Chapter 09: Instant Thief but Not a Suspect

1 0 0
                                    

Chapter 09:

PAGKAGISING ko... sa clinic, ulit. Sinalubong ako ng bunganga ni Kelly at sakal. Nakisabat din si Brylle at nagpasalamat naman ako kay Svanier.

"Hala!" OA na saad ni Kelly.

"Why?" Svanier asked which made Kelly point the direction of the TV using her lips.

"Isang post-war painting  sa bahay na itinalaga ng NHCP o National Historical Commission of the Philippines bilang isang National Treasure, nawawala aniya ng may-ari at nangangalaga pagkatapos nilang magbakasyon," sabi ng reporter. The nurse also increased the volume.

And after that, the screen flashes a painting that made my mouth gape. It was the painting I brought to Lucifer! Hindi ko namalayan ay pumunta na pala ako sa tabi ni Svanier para tingnan iyon ng maayos.

Fuck, Lucifer. He made me a thief!

Feeling ko pinagpapawisan na 'ko. Tangina talaga.

Tinanong pa ako ni Svanier kung okay lang daw ako, sinabi ko nalang na oo para umikli ang usapan. Pero napalunok pa rin ako sa kaba dahil naging magnanakaw ako nago ako humiga muli. Tinry ko rin na magtaklob ng kumot pero nhuhuli ko pa rin ang sarili ko na nakatitig sa TV at nakikinig pa rin.

"Ang nasa larawan ay ang asawa ni Don Jairo Espadaña na si Doña Estreveliza Burgos-Espadaña, ipinapinta pa ito sa tanyag na pintor na si Juanco Salvador bago pa magsimula ang ikalawang digmaang pandaigdig."

"Kaya nanawagan ang apo ng mag-asawang Espadaña  na siyang nangangalaga ngayon ng Casa Espadaña na si Ginang Esteva Espadaña-Santos ng tulong sa awtoridad upang mabalik muli ang painting na ninakaw sa makasaysayang bahay ng kaniyang ninuno."

Pagkatapos magsalita ng reporter habang pinapakita naman ng camera ang interior ng Casa Espadaña ay may lola namang pumalit. Ang ininterview nila na tagapangalaga bg bahay.

"Pumunta kaming Singapore, tapos pagbalik namin, wala na dito ang larawan ni lola. Kaya sinuspetsaan pi namin na ninakaw," biglang nagflash 'yung apo ni ng mag-asawang Espadaña.

"Pahayag naman ni Ginang Esteva," aniya ulit ng reporter.

Hindi ko alam kung may idadagdag pa ang reporter tungkol sa balitang ng nawawalang larawan ng asawa ni Señor Jairo. Kaya nagpaalam ako na magsi-CR
ako para hindi ko na marinig 'yung iba.

Because it's fucking clear, I'm a thief without knowing!

"Hala, Yumi, anong nangyari sa palda mo?!" Narinig ko nanaman ang sigaw ni Kelly bqgo ko pa mabuksan ang pinto ng CR.

"May nanakit ba sa'yo?!" Tanong niya pa nang makalapit sa 'kin, yinugyug din niya ako ng ilang beses at ramdan ko ang pagtalsik laway niya.

"Wala!" Pasigaw kong sagot na ikinagulat niya. Napansin ko rin na  napatingin din sa 'kin ang dalawa naming kasama pati na rin ang school doctor at nurse.

"Bakit..?" I asked awkwardly.

"Namumula ka," Svanier answered.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako pumasok sa CR at padabog kong sinara ang pinto.

NAKAUWI na'ko hinatid ako ni Brylle. At ngayon ay nasa higaan ako at hindi alam kung ano ang unang iisipin dahil lahat ng bagay ay importante para sa 'kin.

Una, si Desmond, hindi ko alam kung bakit sinaktan nanaman siya ng demonyo. Wala akong nakikitang rason.

Ikalawa, bakit ako gustong patayin ni Lucifer? Ano ba ang ikinagalit niya?

Ikatlo, naging magnakakaw pa 'ko dahil sa utos ni Lucifer.

Ika-apat, may summative test daw kami bukas, tatlong subject.

The Door to TreveloréTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon