Date With The Arrogant: Chapter 22

10K 112 6
                                    

"Niyaya niya kami sa kubeta
Mata ay lumuwa sa nakita
Oh bakit ba ganyan ang buhay ng tao?
Mag-ingat ka na lang
Baka ika’y makarma oh…"


Yan ang kinakanta namin---este--- sinisigaw habang binabagtas namin ang kahabaan ng daan patungo sa bahay na kinalakihan ni Hiro. Nakataas pa ang mga kamay namin habang sinasabayan ang kanta ng hari ng mga OPM bands na Eraserheads.

Patuloy lang ang pagkanta---este--- pagsigaw namin nila Chix, Martin at Hiro. Sumasabay pa ang ulo namin sa bawat beat ng tugtog. Magkakatabi kami nila Chix at Donna sa gitna ng van. Si Bessie naman, nakangiti lang habang pinapanuod kaming magwala ni Hiro at Martinna katabi nya sa likod.

“Hoy kung ayaw nyong matulog, magpatulog kayo.” Naiiritang sabi ni Finn na nakaupo sa may front seat.

Alas sais pa lang kasi ng umaga. Adik kasi si Hiro. Nagpabook ba naman ng 4 am. Edi malamang na maaga kaming nagising at nagpunta sa airport.

“Okay na un guys. Para mahaba ung araw natin diba?” Nakangisi nyang sagot sa amin nung tinanong namin sya.

Bale, wala pa kaming gaanong tulog ngayon, kaya badtrip yang si Finn eh. Ahaha. Biruin mo na ang lasing, wag lang ang puyat.

“Wag ka ngang KJ Finnie. Makisabay ka na lang sa kanta.” Nakangisi kong sagot sa kanya.

“Oo nga Finn.” Dugtong ni Hiro. “Woohh rak en roll.” Hiro shouted raising his thumb, index and pinky finger as he bangs his head to the beat. Wahaha. Muka syang ewan.

Napagtripan kasi naming magpatugtog habang nasa byahe kami. Hindi rin naman kami makakatulog ng maayos kahit gustuhin man naming matulog eh. Since, magkakalevel ng kasaltikan tong mga to, yun nga napagtripan na lang namin ang malakas na soundtrip nang ganito kaaga. Ni hindi pa nga gaanong sumisikat ang araw eh. Ahahaha. Bulabog kung bulabog.

“Tss.” Yun lang ang sabi ni Finn at naiiritang tinakpan nya ng unan ang mukha nya.

---

“Okay, we’re here guys.” Sabi ni Hiro nang binuksan nya ang pinto ng van at bumaba mula roon.

After almost an hour, nakarating din kami sa bahay---este---mansyon nila Hiro. The place is so huge. Before you go inside the house, you’ll walk past first in a large patio with tall pine trees line up in a row. Halatang pinag-isipan at pinag-kagastusan talaga ang landscape ng yard nila, very cozy and relaxing ang ambiance.

Napakayaman pala nila Hiro, pero hindi gaanong halata sa kanya. Hahaha. I mean, sobrang down to earth kasi nito eh.

“Wow Paps Hiro, this place is so nice.” I said with amusement in my eyes.

“Yes. My Granny is an example of a great nature lover. Kaya iyan. Tara na.” Yaya nya samin.

We started to walk through their beautiful yard. Tahimik lang kami habang tinitingnan ang bawat puno at halaman na madaanan namin. Pagtapak namin sa harap ng pinto, sinalubong agad kami ng matandang babaeng medyo maliit at may katabaan.

“Hiro!” Dali daling nilapitan at niyakap ni Lola si Hiro. “I missed you apo! Give Granny a kiss.” Utos nito okay Hiro habang tinuturo ang kanyang pisngi.

