Kabanata 3

1.7K 39 1
                                    


"Ewan ko sayo! Uuwi na ako, grabe ang stress ng araw na to!" sabi ko at tuluyan ng lumabas ng faculty room.

Pagdating ko sa bahay sarado yung pinto.Ano na naman trip ng mga pinsan ko? Pagdating ko sa sala nakita ko silang busy sa panunuod ng t.v.

"Hoy ano yan! Fifty shades of grey?" nagulat sila sa boses ko.

"He-he nandyan ka na pala ate, halika nuod ka din." sabi ng isang pinsan ko.Aba, ang lakas ng loob at inaya pa ako! Binatukan ko nga.

"Sino may sabing manuod kayo niyan? Kababata niyo pa huh? " kinuha ko yung remote at handa na akong patayin ang tv ng magsalita yung isa kung pinsan.

"Teka ate! Ayan na yung part na nakakakilig.Sasakay na sila sa helicopter"

Napatingin ako sa tv, hanep! Ang gwapo talaga ni Christian Grey.Pwede bang ako nalang si Ana, please? Kinikilig talaga ako sa movie na ito.Ewan ko ba, ako lang ata yung kinikilig e.Kasi naman yung mga kaibigan ko sabi nila nakakaawa daw si Ana.

"Ang swerte ni Anastasia nuh?Ang gwapo ni Christian tapos ang yaman pa." pahayag ng isa kung pinsan.

"Haiiy.. Hayaan niyo mga pinsan at hahanap ako ng kasing gwapo at kasing yaman ni Christian." sabi ko sabay patay ng television.
Nagsi-angalan naman sila, wala silang magagawa.Ate nila ko, kaya ako masusunod.

"Ang sungit mo kaya ate! Walang magkakagusto sayo. Ang gusto ng mga bachelor yung mga babaeng mahinhin.Yung dalagang pilipina."

"Aba at kokontra pa kayo huh? Luluwas ako ng Manila bukas, wala kayong pasalubong pagbalik ko." nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit na ng damit.

I take a deep sighed.I'm stressed and frustrated,mabuti na lamang at walang pasok bukas.Bale, three days ang pahinga ko.Mahaba na iyon para sa tulad kung guro na madalas nagugugol ang oras sa paaralan.

*Tok! Tok! Tok! Tok!

"Pasok." sabi ko. Ang arte talaga ng mga pinsan ko, kunwari pang kakatok.

"Oh anong kailangan niyo?" Isa-isa silang lumapit sa kama ko at nagsi-upo.

"Ate pupunta kaba talagang Manila bukas?'' malambing ang pagkakasabi ni Shaneh.Sa lahat ng pinsan ko siya ang pinaka-paborito ko.

"Manghihingi lang kayo ng pasalubong kaya naglalambing kayo e."

"Hindi kaya." kanya-kanya silang iwas ng tingin.

"Tsk.Oh siya, mag-sialis na kayo at maggagayak pa ako ng mga gamit ko." pagtataboy ko sa kanila.

The Bachelor's AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon