Kabanata 12

1.3K 35 2
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula ng umalis ako ng Maynila ng walang paalam even kay Jade.Maging ang cellphone ko ay patay.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa bestfriend ko ang nangyari.Shit! One night stand?

"Earth to aleisha." natigil ako sa pag-iisip ng makita si Abby na nasa harap ko.Kinumpas pa niya ang kanyang kamay.Inirapan ko lang siya at binalik ang aking mata sa test paper na nirerecord ko.

"Sungit naman! Magkwento ka naman kung anong nangyari sa Maynila." umupo pa ito sa harapan ko at tila batang naghihintay ng kwento.

"Wala akong ikukwento, wala naman nangyari." sagot ko at nagbigay ng tipid na ngiti.

"What? Akala ko ba mamasyal ka doon?" pagpupumilit nito.

"Tsk.Naku abby kung ayaw mong maniwala ay hindi kita pipilitin." sabi ko

"Okay.Nga pala pinabibigay ni Sir Adrian." inabot niya sa akin ang isang kulay puting sobre.

"Ano 'to?" tinignan kong mabuti ang sobre

"Buksan mo kaya.Hindi mo malalaman 'yan kung tititigan mo lang."

Binuksan ko ang sobre at nakakita ng invitation letter.50th birthday ng mama ni Adrian.I didn't know kung pupunta ba ako.Actually close naman kami ng mama ni Adrian but these past few months ay 'di na ako nakakalibot sa kanila.Mula nang inamin sa akin ni Adrian na mahal niya daw ako ay medyo umiwas na ako sa pamilya nila.Para kasing ang awkward kung pupunta pa ako sa kanila at makikilala ang iba pang miyembro nila.


Mabilis lumipas ang araw.Hindi ko namalayan na birthday na ng mama ni Adrian.Ayoko sanang pumunta subalit pinilit ako nila Abby.Magara ang naging party, maraming imbitadong mga tao.Mga businessman sa aming probinsiya at mga kapwa namin guro.Halos isang oras lang ang itinagal ko sa party at napagpasyahan na ring umuwi.

"Marciu paki sundo ako dito kila Adrian." tinawagan ko ang pinsan ko para sunduin ako.Madilim na ang kalangitan kaya naman wala nang masyadong sasakyang dumadaan.

"Tamang-tama ate, may bisita ka kasi dito kanina pa." sagot nito

"Sino naman?"

"Si ate Jade.Kanina ka pa nga niya hinahanap."

Oh shit! "Si-sinong kasama niya?"

"Siya lang naman.Bakit?" i feel relief.Akala ko kasama niya sila Yvo.Oh, another shit! Bakit ko nga ba iisiping susundan ako ni Yvo dito.Isang maliwanag na one night stand ang naganap.I should remember that.


The Bachelor's AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon