Date With The Arrogant: Chapter Two

16.2K 165 21
                                    

Duhh. Ano naman ngayon kung sinabi ko yun?

“Kilala na kita, ikaw ang Mr. Right ko.”

Big deal ba? Big deal? Para namang ngayon lang ‘to nangyari sa mundo. Tss.

Ano ginawa ko nung nangyari ang pagkikita namin ni Mr. Right? (Oo, Mr. Right talaga kasi alam kong kami ang itinadhana. Muahahah)

Edi deadma lang. Keribels lang. The hell I care ang drama ng lola nyo. Ganyan kasi ko pag nagmahal. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Oo, mahal ko na sya. Kasi kamuka sya ni Hyun Bin ko. MUAHAHAHAH. Tawang malakas forever.

At eto pa ang isang sign na kami talaga ang itinadhana para sa isa’t-isa:

“What did you just say?” Si Sir Paul-slash-Ma’am Paula pag gabi. Hahaha!

“Huh Sir? May sinabi po ba ko? Parang wala naman.” Patay-malisya kong sagot. Baka kasi mamaya pag-initan ako netong baklitang to. Halata naman kasing crush nya si Mr. Right.

Yung mga classmates ko naman, mga nagpipigil ng tawa. Okay lang. Choss lang. Mamamatay ba ko kung tatawanan nila ko? Like Duh naman with the capital D. Si Mr. Right naman nakatingin lang sakin. Nakuu po, pag eto na love at first sight din sakin, ayawan na. Kasi wala ng mangyayari sa love story namin pag nagkataon. Syempre pangit naman kung walang twists and turns diba? Kasi kung sasabihin nya agad sakin na mahal nya ko, kawawa naman ang mga kontrabida, karibal at sidekick sa kwentong ‘to. Mawawalan sila ng silbi. Hahahaha.

Naputol ang nakakaloko kong pagiimagine nang magsalita si Sir Paul.

“Anyway, Hijo magpakilala ka na.” Nakasmile nya sabi. Ang landi!

“I’m Finn.”

Wow! Ang haba ng sinabi nya! Two words! Wala man lang bang favorite color? Hobby? Sino ang first kiss nya? May girlfriend na ba sya? Anong impression nya kay Allaine?

Ano ba yan. Ang tipid naman nyang magsalita. Pero ayos lang, mahal ko pa din sya.

“Yan, nagpakilala na ko. Pwede na ba kong umupo?” Maangas na sabi ni Mr. Right na Finn pala ang pangalan. Sheeeeettt, pati pangalan gwapo!

Natahimik naman ang buong klase. Nagulat siguro sa sinabi ni Finn. Ang rude naman kasi nya. Mula sa pagkakabukas nya ng pinto hanggang sa pagpapakilala. Mayabang.

KYAAAAHHH! Lalo tuloy akong naiinlab! Kasi diba ganun naman talaga kadalasan. Gwapo yung bida tapos mayabang. At ganun sya! Mukhang kailangan ng maumpisahan ang Finn-Laine love story! Muahahahaha.

Isipin ko pa lang, kinikilig na ko! :D

“Ahm. O-okay.” Mukang may hang over pa din si Sir Paul ng pagkakagulat dahil sa kaangasan ni Finn. Umikot ang buong tingin nya sa classroom.

OMYGOODD! Lord kung ito na po ang sign na si Finn ang Mr. Right ko, ngayon pa lang nagpapasalamat na po ako. At magpapakabait na po talaga ko from now on. Di ko na po nanakawin ang chocolate ng kapatid ko sa ref namin. Thank you po talaga sa chance na to.

Yaaaahh! Yung katabing chair ko na lang kasi ang hindi pa occupied. So it means na dito sya mauupo. This is what you call destiny!

Umayos na ko ng upo. Mas inilapit ko pa ang katabing upuan sakin. Para-paraan lang yan. Mwohohoh.

Date With The ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon