"Ayii pahawak naman to pleaseee:)" how can I resist that face?? Agad mo naman sinuot sakin yung relo mo at natulog..
Tinitigan lang kita habang mahimbing na natutulog..para namang may sariling utak ang kamay ko at kusang hinaplos ang buhok mo..
Halos araw araw ganito tayo..pag tapos magharutan at magtawanan matutulog ka at ako?? Tititigan ka, mapapangiti ng kusa at pakikiramdaman ang tibok ng puso ko..
2months nung nagsimula ang klase, 2months simula nung sinabi King hinding-hindi kita magiging kaibigan pero tignan mo nga naman ngayon? Hindi na tayo mapag hiwalay Simula nung binasted ka ni Nam... Isa sa mga closest friend ko..
Pagtapos nyo tayo naman..astig no?? Siguro ang landi ng tingin nila sakin pero anong magagawa ko kung one week palang ng klase alam ko gusto na kita??
Matuturuan ko ba kung sinong dapat mag patibok ng puso ko??