“Granny naman.” Pagmamaktol ni Hiro na hiyang hiya. Ngayon alam ko na kung bakit sinasabi ni Hiro na torture sa kanya kapag sya lang ang nagpunta para bisitahin ang lola nya. Hahahah

“Apo naman. I did not see you for months.” Sabi ni Lola na may halong pagtatampo. “Isang halik lang ba naman ay ipagkakait mo pa?”

“Tss. Okay fine Granny.” Napipilitang sabi ni Hiro pagkatapos ay binigyan nya ng halik ang matanda sa pisngi nito.

“Now that’s my Hiro.” Nakangiting sabi ni Granny. Pagkaraan ay binalingan nya kaming lahat. “Kayo ba ang mga kaibigan ng apo ko?” Nakangiting tanong nya sa amin.

“Opo. Good morning po.” Bati naming lahat sa kanya.

“Aba’y kagaganda namang bata ng mga ito. Sino ba ang nobya sa inyo ng apo ko?” Nakangiti nyang tanong sa amin. Nakita kong nag-blush ang mga pisngi ni Chix ng banggitin ni Granny ung tanong. Aba, nakakaramdam pala ng hiya tong bespren ko. Ahahaha.

“Granny, si Cassie Chix po.” Nakangiting sabi ni Hiro at pinakilala si Chix.

“Kamusta po kayo?” Nahihiyang tanong ni Chix.

“Mabuti naman Hija. Kay gandang bata naman pala ng napili mo apo.” Sabi ni Granny. Wow ang haba ng hair ng bespren ko. Ahahaha.

“Thank you po.” Nakangiting sagot ni Chix.

Binigyan lang din ng matamis na ngiti ni Granny si Chix. Pagkaraan ay binalingan nya naman ung tatlong lalaki at tila inaalala ang mga muka nung tatlo. “Oh! Finn, Ivan, Martin. Kayo na ba yan?”

They all laughed softly. “Opo Granny, buti naman po at natatandaan nyo pa kami.”

“Aba’y paanong hindi ko kayo makakalimutan, eh kayo palagi ang kasama nitong apo ko simula ng mga bata pa kayo.” Ngiti nyang sagot. “Tingnan mo nga naman ang panahon, malalaki na kayo. At ang gagwapo pa.” Sabi nyang magkadikit pa ang mga palad. “Oh tara na sa loob at mag-breakfast muna kayo. Siguradong napagod kayo sa biyahe.”

Sumunod lang kami kay Granny at sabay sabay na kumain ng breakfast. Pagkatapos, tinuro sa amin nung maid ang magiging kwarto namin. Chix, Donna and I, of course will be sharing a room together, same as dun sa guys. Magkatabi lang ang mga room namin.

We all decided to take a rest first since we haven’t had any sleep yet, especially I, Chix, Martin and Hiro. All through the journey, in plane and in the van, we didn’t sleep but just talk about some stuff. Napakadaldal ni Chix at Martin grabe. Hahaha. Hindi sila nauubusan ng kwento. Ang babaw pa naman ng kaligayahan ni Chix kaya tawa sya ng tawa sa mga corny jokes ni Martin. Si Donna, Bessie at Ivan naman, tahimik lang habang nasa byahe. Minsan sumasama din sa kwentuhan sa Bessie, si Finn naman lagi kaming pinapatahimik dahil ang ingay daw namin. Tsss KJ.

“Okay guys. Let’s all take a rest first since alam kong groggy at puyat pa kayong lahat. We’ll start to tour later after lunch.” Sabi ni Hiro pagpasok sa room naming mga girls. Kasunod nya si Bessie.

“Ally and the girls, matulog muna kayo okay? Especially ung mga madadaldal dyan.” Nakangiting sabi sa amin ni Bessie.

“Okay Bessie. We’ll just unpack our things then we’re gonna take a nap afterwards.” I said as I unzip my Jansport backpack.

“Night guys.” Maya-maya’y sabi ni Donna at nahiga na sa kama nya. She did not even to manage her things first before she lay down on bed. Dala na rin siguro sa pagod at puyat.

“Nasaan sila Finn at Martin?” Chix asked suddenly.

“Ayun. Malaman nasa kani-kanilang panaginip na.” Bessie chuckled. “Kayo din. Matulog na kayo. So we’re going to our room and take a nap too. Good night, Ally and Chix.”

“Night Bessie.” I said smiling at him.

Nagpaalaman na din ung mag-sweetcake at nagbatuhan pa ng mga sweet nothings before Hiro went out of the room. Okay fine edi sila na mag-boyfriend. Hahaha. Shortly after they’re gone, I lay down on my bed too as I closed my eyes to sleep.

----

Tulad nga na napagkasunduan, we tour the city after lunch. We went to People’s Park and Crocodile Park. We just spent the whole afternoon touring those places. Going in places like those is very refreshing. Maamaze ka talaga sa lugar kahit na road trip lang ang gawin nyo buong maghapon. Sa daan pa lang, mabubusog na ang mga mata mo sa mga halaman at mga puno. Mataas din ang lugar kaya kita mo ang bundok. Ibang iba sa Manila where all you can see are tall buildings and all you can smell is pollution. Sa lugar na to, mawawala talaga ang stress sa katawan mo.

After hours of galaan, we decided to eat our dinner in Jack’s Ridge. That place is just so cool. It is located on top of a hill so you can really see the beautiful sceneries above and below. The lights of different vehicles in the road is so beautiful as well as the stars shining in the sky.

Todo picture talaga kami ni Chix para masulit ung view. Hahah. Yess, pang-upload sa facebook. We really appreciate this kind of place since Chix and I both grow in the city. Parehas kaming walang probinsyang mapupuntahan since both of our parents are pure Tagalogs.

Shortly after we ate, we went back to Hiro’s house para makapagpahinga na kami since napagod din kami sa paglalakad at paglalakwatsa. We have gone home by 10:30. Nag-food trip lang muna kami ulit habang nanunuod kami ng movie. Right after the movie ended, the girls and I decided to go in our room already. Pero laking gulat na lang namin nang pumasok si Hiro at Martin sa kwarto namin. And guess what, may dala dala na naman silang pagakin and a bottle of Tequila.

“Hey guys! What’s that??” Gulat kong tanong pagpasok nila sa kwarto namin. They all sat in the couch and put all that stuff in they’re hand on the center table.

“We’re gonna have a Pajama party!” Ngiting-ngiting sabi ni Martin while he arranges the glass, the liquor and the food on the table.

“With Tequila?” Gulat na tanong ni Chix.

“Yes, sweetcake. Don’t worry, hindi naman tayo magpapakalasing eh. We’ll just celebrate you know. For our friendship and for our love towards each other.” Sabi naman ni Hiro.

We all rose up from our bed and we went near them and sat on the carpeted floor. I looked closely at the bottle of Tequila. Ngayon lang ako makakatikim ng alak sa buong buhay ko, napangiti ako sa ideyang yun. “Wow. Iinom talaga tayo?” I smiled brightly as I asked them.

“Sino naman may sabi sayong iinom ka Ally?” Nagulat na lang ako nang biglang nagsalita sa Bessie, katabi nya si Finn ngayon na papasok din ng kwarto namin. Binalingan ni Bessie ung dalawang lalaki. “Hoy kayong mga unggoy kayo. Sino may sabi sa inyo na impluwensyahan nyo ng alak tong mga to ha?”

Napangiti lang si Martin at Hiro sa tanong ni Bessie. Maya-maya’y naupo din si Bessie at tumabi sakin. Pero nagulat na lang ako nang tumabi din sakin si Finn. Tiningnan ko sya ng may pagtataka sa mga mata ko.

“Wala ng pwesto eh.” Kibit-balikat nyang sabi sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin at hinayaan ko na lang sya sa tabi ko. Wala namang choice eh. Weh? O sige na nga, oo na. Masaya din ako at katabi ko sya. Kahit sa mga ganitong kaliit na gestures na ginagawa nya, nagagawa na nitong mapalundag ang puso ko.

“Guys, so iinom nga talaga tayo?” Biglang tanong naman ni Donna na nakangiti.

“Yes.” Hiro answered. “One time lang naman eh. Tsaka this time really calls for a celebration.” Sabi nya pagkaraan ay binalingan nya si Bessie. “So pumayag ka na Paps Ivan. Okay lang naman sa mga girls diba?” Nakangiti nyang tanong sa amin.

“Oo nga naman Bessie. Konti lang, promise!” Pamimilit ko kay Bessie.

Tiningnan ako ni Bessie na tipong pinag-iisipan pa nya ang sagot pero sa huli ay pumayag din sya. “Okay sige Ally. Pero konti lang huh?” Bessie said as he palced his hand on my head.

Ngumiti ako sa sinabi nya. “Yes, Bessie! Promise!” Pag-aasume ko.

“Tss. Mag-bestfriend ba talaga kayo? Mag-tatay, mag-boyfriend or what?” Biglang bulong sakin ni Finn sa naiinis na tono.

“Wag ka nga mainis dyan. Tss.” I murmured as I rolled my eyes. Bipolar talaga tong si Finn, parang ewan.

“Naiinis ba ko ha Dummy?” Naiinis nyang bulong sakin. Tiningnan ko lang sya na para bang sinasabi ko na nababalwi sya.

“Okay game. Let’s begin the part guys!”

We’re all Indian sitting on the carpeted floor as we look at at Martin pouring each of us a drink. When my glass is full, I held it close in my nose and smeel it. Ugh. Ang sakit sa ilong! Fist time lang talaga masasayaran ng alak ang esophagus ko. Lagot kami kay Mama nito pag nalaman nyang iinom kami. Hahaha. Oh well, kailangan nang sulitin ang oras na ito. Minsan lang naman ako magloko eh. Tsaka ano behh, I’m 18 and definitely legal! Muahaha.

“Okay guys, cheers!”

We all raise our glass and toast it against each other’s. They all drink the liquor in their glass while I, on the other hand, was just looking at it. I gulped. Kaya ko bang inumin to? Baka masakit sya sa lalamunan pag ininom ko na since napakatapang ng amoy nya.

“Laine, iniinom ang alak, hindi tinititigan.” Sabi sakin ni Martin nang mapaasin nyang hawak hawak ko lang ang baso at tinititigan lang ito.

“Masarap ba?” Tanong ko sa kanila.

“Sa una, masakit yan sa lalamunan pero pag nasanay ka na, masarap naman.” Sagot sakin ni Hiro.

“Grabe, mga lasenggero ba kayo?” Natatawa kong tanong sa kanila.

“Hindi naman. We’re still one of those few decent guys, we only drink in when there is any occasion. Kahit tanungin mo pa yang si Donna.” Hiro said as he pointed at Donna. She just smiled at me then she poured another shot of tequila in her glass and straightly drink it. Whoa. May ganito palang side si Donna. Ahaha.

“Drink it Bes. C’mon!” Chix said encouraging me.

“Go Laine! Iinom na yan! Iinom na yan!” Pagchee-cheer nila sa akin.

Tiningnan ko ulit ang baso sa kamay ko. I swallowed. Okay, kayak o to! Tutunggain ko na sana yung basonang may mga kamaya sa akin pa pumigil para gawin yon.

“Pschopath, wag na.”

Nagulat ako nang bigla nyang kinuha yung baso sa kamay ko. “Hoy Finn, ano ba? Bakit mo kinuha?” Naiinis na tanong ko sa kanya.

“Wag ka nang uminom kung hindi mo naman kaya.” Kaswal nyang sabi sa akin.

“Ehh, kaya ko naman eh. Promise.” Sabi ko sa kanya at kinuha ko na ulit ung baso sa kamay nya.

“Tss. Tigas talaga ng ulo.” Mahina nyang sabi.

Hindi ko sya pinansin at dire-diretso kong tinungga ang alak. Ugh. Ang sakit sa lalamunan pero inubos ko pa din ung laman nya. “Waaahh. Ang pait!” Sabi ko habang nilalapag ko ung baso sa mya table. Kunuha ako ng apple at dali dali kong kinagat iyon.

“Oh ano Ally? Okay ka lang?” Tanong sakin ni Bessie.

“Oo Bessie. I’m okay.” I smiled as I chew the apple in my mouth.

Nagke-kwentuhan lang kami ng kung anu-ano habang paminsan-minsan ay umiinom ng alak---este--- ako lang pala yung paminsan-minsan. Ginagawa kasi nilang tubig ung tequila eh.

Tinitingnan lang namin sila Hiro, Martin, Chix at Donna na hindi nagpa-pass sa alak. Lalo na si Donna. Umiinom sya na para bang meron syang problema at dinadaan nya iyon sa alak para makalimutan nya iyon. Napapansin ko din si Martin na paminsan-minsan ay binibigyan ng sulyap si Donna. Naisip ko nga, iset-up ko kaya minsan ang dalawang to para maayos nila yung problema nila. Obvious naman kasi na gusto pa din nila ang isa’t-isa.

Si Bessie naman hindi rin gaanong umiinom katulad ni Finn na seryoso lang na nakatingin dun sa apat na kala mo eh nagpapaligsahan sa paramihan ng alak na maiinom.

Sumasabay lang ako ng pag-kain habang umiinom sila. Hindi ko kasi gaanong kaya ung lasa nung alak. Sinasabayan ko na lang sila sa pagkekwentuhan at pagpapatawa.

“Guys! Let’s play a game!” Maya-maya ay sabi ni Chix.

“Bes, lasing ka na ata eh. Hahaha.” Sabi ko sa kanya. Muka na kasing bangag si Chix eh. Hindi naman din kasi sanay uminom ng alak yan eh.

“Laine, Hindi pa ko lasing, okay?” She said despite of her tipsy voice. “Game tayo guys, dali!”

“Ano bang game yan sweetcake?” Tanong ni Hiro.

“Spin the bottle with a twist.” She grinned then she gets the empty bottle of tequila and put it in the center. “So the game will be like this. Kung sino man ang matatapatan ng boteng ito, kailangan nyang sumagot sa tanong na ibibigay natin. Pero kapag hindi…” Nagulat na lang kami nang bigla syang tumayo at lumabas ng kwarto.

“Hoy Chix, san ka pupunta?” Pahabol na tanong ko sa kanya.

“Dyan lang kayo. I’ll get something.” She shouted as she run out the door. Pagbalik nya, ang dami dami na nyang dala. May paminta, hot sauce, asin, asukal, bawang at kung anu-ano pa.

“What the hell is that for?” Asked Martin.

“So as I was saying, kapag hindi nasagot ang tanong natin, this will be the dare.” She said then she poured a shot of tequila in the glass and much to our surprise she puts all those stuff she just got and then mix it with her fingers. Nakita ko pang palutang lutang ang paminta at bawang dun sa baso.

“WHAT THE HELL?!” We all exclaimed in unison. That’s so gross, really.

Chix raised a brow and looked at us. “What? You’re all scared?”

“No. Game ako dyan.” Bessie said. Tiningnan ko si Bessie. Seryoso ba sya?

“Count me in.” Finn said and then raised his hand. Nanlaki ang mga mata ko. Are they really serious?

“Oh, what? Hindi kayo sasali?” Tanong ulit samin ni Chix. Then the next thing I knew, lahat na kami nag-aabang kung sino ung tatapatan ng bote. After seconds of spinning, huminto din ung bote at tumapat it okay Chix. Wahahah! Lagot ka ngayon Chix.

“Ugh, malas!! So what’s your question?”

“Mahal mo ba talaga ko Sweetcake?” Tiningnan naming lahat ng masama si Hiro. Sinayang nya ung chance!! “Oh why guys? That’s a valid question!” Sabi ni Hiro samin nang makitang galit na tinititigan namin sya.

“Yes, sweetcake. I love you so much!”

“Arghh! You two are so gross. I’ll gonna spin the bottle again.” Martin said with irritation in his voice. Wahaha. Pano napakacheesy naman kasi ni Chix at Hiro.

“What the heck!” Martin exclaimed as the bottle stopped pointing at him.

“Okay. Ako magtatanong!!” Pagvovolunteer ni Chix. “So Martin...” Seryoso syang tumingin kay Martin. She continued, “Do you still love Donna?”

Lahat kami napatigil sa diretsahang tanong ni Chix. Minsan talaga may pagkaprangka tong babaeng to. I looked at Martin. He’s serious and… mad. Tiningnan ko naman si Donna. I can’t explain the emotion I see in her eyes. They’re sad and worried at the same time.

Martin clenched his fist and we were all shocked as he grabbed the glass filled with gross bits and pieces of those pepper and garlic Chix has put. Then he drank it straightly. It’s obvious that he doesn’t want to answer Chix’s question so he just chose to gulp that disgusting drink. “Okay, I’ll spin the bottle again.” Sabi ni Martin na parang wala lang sa kanya ung ininom nya. Sinalinan naman ulit ni Chix ng alak ang baso at nilagyan na naman ito ng kung anu-ano at hinalo ito gamit ang mga daliri nya.

“Okay, ikaw naman ngayon Laine!”

Nagulat ako sa sinabi ni Hiro. Napatingin ako sa bote… at nakaturo nga ito sa akin. Waaaahh! Patay! “Ang daya! Hindi ko nakitang tumapat yan sakin!” Sabi ko sa kanila.

“Oops, walang ganyanan Laine.” Sabi ni Chix. “Ako na lang ulit magtatanong ha?” They all nod at Chix’s question. Tiningnan ko naman ang bespren ko na sinasabing ‘Humanda ka sakin Chix. Ayusin mo ung tanong mo.’

Chix looked at me evilly before she threw her question at me. “Okay ganito Laine. Kunwari nasa iisang bangka kayo ni Ivan at Finn.” She grinned. “Then, lumubog ito at may kailangan kang sagipin na isa sa kanila. Take note, dapat isa lang ang sasagipin mo, okay? At saka wag kang sumagot ng non sense answers. Sino sa kanilang dalawa ang ise-save mo?”

Napatigil ako sa tanong ni Chix. Tiningnan ko si Finn, pagkatapos ay si Bessie. One is my best friend who is so important to me and the other is the man who makes me know what love is. I gulped as I search for the answer. Walangya ka Chix, kakalbuhin kita once na matapos tong game na to!!

Hindi ko alam ang isasagot ko. I gulped again then I saw at the corner of my eyes, ung nakakadiring inumin na ginawa ni Chix.

No choice. I swallowed the lump in my throat again. Kailangan ko atang inumin iyon. Ayokong mamili eh. Kung mangyayari man talaga sa totoong buhay ang tanong ni Chix, wala din akong pipiliin. Mas pipiliin ko na lang ang magpakalunod. Binalingan ko si Chix. “Akin na… ung baso…”

Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko. Napalunok ako nang inabot sa akin ni Chix ung baso. Kaya ko to. Kung si Martin nga nakaya eh, ako pa kaya? Waaahh. Kaya ko talaga to pramis! Iinumin ko na sana ito… pero may kamay na humablot nito mula sa akin.

At nanlaki na lang ang mga mata ko nang walang sabi-sabi at dire-diretso nyang ininom at tinungga ang alak na may halong paminta, bawang, hot sauce, patis at ang inumin na hinalo ni Chix gamit ang mga daliri nya.

Pagkatapos nyang inumin iyon, tiningnan nya ko. “Oh, Psychopath. May utang ka sakin ah.”

Date With The ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon