn’s eyes widened as he looked to what he’s holding. Isang pakete ng Boy Bawang na tigpi-piso. “Shit.” He muttered. It seems na ngayon lang nya nakita kung ano nga ba ang nadampot nya. I laughed at his reaction. Pati sya gulat na gulat din sa sarili nya. Hahahaha.

“Stop laughing Psychopath.” Naiinis nyang sabi.

“Yes, boy bawang pala ah.” Asar ko sa kanya.

“Tss. Shut up.” Sabi nya pagkaraan ay binalik na ulit ung Boy Bawang dun sa may istante.

Tawa pa din ako ng tawa habang naiinis sya. Natigil lang ako ng nag-aya na si Bessie na magbayad na kami sa counter.

“Ally, ako na mag-dadala nyan.” Tukoy ni Bessie sa hawak kong basket na puno ng iba’t-ibang pagkain.

“Hindi Bessie, ako na.” Sabi ko. Magaan lang naman yun since karamihan naman nun eh puro junk food tsaka may hawak din si Bessie eh.

“Ako na Ally.” Pilit pa din nya.

“Ako na nga Bessie.”

“Ally, ako na nga sabi eh.” Ang kulit din nitong si Bessie eh.

“Bessie, ako na.”

Pilit na kinukuha pa din ni Bessie ung hawak ko habang ayaw ko namang ibigay to sa kanya. Nag-aagawan na kami dun sa basket, pero laking gulat ko nang may ibang kamay na kumuha dito.

“Tss. Ako na.” Sabi ni Finn pagkaraan ay nauna na syang lumakad papunta sa may counter. Himala?? Nagkatinginan na lang kami ni Bessie pagkatapos ay sinundan namin sya.

Bessie insisted na sya na lang magbayad sa lahat kahit na nag-ooffer din si Finn. He said to just wait for him, kaya naman nauna kaming lumabas ni Finn sa supermarket.

“Just for buying those foods, inabot kayo ng ilang oras?!” He grunted as we wait for Bessie.

Tiningnan ko sya. “So that’s it. That’s really the reason why you came all the way here?” I asked.

Napatigil sya sa sinabi ko. “What the hell are you saying? You wish, Psycho.”

“Eh bakit ka nga nandito?” Nakapamewang kong tanong sa kanya. I guess, he’s really back in his old self. Hindi katulad nang mga nangyari noon.

“Wala nga. Wag ka na magtanong.” Naiinis nya kong tinapunan ng tingin.

“Sabihin mo na kasi, you really came here because you followed us.”

“Tumahimik ka na nga lang dyan. Bakit ba napakadaldal mo?” Naiirita nyang sagot sakin.

“Eeeh sabihin mo na kasi.” Pangungulit ko pa sa kanya.

He did not answer. He seemed to hold his patience dahil sa kakulitan ko. He just gave me a deadly glare and as usual, may sinabi na naman siya na hindi ko inaasahan. “Oo sinundan ko nga kayo. Bakit? May problema?”

Date With The ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon