Date With The Arrogant: Chapter 27

9.4K 110 17
                                    

Mabigat ang mga hakbang ko papalayo sa music auditorium. Nakakatawa, sobrang dami na palang nangyari sa music auditorium na un. Dun ko unang nakita syang kumanta, dun ko sya blinackmail, dun ang lugar kung saan tinulungan nya ko nang matapilok ako, dun kami nakulong ng isang gabi. At ang pinakahuli, dun din pala ang lugar kung saan nya sasabihin ang mga bagay na un.

They're starting all over again?

Wow. So bakit kelangan nya pa talaga sabihin sakin diba? Sana tinago na lang nya. Kasi kung makikita ko naman silang masaya, ako na rin mismo yung lalayo eh. Kaya lang ang sakit lang eh, sa kanya pa mismo nanggaling na mag-uumpisa ulit silang dalawa.

I don't know where my feet would take me. Basta lakad lang ako ng lakad. I cover my mouth trying not to break down. Ok, I know muka na kong tangang umiiyak dito, but who cares? Moment ko to. Masakit ang puso ko for Pete's sake. At wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng ibang tao.

I was still crying when I bumped into someone else's chest. "Sorry." I apologized quietly and started to take steps again.

"Ally." He muttered softly, sympathy was on his voice.

So si Bessie pala yung nabunggo ko. Huminto lang ako pero hindi ko sya tiningnan. I don't want him to see my pathetic side. Naramdaman kong lumapit sya sa akin pagkatapos ay bigla nyang ginulo yung buhok ko. Then my eyes widened with the next thing he did.

"Who the hell stole the candy of my Ally?!" His voice echoed through the… Okay, ngayon ko lang napansin… I'm in the hallway.

All the students stopped their feet from walking and looked at us. Then nagulat na lang ako nang sumigaw ulit si Bessie, sinigawan nya yung mga students na nakatingin samin.

"If anyone of you dares to steal Ally's candy or bully her, you'll be all dead meat okay? Now, get going!"

Pagkatapos nyang sumigaw, bigla nya akong inakbayan tapos ay nginitian nya ko. "Ayan Ally, wala na ulit kukuha ng candy mo."

"Bessie, para kang sira. Nakakahiya ka." I tried to laugh despite of my sniffs.

He chuckled. "Sinong mas nakakahiya satin Ally ha? You're crying like a child in the middle of the hallway, you know. Tss. Tara na nga, bibili na lang ulit kita ng candy. Yung maraming maraming candy."

I sighed in relief when Bessie did not throw questions like why am I crying, o what happened to me. Alam ko namang alam nya kung bakit ako nagkakaganito. He knew it, I know. Nginitian ko sya at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko gamit ang kamay ko.

"Here." He handed me a blue hanky. "Para kang batang umiiyak. Sabihin mo lang sakin kung sinong umagaw na naman ng candy mo, mababalatan ko talaga ng buhay yun."

I smiled at him then blew off my nose to his hanky. Okay, gross. Hahah. When we got to his car, I looked at myself in the rearview mirror. I look like the woman version of Rudolf. My eyes were puffy too. In short, ang pangit ko na pala.

"Don't worry Ally, you're still the most beautiful kahit pa ilang baldeng luha ang iiyak mo." He smiled as he started the engine.

I smiled back at him. Although, hindi pa napapawi yung sakit na nararamdaman ko, at least alam kong may natitira pang tao sa tabi ko, si Bessie.

Bessie stopped by sa isang supermarket. I insisted of going with him pero sabi nya wag na daw. I just waited for him in the car. When he got back, ang dami dami nyang dala. Mostly chocolates and candies.

Nang makaupo na sya sa driver's seat, nagtataka lang akong nakatingin sa kanya. Nang mapansin nya naman na nagtataka ang mga mata kong nakatingin sa kanya, he said, "Sweets like chocolates have this substance called theobromine which triggers the release of endorphins, or the so-called happy hormones, that act like a natural antidepressant and temporarily relieve the blues."

Date With The ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon