Chapter 07:
TOCONES which means tree stumps and tree stumps in this world means... lives cut down but not truly, so was forced to exist.
As per Desmond... which... saddens me.
A devil could only really mean as a devil again indeed.
Ngayon ay kasalukuyan kaming naglalakad ni Desmond patungo sa mga pine trees na kanina akala ko ay medyo malayo lang pero mas malayo pa pala.
At nang makarating kami sa isang pine tree, napansin ko na mas matangkad ito kaysa sa iba. Napansin ko rin ang isang Tocono na nakasanday. At sa parteng nasasandayan nito na kahoy ay parang may unti-unting kumakalat na kulay itim at nagkukulay violet na halatang-halata. Dahil ang kulay ng kahoy ng pine tree sa lugar na 'to ay mas maputla sa karaniwan gayon din sa mga puno kanina na walang dahon. Na siya namang kina-ibahan ng dahon dito, na sobrang dilim ng pagkaberde.
"Señor Tocono," marahang tawag dito ni Desmond. "Pinapunta niya ako dito at alam kong alam niyo kung bakit."
The Tocono nodded as if it was something he expected.
"Patawad," saad ni Desmond.
Bigla namang lumitaw ng mabilis pa sa segundo ang katawan ng lalaki sa loob ng Tocono na siyang ikinagulat ko. Nakasuot din ng uniporme noon kagaya ng mga kalalakihan sa La Ciudad de los Fantamas at ng dalawang lalaking nakita kong naparusahan.
"S-Salamat, Señorito J-Jaena. Mabait k-ka t-alaga na bata," narinig kong garalgal na saad ng lalaki at pilit na inaabot si Desmond.
Putol-putol at garagal ang boses ng Señor dahil pagkatapos magpakita ng orihinal niyang katawan sa loob ay bumabalik siya bilang isang Tocono. At ulit-ulit 'yun na nangyayari sa pagitan ng segundo. Kagaya ng paghinga ng pasyente sa oxygen.
"Salamat, Señor," marahan pa ring sabi ni Desmond dito. "Ngunit, muli, patawad," saad niya muli na may bahid ng lungkot.
Pero agad namang umiling-iling ang Señor. "G-Gawin m-mo na, ito lang a-ang tanging p-paraan para m-makalabas ako dito kaya pina...patawad kita a-agad, k-kase hindi ka n-naman a-ang may -gawa nito," saad naman ulit ng Señor kay Desmond sa likod ng anyo niyang Tocono.
"Kung sa gayon, paalam ho, Señor Ybañez," sabi ni Desmond sabay tapat ng palad niya sa harap ng Señor.
Dahil kasabay noon ay biglang nawala ang anino ng Tocono. Dahilan kung bakit ko ng malinaw ngayon ang Señor na nanghihina at parang humihingal bago siya palibutan ng asul na apoy mula sa palad ni Desmond at naglaho nang maikuyom ni Desmond muli ang kaniyang kamay.
Naawa man ako sa Señor pero wala akong maggagawa, may nakatingin at may nakaririnig sa lugar na ito.
Because based on my observation, Desmond is the one who had the strongest mental barrier here kaya ata siya ginawang utusan ng gago. But well, except noong dumating na'ko, but then again, I would not please to stay here, like yucks.
So, continuation... since I observed that thing. I assumed now that the souls in this place and creatures the jerk made had a pretty fragile mental barrier due to the years they been here. And Desmond is the most recent one here, and his mental barrier is slowly deteriorating.
But that does mean that I got here because of that?
Heck nah, yeah, the heck of you Yllaire Florentina! Baka nakalimutan mong nasakal ka lang at kinaladkad para mapunta dito noong una.
Pero napatigil ako sa pag-iisip nang may nakita akong kumikintab na bagay sa kinaroroonan kanina ng naglaho na Señor Ybañez. Kaya agad ko iyon na linapitan.

BINABASA MO ANG
The Door to Treveloré
FantasyYumi, an ordinary soul who had a friend of two is having her own ordinary life. Not until she was told about the story of the door to Treveloré. A door in University of Trevelia's old building. On the third floor, there was a boy's dormitory before...