Date With The Arrogant: Chapter 31

9.7K 101 55
                                    

I was blinded by the rays of sunlight when I slowly opened my eyes. Oh god. Bakit ang init ng pakiramdam ko? At napakasakit ng ulo na parang may libu-libong karayom na tumutusok dito at ang ginaw pa.

I suddenly rose up from my bed. Poster agad ni Hyun Bin ang nahagip ng mga mata ko. Then all of a sudden, nagflashback sakin lahat ng mga nangyari kagabi.

I was really wasted yesterday. Paano nga pala ako nakauwi? I checked my clothes, suot ko ung favorite doraemon pajamas ko. Paano? Alam kaya ni Mama ung nangyari? Hallaaa! Alam kaya nyang lasing ako kagabi?? Ahh sheet! Lagot ako nito!

I tried to recall what really happened that night after I fainted, pero walang makapang matinong impormasyon ang utak ko. Lalo lang atang sumakit ang ulo ko sa pag-iisip.

Kasi naman ehh. Kasalanan nya to eh!

Tiningnan ko ang oras, alas diyes na ng umaga. Late na, hindi na ko makakapasok nito Tsaka ayoko pa muna syang makita lalo na at Monday ngayon, magkaklase kami.

Nahiga na lang muna ako sakamako. I felt my head hurts as I cough and sneeze. Geez. I think I’m sick. Sino nga ba namang hindi magkakasakit? Nagbabad nga pala ko sa ulan kaninang madaling araw. I don’t know what has gotten into me to do that. All I know is that, I just needed to escape the pain and hurt he has brought into me. Pero ano ngayon tong napala ko? Wala din. Ubo, sipon, lagnat at matinding hangover lang yata. Tengene.

“Anak!”

I shifted my eyes as my mom came rushing inside my room. She seemed so excited about something. My eyebrows met as I looked at her. Bakit parang walang alam ung Mama ko? Hindi nya alam na nag-inom ako ng alak dahil broken-hearted ako?

“Ma?” I moaned. I don’t have enough energy to talk.

Nakangiti nyang inabot sa akin yung food tray. Okay. Breakfast in bed.

“How are you feeling now?” She asked.

“Okay naman po ‘Ma. Masakit lang po ung ulo ko.”

“Hindi yun ang sinasabi ko. Ibig kong sabihin, ung puso mo?”

Napakunot ang noo kong tiningnan sya. Alam na talaga nya? Kailangan ko bang sabihin sa kanya? Pero ayokong pag-alalahanin ang Mama ko dahil lang sa nararamdaman kong to.

Seryoso ko syang tiningnan. “Ano bang sinasabi mo dyan ‘Ma?”

“Ayssus kunwari ka pa.” Nang-aasar nyang ngiti sakin.

Ugh. Seriously. Wala akong magets sa sinasabi ng nanay ko. Nginitian nya ulit ako pagkaraan ay tumingin sya sa kawalan na kala mong nagre reminisce ng mga kung anong bagay.

“Alam mo ba, ganyan din ang nangyari sa amin ng Papa mo.”

Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Wala talaga kong maintindihan! Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ulit syang magsalita.

“Nagkatampuhan din kami ng Papa mo noon sa first date namin.” Pagpapatuloy nya. “Sobrang lungkot ko nang mga panahon na iyon kaya naman para bang nawala ako sa sarili nang mga oras na yun. Hindi ko na din alam ang ginagawa ko. Akala ko, guguho na noon ang mundo ko lalo na’t mahal ko na sya nang mga panahong iyon.”

Okay. So kinukwento ngayon ng Mama ko ung first date nila noon ni Papa? So anong connect sakin noon?

“Pero alam mo ba ang kinagulat ko noon? Hindi ko alam na nasa tapat lang pala ng bahay namin ang kotse ng Papa mo at hinihintay ako. Noong nalaman ko yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Masaya ko kasi nandoon sya. Hanggang sa magkausap kami, nagsorry sya at nagkaayos kami.”

Date With The ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon