Kabanata 1

2.5K 42 0
                                    

"Ate gumising ka na! Tsk.Malalate ka na naman sa school." pambubulabog sa akin ng pinsan ko.

Kanina pa naman ako gising pero ayoko lang bumangon dahil tinatamad pa ako.Alas singko pa lang kasi ng umaga at antok na antok pa ako.

"Oo na! Umalis ka na sa kwarto ko.Labas!" sabi ko sabay balibag ng unan sa pinto.

Naligo na ako agad at nagsuot ng uniporme.Mukha talaga akong kagalang-galang na guro everytime na naka uniform ako.

"Ate, sasabay ako sayo huh?" Sabi ni Shaneh,pinsan ko.

"Okay baby." Matipid kung sagot at nagsimula ng kumain.

Pumasok na ako sa eskwelahan kung saan ako nagtuturo.Sa isang pampublikong paaralan na di kalayuan sa bahay na tinitirhan ko.

"Good Morning Ma'am Aleisha." Bati sa akin ng mga estudyante ko.

I really love kids kaya siguro kumuha ako ng kurso na education.At ngayon nga ay isa na akong ganap na guro.

Lunch break na at sabay-sabay kaming kumakain ng mga co-teachers ko sa faculty room.

"Long weekend ah. Ano plano niyo?" tanong ng isang kasama ko.

"Magsho-shopping ako kasama ng anak ko." sagot ni ma'am gail.

"Anniversary namin ng boyfriend ko this saturday kaya baka mag out of town kami." sagot naman nung isa.Umingay sa loob ng faculty at nagsimula ng mag-asaran.

"Ikaw aleisha ano plano mo?" tanong ng isang teacher na katabi ko.

"Hmm, makikipagkita ako sa bestfriend ko sa Manila." sagot ko.

"Wow naman! Out of town pala ang peg mo." pabiro niyang sabi.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos ang lunch break at bumalik na sa kanya-kanyang room.

Ringggggggg........
Calling Bes.....

"Hello bes?"

"Bes tuloy ka ba this coming friday?" sabi niya sa kabilang linya.

"Ofcourse.Why?"

"Nevermind.Naninigurado lang ako." narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya.

Tsk.Babae talaga na to! Ala-una na, dapat ay nasa trabaho na siya.

"Hmm, wala ka ba sa trabaho mo ngayon?" tanong ko.

"Ayy, oo nga pala! Sige i'll call you later.Nandito na si boss." sabi niya sabay end ng call.

Napailing nalang ako.Kahit kailan talaga baliw yung bestfriend ko na iyon.Napapakinabangan ko naman yung pagkabaliw niya.Yun nga lang minsan lang talaga.

The Bachelor's AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon