"Yaya Dub!!! Ang dumi ng bahay! Maglinis ka nga!!" Hay nako!!! 5am nang umaga, utos agad si Lola! Nga pala, ako si Nicomaine Dei Capili Mendoza at yaya ni Lola Nidora. Tawag sa akin ni Lola na 'Yaya Dub' dahil sa, magaling daw akong mag-dubsmash. Baka matanong niyo, anong ibig sabihin ng 'Dub'? Well, may anak yung matalik na kaibigan or should i say, amiga, ni Lola at ang pangalan ng anak niya, Divina Ursula Bokbokova Smash. Namatay si Dub-Smash, nickname niya, at the age of 15 because of suicide. She caught her boyfriend cheating on her, and she got depressed and she attempted suicide. Siyempre naman, binigay mo lahat ng pagmamahal mo sa kanya, ipinagpalit mo lahat para lang sa kanya tapos cheating isusukli sa iyo? "YAYA DUB!!!" Sigaw pa ni Lola. "Opo! Maglilinis na po!" Sagot ko naman. Lumabas na ako ng kuwarto ko at naglinis na ng bahay. Una, sa sala, sunod, sa kusina, pagkatapos, sa kuwarto ni Lola, at huli, sa kuwarto ko na kahit isang alikabok, wala kang makikita. "Yaya Dub, yung gamot ko nga! Yung August ha, hindi ung December, hindi ung next year, hindi ung last year, kundi August ha, AUGUST!!" Utos na naman! Bakit pa kasi kailangan pang may mga buwan ung mga gamot ni Lola, hindi ba pwedeng isa nlang? "Eto na po. AUGUST po yan." At iniabot ko yung gamot na AUGUST. "Buti naman at MARUNONG ka na." "Salamat po." Hay nako, Lola.
*ding dong*
"Yaya Dub, may tao ata, tignan mo nga." Sino kaya yun? Binuksan ko yung pinto, at may parang mayamang lalaki at may mamahaling limousine sa likuran niya. "Nandyan ba si Donya Nidora Esperanza Y Zobeyala Biuda D'Explorer?" Sabi niya na parang siga ang dating. "Oo, nandito siya, at bakit?" Sagot ko sa kaniya. "At, ikaw si Yaya Dub di ba?" Hala! First time na may ibang tao na tawagin akong Yaya Dub. "Haha, alam ko naman na hindi Yaya Dub ang tunay mong pangalan. Ang tunay mong pangalan ay Nicomaine Dei Capili Mendoza, hindi ba?" So, parang umamo 'tong boses nito, ah. "Oo. Anong bang sadya mo at pumunta ka dito?" Tanong ko nga para sure na sure. Baka mamaya, scammer 'to at nakawan pa kami. "Sadya ko talaga dito, natanggap ang amo mo, o siguro yung lola mo, sa isang trabaho na talagang malaki ang sahod. Napili lang siya, hindi siya pumasok sa trabahong iyon. Kasi ang apo niya, si Doktora Dora D'Explorer, ay magli-leave sa trabaho niya, kaya ang lola mo ang napili niya para pumalit muna sa kaniya sa pansamantalang panahon." Explain niya. "Anong trabaho ba iyan?" "Entertainment. Magka-cast siya sa isang show, at kailangan kasama ka dun. Ang makukuha mong sahod mula sa show, idadagdag sa sahod na ibibigay sa iyo ng amo mo." Oh, okay........................................................................WHAT?!?!?! "So, kikita din ako sa trabaho na yun?" "Oo, paano ba iyan? Ito yung information about sa show. Aalis na ako." Hay, salamat! Aalis na rin 'tong ito. "Sige. Alis na." At tuluyan na ngang umalis. "Lola, natanggap daw kayo sa isang trabaho, magkasama daw tayo dun." Pasabi ko kay Lola. "Anong trabaho? Sabihin mo na, nahihilo ako." Sagot niya sa akin. "Magho-host tayo sa Eat Bulaga, sa Juan for All, All for Juan. Makakasama natin sila Jose at Paolo." "So? Kailan tayo magsisimula?" "Bukas na daw, Lola, sabi dito sa slip na binigay ng manong." "Ang bilis naman!!! Hindi pa 'ko naggu-gluta." "Lola, bukas pa 'yon. Wag na po kayo mag-gluta, okay lang yan." "At bakit mo naman nasabi na wag na akong mag-gluta?" Kungyari lang to, mga guis (guys), na hindi ako makasagot sa tanong ni Lola pero ang totoo, may binulong ako, at parang narinig pa niya. "(whispers only) Kasi wala namang magkakagusto sa inyo dun. Gurang na kayo eh." "May sinasabi ka Yaya?" "Ang sabi ko po, wag na kayong mag-gluta kasi baka mamaya, magkasugat-sugat yang mukha niyo." At hindi na nag-comment sa sinabi ko si Lola. At siguro, ito na yung katapusan.......... hindi naman katapusan ng buhay ko, what I mean is, katapusan ng POV ko. Babye!!
BINABASA MO ANG
Love Between Family War (AlDub)
FanfictionIsang yaya si Maine sa amo at Lola niyang si Lola Nidora. Iniwan siya ng kaniyang nanay kay Nidora para maalagaan ni Nidora. Kaya simula sanggol pa lamang, itinuring nang anak si Maine ni Lola Nidora. Si Alden naman ay anak ng isang mayamang pamilya...