**Flashback
Ilang araw na din simula nung binasted ka ni nam she's one of my closest friend.. Nagkatabi tayo sa upuan well Hindi pa tayo medyo close pero crush na kita :)
"Hmm..alam mo Hindi na ko nagagandahan Kay Nam." Agad akong napatingin sayo habang ikaw nakatingin Kay Nam..
"Baket?"
"Wala lang"
"Binasted ka lang ehh" agad ka namang tumingin sakin
"Hindi din :)" nakatingin lang ako sa mukha mo..ang cute mo palang ngumiti no? May dimple ka sa isang cheeks, Hindi gaanong matangos yung ilong mo Hindi din naman pango, mapula yung labi, cute eyes at yung pinaka gusto ko sayo yung ngiti mo :) Its just a smile pero kusa ngumiti ang labi ko.Nagsalita na si ma'am at Simula na nung game mag sh-shoot ng papel na bola dun sa isang box then may tanung na bubunutin pag nasagutan may points..kahit sinong mag partner..
"Sali tayo dalii!!" Hinaltak mo ko patayo para pumila..nung tayo na wala din tayong na shoot..pag tapos nun tawa lang tayo ng tawa tas kwentuhan.
**end of flashback
I guess dun nag simula yung closeness nating dalawa..pag tapos kasi ng araw na yun lagi na tayong mag katabi at mag kausap..