Chapter 06:
Yumi's POV
"GUTOM na 'ko," pasigaw kong aniya.
"Walang pagkain dito, sorry ka," Desmond said.
"Pero binigyan mo 'ko dati diba?" Masugit kong tanong sa kaniya.
"Pero binigay ko 'yun dahil pinabababigay 'yun sa'yo ni Lucifer. Ngayon, wala, kaya manahimik ka jan," sabi niya naman sa 'kin.
"Oo na, shut up na, hindi ko kailangan ang opinyon mo," sabi ko naman sa kaniya na ikinatawa niya.
"Lalabas ako," sabi ko ng bigla sabay tayo.
"Aano ka naman?" Tanong niya.
"Aba, hinulog ako pabalik dito ng Lucifer na 'yan tapos hindi ako papakainin," pagalit kong sabi sabay bukas sa pinto at isinara agad.
"Gutom na 'ko! Pakainin mo'kong lintik ka!" Sigaw ko sa hallway na nag-echo pa.
Sakto namang binuksan ni Desmond ang pinto sabay hilot sa sentido bago ako hilahin muli papasok.
"Ano ba?!" Galit kong aniya, gutom, eh!
"Don't even try, as if that jerk will li---" naputol ang sasabihin niya ng biglang may kumatok.
Ako sana ang kukuha kaso nauna siya. Pabida.
Pero dahil nasa likod ako, nakita ko kung sino ang kumatok. Isa nanamang nilalang na kasing kulay ng anino at hugis putol na puno na may mukha ng gaya ng mga sa pumpkins tuwing hallooween pero ang mas mukha silang malungkot kaysa sa karaniwan, gumagalaw-galaw din ang dalawang sangan nito sa ulo na parang komunikasyon nila iyon ni Desmond.
At nagulat ako ng may dala itong pagkain.
But a moment of reminiscing suddenly passed by at the same time. It was a brief conversation of me and lola, sa father side.
"Pagdinala ka ng mga nilalang na hindi tao sa isang lugar na maganda. Kahit na nakikita mo 'yon na masarap. Kase pagkinain mo 'yon, du'n kana titira," pananakot sa 'kin ni Yola kaya natakot ako.
"Opo, Yola! Magugutom nalang ako pagganyan!" Masiglang saad ko naman na parang hindi ako natakot sa pinagsasabi niya.
"Ay, 'wag na, ayoko na pala," sabi ko at winasiwas ang isang kamay.
Oo, kinain ko 'yung nauna pero hindi ko naman 'yan naalala, eh. And maybe that's the reason I'm back here again. That thought made my eyes twitched. Final na, hindi na ako kakain dito para hindi na 'ko makabalik dito sa oras na makalabas ako.
Tiningnan naman ako ni Desmond. "Talaga lang ha?" Sarkastiko niya saad sabay kuha ng pagkain sa kaharap naming nilalang. "Gracías, Señor Tocono (tree stump)," malumanay na saad naman nito sa nilalang na nasa harap namin.
Parang tumango naman ang tinawag niyang Tocono at sandaling humarap... sa 'kin..? Pero mabilis lang at parang bumilis din ang kilos niya paalis na para bang nakakatakot ako.
"Don't scare him," Desmond said as he was closing the door.
"Ayoko kase," mariin kong saad.
Pero napansin ko na nagliwanag ang siwang ng pinto. Si apoy nandito nanaman kaya binuksan niya uli 'yon.
Escuché eso
(I heard that)"Oh tapos?" Galit kong tanong sa kaniya, naramdaman ko rin na hinigit ng marahan ni Desmond and kuwelyo ko sa likod
La comida es de fuera.
(The food is from outside.)"Sa tingin mo, maniniwala ako?" Nakapamewang kong sagot dito.

BINABASA MO ANG
The Door to Treveloré
FantasyYumi, an ordinary soul who had a friend of two is having her own ordinary life. Not until she was told about the story of the door to Treveloré. A door in University of Trevelia's old building. On the third floor, there was a boy's dormitory before...