That day sinabi ko sa sarili na siguro kailangan ko ng dumistansya sayo para kahit papano hindi na ko masyadong masaktan tsaka ugh! Ayoko ng umiyak! Hindi ko pinangarap yun tsk!
Nagpasukan ulit halos 2 araw akong umiiwas sayo.
"Ayi dito ka" sabay ayos mo ng upuan sa tabi mo
"Ha?? Ahh wait lang di ko kasi makita pag diyan ako" nagsusulat kasi tayo ng lecture
"Ehh kopya kana lang sakin sige na! May sasabihin ako" ngumiti ka pa at tinapik yung armrest
"Hindi sige lang"
"Tsk!wag kang tatabi sakin ah!" Ganyan ka pag tumatanggi ako sayo magtatampo tapos Hindi mamansin kung wala ako sa wisyo malamang susuyuin kita ngayon hayst..2 subject na ang nakalipas pero hindi padin kita pinapansin naka upo lang ako sa upuan ko at tahimik na nagsusulat tumabi ka sakin at kinausap ako ng kinausap mamaya maya I just found myself laughing because of you..and its pretty obvious Hindi kita matiis! -_-
Kada magagalet or matatampo ka madalas ako yung nanunuyo pero pag talagang naiinis ako or Parang walang pake kung magtampo ka, ikaw na yung lumalapit at nanunuyo kaya siguro hindi din kita matiis