Tuesday kakatapos lang ng klase natin sa English so lumipat na agad ako ng upuan for the next class at tumungo Hindi ganong maganda ang pakiramdam ko medyo masakit kasi yung ulo ko.
Agad akong napa angat ng ulo ng maramdaman kong may yumakap sakin kahit nakayuko alam kong ikaw yun pero nagulat padin ako.. At the same time my heart beats so loud.
"Ohh??bakit?" Umupo ka sa tabi ko at yumakap sa totoo lang namiss ko to yung bigla mo nalang akong yayakapin :(
"Wala yakapin mo ko" napangiti naman ako sa sinabi mo
"Ehh lagi Nalang ako yung yumayakap ehh ikaw muna :))" agad ka namang humiwalay napasimangot tuloy ako -_-
"Sabay Nalang tayo??" Natawa ako bigla sa sinabi mo kaya sumimangot ka
"-___- wag na nga" Hahaha ang cute mo talaga pag hindi kita pinagbibigay payuko kana sana nung niyakap kita
"Hala?! Bakit ka nang yayakap?!" Agad naman akong bumitaw at tinaasan ka ng kilay
"Haha sabay tayo ha??" Napangiti nalang ako at tumango
"Game!" Pag kasabi mo ng game sabay nating niyakap ang isa't-isa at tumawa
"Hmmm" you said habang hinihigpitan ang yakap sakin natawa na lang ako and did the same ^_____^
Nakakamiss tong ganito ka sweet sakin Sana ganito na lang araw araw para namang nawala yung sakit ng ulo ko sa yakap mo :)"Ohh!! Tama na yan!Hahaha" napabitaw naman ako ng nagsalita si Nam :)
"Epal!" Nakasimangot na sabi mo tumawa na lang ako pati si Nam..
I guess that hug complete my day masyado akong naging hyper because of that hug :))