Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising.Nagulat pa ako ng pagsilip ko sa bintana ay tirik na tirik na ang araw.Nagmamadali akong bumangon at naglinis ng katawan.
"Bes mukhang namiss mong matulog.Mukhang ayaw mo nang gumising.Haha'' natatawang sabi ni Jade
"Nah, hindi ko lang namalayan.Ganito talaga ako pag nasa Manila, tanghali ang gising." pagdadahilan ko
"Saan mo gustong lumibot ngayon?"
"Tinatamad akong lumibot, mag-movie marathon na lang tayo." sagot ko
Dahil maaga pa naman nag-ayos muna kami ng katawan.At pagkatapos ay nag-ayos nang mga gagamitin sa panonood.Nagluto ako ng popcorn at ilang finger foods, samantalang si bes ay inayos ang sala.
Una naming pinanuod ay ang 50 first date, grabe! Saludo ako sa lalakeng bida, hindi siya sumuko sa babaeng mahal niya.Kahit araw-araw siyang nakakalimutan nung babae.
"Bes, may lalake pa kayang ganyan?" tanong sa akin ni Jade
"Tsk.Naku, e sa Movie lang iyan.Walang ganyan sa totoong buhay." sagot ko
Sumunod na pinanuod namin ay ang He's the One, medyo teen fiction siya pero okay lang.Kasi ang galing naman nung gumanap.Iyong girl na nagpretend na boy para lang makasali siya sa football team.Tapos iyong kateam-mate niya na lalake, nainlove siya doon.Maganda ang takbo ng storya at matatapos na sana namin kaya lang.......
*tok! *tok! *tok! *tok!
Nagkatinginan kami ni bes.
"May bisita ka?" tanong ko.She just raise her eyebrow tapos ay pumunta sa pinto.
Itinuon ko ang pansin sa pinapanuod namin.
"Sir?" medyo gulat ang boses ni Jade
Awtomatiko akong napatingin sa pinto pero si Jade lang ang nakikita ko."Tsk.What happen to you and Eze? Kahapon pa siya lasing.Kung hindi daw namin siya dadalin dito, hindi daw siya titigil uminom.Fuck that boy!" pahayag nang kausap ni bes
Matagal na katahimikan ang nangyari, maya-maya ay may narinig na akong nagsalita.
"Jade, shorry nha ngah kashee.Will you forgive me?" sabi nito na halata sa boses ang pagkalango sa alak.
"Pumasok nga tayo sa loob.Nakakahiya sa mga kapit-bahay ko." asar na sabi ni Jade.
Pinatay ko ang TV at umupo sa sofa.Hinintay kong makapasok sila sa loob ng unit ni Jade.Agad na nagtama ang mata namin ni Yvo.Shit that man! Baket nandito siya?
"Bes will you please make some coffee?" paki-usap ni Jade
"Okay." maikli kong sagot.Dumiretso ako sa mini kitchen ni bes.Naghanda ako ng coffee, maya-maya'y naramdaman kong tila may nanunuod sa akin.
Pagharap ko ay nakita ko si Yvo na nakasandal sa hamba ng pinto at pinagmamasdan ako.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.Naiinis ako sa presensya niya.
"Wala naman." sagot niyang nakangisi
Tinalikuran ko na siya at pinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape.Muntik na akong mapaso nang maramdaman ko ang kanyang yakap.He hugged me from my back.Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking leeg.
"Wh-what are you doing?" nauutal kong tanong
Hindi siya sumagot, bagkus ay dahan dahan niyang hinalikan ang leeg ko.Shit! Mali ito!
Gusto kong tumutol pero ayaw ng katawan ko.Iniharap niya ako sa kanya.He claimed my lips.Hindi ko alam, but i feel im longing for his kiss.Mukhang mali talaga ang nararamdaman ko.I put my hands into his nape.We kiss passionately, ewan ko ba pero nakaka-addict siyang humalik.Iyong kahit ayaw mong tugunin, ay mapipilitan kang tumugon sa bawat halik niya.
"Bes, nasan na iyong kape?" narinig kong tawag ni Jade.Doon lang bumalik ang katinuan ko, agad kong tinulak si Yvo at tumuloy sa sala na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Affair
RomansaWhen will you know if it is love or lust? LOVE - a feeling of strong or constant affection for a person. LUST - uncontrolled or illicit sexual desire or appetite.