Kabanata 16

2.1K 42 11
                                    

Hindi ko alam kung paanong nakatulog ako ng maayos matapos ang insidente namin ni Yvo. Mabuti na lamang ay naging abala ako sa school dahil mayroong evaluation na magaganap. Masyado akong okupado sa pag-iisip kung paano pa lalaong pagagandahin ang aking room.

"Class, work quietly." pagbawal ko sa mga estudyante ko na nagsisimula nang mag-ingay.

Inaayos ko ang folder kung saan nakalagay ang mga nangyaring events nitong mga nakaraang buwan. Inisa-isa kong mabuti ang mga files kung tama ba ang pagkakasunod-sunod nito. Nang makuntento ako ay ibinalik ko na ito sa lalagyanan at kumuha ng panibagong folder para ayusin ang mga laman. I'm so stress!

"Ma'am hindi pa po ba recess? I'm starve." sabi ng isang estudyante ko

Napatingin ako sa suot kong relo at napagtantong 9:40 na! Siomai! Kanina pa dapat sila nagrecess.

"Okay class, you may take your break now. Kindly fall in line and go to canteen. Walang tatakbo huh?" paalala ko pa

Halos isang linggo akong bangag at di malaman ang gagawin. Habang papalapit ang evaluation ay parami ng parami ang trabaho ko.

"Ma'am aleisha, ang ganda ng room mo!" Sabi ni Ma'am Abby ng minsang pumasok sa room ko

"Salamat. Yong room mo din naman maganda! Lahat ng pinaghihirapan gumaganda." nakangiti kong tugon

"Puro trabaho tayo noh? Kailan mo ba balak mag-boyfriend?" pag-iiba nito

"Boyfriend? Ma'am naman e! Bakit napunta tayo do'n?" sagot ko

"Naisip ko lang. Ilang taon ka na ba? Pero wala ka pa ding nobyo. Puro ka trabaho! Gusto mo bang magaya kay Ma'am Yoly?" natatawang pahayag niya

Natawa ako sa sinabi niya. "I'm 26. Pero wala pa sa isip ko yon."

"What? You're impossible!" naiiling na sabi niya


Bukas na ang dating ng mga visitors from the Division Office. Last year ay na-awardan ang aming school bilang outstanding and our principal want to maintain that award.

"Hello ate.."

Nasa kalagitnaan ako ng pagtuturo ng tumawag si Marciu, bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya. Parang may mali!

"Why so sudden Marciu?'' lumabas ako ng room para magkainitindihan kami

"Si Lolo kasi..ano..."

"What happen?"  Si Lolo? My gosh! Wala sanang nangyaring masama.

"Inatake sa puso si Lolo. Nandito kami sa ospital." sabi niya

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dala na rin ng adrenaline rush ay hindi ko namalayang nakarating na ako sa ospital kung nasaan si Lolo.

Sa labas ng emergency room ay naroon ang mga pinsan ko. At ilang body guard ni Lolo.

"Ate!" mabilis akong niyakap ni Shaneh, halatang kagagaling niya lang sa pag-iyak. Si Marciu ay nakatutok ang mata sa pintuan ng emergency room, he's serious. I don't know what he's thinking. Ang tatlo ko pang pinsang lalaki ay naka-upo at nakatingin sa akin. Nilapitan ko sila at pumagitna. Hinawakan ko ang kanilang mga kamay.

"I know we'll get through this. Lolo is strong." sabi ko at ngumiti

I know how much they loved Lolo, siya na kasi ang nagsilbing magulang namin and I don't know how can we live kung pati siya ay mawawala. Please G, pagalingin mo siya!

Ilang sandali pa'y lumabas na ang doktor.

"Doc, how's my Lolo?'' bungad ko

"He's stable now. Ililipat lang siya sa private room then you can see him. I'll suggest don't stress him to much. At bawasan ang mga unhealthy foods. Mild lang ang atake niya for now, maybe he forget to take meds regularly. May personal nurse ba siya?"

"Wala po Doc." maagap kong tugon.

"Well, i'll suggest he need one. Para matake niya regularly ang mga gamot niya. At hindi na ulit umabot sa ganitong point. I need to go."

"Okay, thank you doc." paalam ko

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Naramdaman kong may umakbay sa akin, nang malingunan ko ay si Marciu ito. Masayang nakangiti.

"Malalagpasan din natin ito Ate! I'm here, kapag gusto mo ng kausap o kaya umiyak. Nandito lang ako." pahayag niya

Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak. I don't know, maybe I'm so stress because of my work tapos ganito pa ang nangyari kay Lolo.

"Thank you Marciu" sabi ko at pinahid ang ilang takas ng luha sa akong pisngi

"You are always welcome ate."

The Bachelor's AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon