Date With The Arrogant: Chapter 32

9.4K 112 18
                                    

I’m letting him go not just because he told me so. I did it for myself. I’m doing it for my sake.

Lahat yata ng nakakakilala sa akin ay nagulat dahil sa biglaan kong transformation. Siguro, nasanay na kasi sila sa mahaba kong buhok. I actually cut my hair just a few inches from my shoulders. For us girls, hair is our crowning glory but I cut mine because I want to change and start anew. You know, part of the moving on process.

Pagpasok ko sa classroom, nakita kong tumingin silang lahat sa akin. Alam ko kung bakit. Maganda kasi ko. Bwahahaha! Kailangan talagang magpakapositive. Hindi na nga nya ko minahal, ganun din ba ang gagawin ko sa sarili ko? Syempre, pagkatapos ng lahat ng nangyari, dapat ko pang lalong mahalin ang sarili ko.

Ayokong magaya sa ibang babae na sinaktan na nga sila ng taong minamahal nila, gumagawa pa sila lalo ng mga bagay na lalo lang ikasasakit ng damdamin nila. O sige, alam kong medyo guilty ako sa part na un dahil sa mga ginawa ko noong nakaraang araw. Pero, pinipilit ko naman ngayong bumangon muli mula sa pagkakadapa ko. Naks! Ang lalim nun!

It will be such hypocrisy if I say I’m fine now. Of course, I’m still not. But I’m trying to be better. I promised myself one day I’ll start to pick up the missing pieces of me as soon as my mind really settles down. And I guess that day is actually today.

Bubuuin ko na ulit ang sarili ko. Kahit paunti unti lang. Ang importante, makalimutan ko na sya. Yun naman talaga angplanoko sa simula pa lang nang dumating na dito si Bianca sa Pilipinas. Nagkataon lang na si Finn na talaga mismo ang nagsabi noon sa akin na kalimutan ko na nga sya.

Tahimik lang akong umupo sa upuan ko. Magta-time na din kaya alam kong malapit nang mag-umpisa ang klase. Wala pa sa ngayon ang seatmate ko. Wala pa si Finn.

Dapat talaga, hindi ako papasok sa subject na to. Hindi ko alam kung handa ba kong makita sya pagkatapos ng lahat ng nangyari. Hindi ko alam ang dapat na reaksyon sa sandaling magkita kami. Hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan.

Pero naisip kong kaduwagan naman kung gagawin ko yun. Parang phobia lang yan eh. You overcome a fear once you face it. I thought for a moment that I had become a Finnophobic. (Hahaha. Ansavee ng term?!) Not that I fear him because he’s someone frightening but because I don’t know how my heart would react once I see him again. Baka kasi bigla na naman itong tumibok ng mabilis at makalimutan ko na naman na nagmomove on na ko.

So yun nga, after hours of thinking, nandito na nga ako sa upuan ko. Kailangan ko syang harapin. At saka alam ko namang malaki talaga ang tsansa namin na magkita dito sa campus. Hindi yun maiiwasan. Hindi ko naman lalayuan ang ChocoPaps dahil lang sa kanya diba? Kahit paano naman eh napalapit na sakin ang ChocoPaps ng husto, lalo na si Bessie.

I need to stand up and held my head high. I won’t let Finn see that I was hurt by what he did. I will let him feel that I wasn’t affected at all.

Minutes have passed, he wasn’t around yet. Good, I thought. Actually it would be more okay if he would just ditch this class. It will be of much favor if he’d do that. Just imagine how I would feel knowing that the man who just broke my heart was just sitting right beside me. How great would that be, right?

“Good morning class.”

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang pumasok si Sir Paul. Great, absent ang lalaking yun. Wala akong problema. Hindi ko na aalalahanin pa kung paano ako kikilos sakaling makatabi ko sya.

Nagsimula nang magdiscuss si Sir Paul. Ganito naman talaga ang prof na to eh. Wala nang paliguy-ligoy pa. Discuss kung discuss ang drama nya. No wonder kung bakit sobrang boring ng klase nya. Kaya nga lagi kong dinadaldal si Finn noon eh. Mas gugustuhin ko pang makipag-usap sa lalaking yun kahit wala namang kwenta ang pinag-uusapan namin, kahit madalas eh pang-aasar lang ang ginagawa nya sakin.

Date With The ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon