Chapter 13:
The older, the better as they were treasures, 'yan ang palaging sinasabi sa 'kin ni lola. Kase habang tumatagal ang mga bagay-bagay ay nagiging mas maganda ito.
Nandito kami ngayon sa k'warto niya sa bahay nila ni lolo. Half-British si lola kaya pag nag-eEnglish siya ay magkatono sila ni Peppa Pig. Maganda din siya, at mukhang foreigner s'yempre. At ang pinakagusto ko palaging nakikita sa kaniya p'wera sa ngiti niya ay ang asul niyang mga mata.
Anyways, she said that this day, I should pick some jewellries from her collection throughout the years. But I do not really wear any of it, because I should remove them all before taking a bath or washing my hands. And I love washing my hands!
Pero kahit ganiyan, I will get each one of each kinds. Kase like what lola said, the older, the better as they were treasures. Meaning pag matanda na ako tapos wala na akong pera p'wede ko iyon ipabili sa mga museums or galleries. Tutal sabi naman ni teacher, dinidisplay daw doon ang mga bagay na luma. Kaya sakto, matanda na si lola, malamang luma na ang gamit niya!
"Hindi ka ba natatakot dito?" Tanong sa akin ni lola habang nauuna sa paglalakad sa pasilyo ng kanilang lumang bahay na ginawang garison noon ng mga Hapon.
"Ilang beses na po akong nakapunta dito, bakit po ba ako matatakot?" Tanong ko naman sa kaniya. Next year, first year highschool na ako. Ang pangit naman pakinggan kung matatakutin oa ang isang highschool, dapat cool palagi.
"May multo raw dito na palaging nagpapakita sa labas, sa mga kapitbahay," sabi niya.
"La, that's your long sleeping dress hanging that can be seen outside na nakalimutan niyo ibaba. Pag hindi naman po, sa salmin po, na nakaharap sa bintana," ngiwing sabi ko sa kaniya. Sinabihan ko na rin ang mga kapitbahay niya kaso hindi naniniwala.
Kase four years ago, inuto ako ng isang bata dito na may multo daw sa bintana na nakaharap sa labas. Kaya lumabas ako para tingnan, natakot ako noong una, pero nang tiningnan ko mabuti ay damit lang pala ni lola. Tapos nagsabi rin si Manang Flora, nakakalimutan daw talaga ni lola na ibaba ang mga sinampay nito. Pero ang weird ni lola, sa taas na parte pa palagi sinasampay ang damit at sa harap pa ng bintana.
"Pero hindi rin imposible," sabi niya.
"S'yempre naman po, luma na po itong bahay niyo, eh," sabi ko bago ako napalunok. Kahit kadalasan na makuta sa labas ang mahabang damit na pantulog ni lola, that doesn't mean that there's no ghost here!
According pa naman kay lolo, almost 400 people died here during the war!
"Nandito na tayo, sa'n ka pa pupunta?" Tanong sa akin ni lola na nasa likod ko pala dahil sumobra ako ng hakbang.
Napakamot ako ng ulo at nahihiyang ngumiti sa kaniya bago ako pumasok sa loob.
"Wow, ang k'warto niyo po talaga is bigger than mine!" I exclaimed as I walked infront of the big window made of capiz shells that is now open, welcoming the air. Sumasayaw din ang kurtina dahil sa simoy ng hangin, at kita rin dito ang garden.
Hindi kase kami pinapapasok dito dati kaya tanging silip lang ang naggagawa ko. Kaya hindi pa rin ako makapaniwala.
"Florenz, you're forgetting something," lola said.
Nag-English na siya! Napipikon na ba siya..? Ng medyo?
"Sorry, lola," mabilis kong paumanhin. Hindi ko nga alam kung nanginig ba ang boses ko o ano.
"Pumili ka na dito," sabi niya sabay turo sa dalawang kahoy na box na nakabukas at mga drawers sa mesang kinalalagyanan nu'n. Ano nga ba ang tawag dito ulit? Sanity table? Ay basta 'yung may salmin!

BINABASA MO ANG
The Door to Treveloré
FantasyYumi, an ordinary soul who had a friend of two is having her own ordinary life. Not until she was told about the story of the door to Treveloré. A door in University of Trevelia's old building. On the third floor, there was a boy's dormitory before...